Chapter 1: The Fall That Changed Everything

1291 Words
“Argh…” ungol ni Avery. Wala sa loob na napahawak siya sa kanyang ulo dahil bigla iyong sumakit. Nananakit din ang buo niyang katawan. Napatitig siya sa kanyang kaliwang kamay. Nakabalot iyon sa puting cast at hindi niya maigalaw. Iginala niya ang kanyang tingin sa paligid. Napalilibutan siya ng mga puting dingding. Hala! Patay na ba siya? Paano na ang pangarap niyang grumadweyt sa high school? Magka-college pa siya sa UP at kukuha ng Law! Nasa ganoong takbo ang isip niya nang may biglang kumuha sa kanyang atensyon. “Oh my gosh, Avery! Are you okay?” pukaw ng maarteng tinig mula sa kanyang kaliwa. It was Mia, her bestest bestie mula Grade 7 hanggang Grade 10. Hala, thank goodness hindi pa pala siya patay. Wala pa siya sa langit kasi nasa ospital lang pala siya. Dahil kay Mia ay naalala na niya kung bakit siya naroon. Kagigising lamang niya mula sa isang malagim na aksidente. She couldn’t remember how exactly she got into the accident, pero naaalala niyang nahulog siya sa ikatlong palapag ng Don Gregorio Scholastic Institute, ang paaralang pinapasukan nilang lahat. Nasa ikatlong palapag ang classroom nila. Kasalukuyang nakatingin sa kaniya ang kanyang mga kaibigang sina Mia, Annabelle, at Sheena. Katabi ng kanyang barkada si Jameson, ang masugid niyang manliligaw. Bakas sa mga mukha ng mga ito ang pag-aalala sa kalagayan niya. “Thank heavens, Avie! Akala ko hindi ka na magigising!” bulalas ni Mia nang hindi pa rin siya sumagot. Lumapit ito sa kanya at tsaka siya maingat na inalalayan upang makaupo siya. Napangiti siya. Si Mia ang pinaka-sweet na taong nakilala niya. Napakamaalaga talaga ng bestie niya. Tuwang-tuwang ginagap niya ang kamay nito sabay usal ng malumanay na, “Thank you, bestie!” “Nagising ka ngang talaga! Sana kahit isang buwan ka man lang hindi nagising!” Natigilan siya sa narinig. Takang-taka siyang napatitig kay Mia. Siguradong-sigurado siyang boses ni Mia ang narinig niya. Never niyang maipagkakamali ang boses nitong walang kasing arte at tinis. Pero bakit ganon? Hindi naman bumuka ang bibig nito kanina? Tapos narinig niya ang boses nito? Hala! Hindi nga siya namatay pero mukhang nababaliw na yata siya! “What’s wrong? May masakit ba sa iyo?” nag-aalalang tanong ni Mia. “Y-yeah. Sorry. It’s just my head,” may pag-aalinlangang sagot niya. Hindi niya masabi na narinig niya ang boses nito kanina. Baka bigla siya nitong dalhin sa mental hospital, lagot siya! Tsaka baka naman namali lang siya ng dinig? Imposibleng sabihin ni Mia iyon sa kanya. Mahal na mahal siya ng kanyang best friend ’no! “Grabe, Avery! Hindi mo alam kung gaano kaming nag-panic noong malaman namin naaksidente ka!” eksaheradong sabi ni Sheena sabay upo sa may paanan ng kama niya, sa bandang likuran lang ni Mia. “We’re, like, super shocked!” dagdag pa nito habang umiikot ang mga mata. “Sheena and her fake accent. Duh!” Muli niyang narinig ang boses ni Mia. Hindi niya alam kung naghahallucinate lang ba siya o nababaliw na dahil naririnig talaga niya ang boses ni Mia kahit na hindi naman bumubuka ang bibig nito. Kahit nakapikit siya ay kabisadong kabisado niya ang boses nito. Mariin niyang ipinikit ang mga mata. Hindi siya pwedeng mabaliw. Ang dami pa niyang pangarap sa buhay. Jusme. Hindi pa siya nagkakaboyfriend! Ilang beses niyang ipinaling ang ulo para mahimasmasan siya. Babalik na sana siya sa katinuan nang biglang lumapit si Jameson, may dalang isang bungkos ng red roses. “Avery, para sa iyo. I hope you get well soon,” smooth na pagkakasabi ni Jameson. “T-thank you,” mahina niyang sagot, sabay ngiti. Hindi pa niya sinasagot si Jameson. Sabi kasi ni Mia ay kailangan muna niya itong pahirapan para hindi nito isiping easy-to-get siya. Pero mahigit isang taon na ring nanliligaw si Jameson sa kanya. Easy-to-get pa rin ba ang