Episode 2. Overnight

1214 Words
Magkaharapan sila sa sala. Ilang minuto nang walang nagsasalita. Ang maririnig lamang ay ang patak ng ulan sa bubungan, tila galit na galit ang bawat pagpatak nito. Manaka nakang hihina saka lalakas. Malakas ang ihip ng hangin. Nagpasya na siyang tumayo at pumunta na lamang sa kuwarto. Inaantok na rin naman ako. "Patrick, dun ka nalang sa kabilang kwarto baka kasi abutin pa hanggang mamaya o bukas bago gumana phone" wika niya sabay tayo. Tumango na lamang si Patrick siya naman ay tinungo ang kwarto at nag lock ng pinto. Nasa iisang bubong kami ng crush ko! Gusto niyang sumigaw ng malakas pero sinarili niya na lamang. Kalma lang self! Pumikit nalang siya at niyakap ang sandayan. Hindi namalayan na nakatulog na pala. "Allyssa, Allyssa!" sunod sunod na tawag at katok ang narinig niya. Naalimpungatan si Allyssa sa pagkakatulog nang marinig ang boses na tumatawag at ang malakas na mga pagkatok. Nagbukas siya nang pinto at namataan si Patrick na tila nanginginig at takot na takot. "Oh Patrick, ano nangyari sa'yo?" tanong niyang naga alala saka ito pinaupo sa gilid ng kama. "Nag brown- out e, sobrang dilim. Takot ako sa madilim. Pasensiya ka na." tila bata na sagot nitong yakap yakap ang sarili. "Ganun ba? may bagyo yata e ngayon pa nawalan ng kuryente. Sige dito ka na muna hanggang bumalik ang power" pupungas pungas na sagot na lamang niya. Medyo awkward kasi sila lang dalawa diba? pero ano pang magagawa niya e mukhang may trauma yung tao. Hindi ito kumikibo. Nakatalungko lamang na yakap ang sarili. Siya naman ay inaantok parin. Naupo na lamang rin siya sa gilid at ipinikit ang mga mata. Madilim ang paligid pero mayroon paring kaunting liwanag na pumapasok mula sa bintanang gawa sa glass, puti rin ang kobre kama niya pati ang mga unan at kumot. Sapat para maaninag kahit papaano ang binatang nanginginig. Naaawa siya, napatitig siya dito. Para itong bata, taliwas sa pa- cool effect nito sa school. Mysterious type. “Patrick” marahang tawag niya dito. “Bakit?” sagot nito. Hindi gumagalaw. “Ito ang kumot, gamitin mo na. Lamig na lamig ka yata” saad niya sabay abot ng kumot. Tinanggap naman nito nang hindi tumitingin sa kaniya. Tila nahihiya itong nakikita niya ang kahinaan ng lalaki. Lalo pang lumakas ang buhos ng ulan na may kasamang kulog at kidlat. Nagtakip ng tainga si Patrick. Nagdadalawang isip siya kung aaluin ito o hahayaan na lamang. Pangit tingnan o pakinggan ang dalawang taong magkasama sa iisang kwarto. Napabuntong hininga siya. Hayy wala namang nakakaalam. Nilapitan niya ito at hinagod ang likod. Ito na yata ang pinaka awkward na moment sa buhay ni Allyssa. Isa pang malakas na kulog ang nagpagimbal kay Patrick at nagulat siya nang yumakap ito sa kaniya na takot na takot. Halos umiyak ito. Para siyang nanay ni Patrick nang gabing iyon. Nakayakap lang ito sa kaniya habang si Allyssa ay hindi makagalaw. Hindi kaya nancha- chancing lang ito? Oh well, flat chested naman siya. Kinamot kamot niya ang buhok nito at maya- maya pa ay naramdaman niyang nakatulog na ang binata. Dahan dahan niyang ihiniga si Patrick. Sa manaka nakang pag kidlat ay nasisilayan niya ang kaguwapuhan nito. Kung manyak lamang siya na babae ay baka napagsamantalahan na niya ang crush niyang iyon. Sinubukan na rin niyang matulog sa isang gilid. Tila siya pa ang nakikitulog sa sariling kama