tawag sa kanya kapag tinanggap niya ang flowers nito? “Akin na.” Tumayo si Mia at kinuha ang mga bulaklak mula kay Jameson. “Hindi mahahawakan ni Avery ito. Look, her hand is broken,” paliwanag nito nang napatingin silang lahat sa ginawa nito. “So plastic! Inggitera ka talaga, Mia.” Lumipad ang nagtatakang tingin ni Avery kay Sheena. This time, it was Sheena’s voice. Ano’ng nangyayari sa kanya? Bakit may mga naririnig siyang boses na parang siya lang ang nakaririnig? “Okay ka lang ba, Avery? Bakit hindi ka nagsasalita?” tanong ni Annabelle na noon lang nagawang magsalita. She also sat on her bed, right behind Sheena. Nakakatawang tingnan, kasi parang barikada ang kanyang mga kaibigan na parang pinipigilang makalapit si Jameson sa kanya. Jameson, on the other hand, was quietly standing by the bed, looking at her. Strange. Hindi ba, dapat ito ang mas nag-aalala sa kanya? Kasi mahal siya nito? “S-sorry, medyo nahihilo lang kasi ako,” sagot niya. “Tell us, girl. Paano ka naaksidente? I mean, what were you doing in that abandoned part of the building?” tanong ni Annabelle. “Yeah, we never went there. Remember?” dagdag ni Sheena. “Oh Avery, you’re such an i***t!” Hala! Lumitaw na naman bigla iyong boses ni Mia. Tikom ulit ang bibig nito habang nakatingin sa kanya. “Buti nga sa iyo.” Now, it was Sheena’s. Nakasara rin ang bibig nito. Oh no! Nababaliw na yata talaga siya. “Avery?” tawag ni Annabelle nang mapansing para siyang naengkanto habang nakatitig kina Mia at Sheena. Nang mga oras na iyon ay may na-realize siya. She could hear their inner thoughts! Hala! Paano nangyari iyon? Pero inner thoughts lang ba nina Sheena at Mia ang kaya niyang marinig? Napatingin siya kay Annabelle. Gusto niyang makasiguro. “Masaya ka bang nagising ako at hindi masyadong nasaktan, Belle?” direktang tanong niya. Hindi si Annabelle ang pinakamatalino sa kanila, in fact, ito ang pinakamadaling iprank kasi medyo mahina itong makagets. Kaya kung may gusto siyang malaman, ito ang madalas niyang binabalingan. Nagulat ito sa biglaang tanong niya. “O-oo naman!” natatawang sagot nito. “Syempre, natutuwa akong hindi ka nasaktan. Ano ka ba?” “Syempre, masaya ako kasi kung wala ka, sino na ang gagawa ng mga assignment ko?” Parang sinipa ng sampung kabayo ang dibdib niya sa kanyang narinig. Her so-called friends see her differently. Lahat sila, may itinatago palang inis sa kanya. Paanong hindi niya nakita ang tunay na kulay ng mga ito dati? Hindi niya maintindihan kung bakit sa kabila ng lahat ng mabubuting nagawa niya ay hindi totoong pagkakaibigan ang isinukli ng mga ito sa kanya. She has always been a good friend to them. Or has she, really? Gusto niyang magwala, gusto niyang sumigaw sa sobrang inis dahil sa mga narinig niya. Pero paano niya sasabihing kaya niyang marinig ang inner thoughts ng mga kaibigan niya nang hindi siya pinatatawanan at sinasabihang nababaliw? Kailangan niyang makaisip ng paraan para malaman ang totoo. Lahat-lahat. Magagawa niya lang iyon kung sasakyan niya muna ang mga kaplastikan nina Mia. “Joke lang,” biro niya kunwari. Nagtawanan silang lahat sa loob. Nakakasuka ang kaplastikan ng mga “kaibigan” niya pero kailangan niyang magtiis. Baka nagkakamali lang siya. Baka side effect lang iyon ng pagkakabagok ng ulo niya. “In denial ka pa rin, Avery? Lakas mo!” nanunuyang sabi ng isip niya. Palihim niyang naikuyom ang kanyang mga palad. “Anyway, back to the story tayo. Ano ba talaga ang nangyari? Was everything really just an accident?” tanong ni Sheena. Muling kumirot ang kanyang ulo nang subukin niyang alalahanin ang nangyari nang hapong iyon. Hindi man detalyado ang alaala niya, pero iisa lang ang natitiyak niya. Hindi aksidente ang nangyari. May tumulak sa kanya kaya siya nahulog sa hagdan! Pero sino iyon? At bakit?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD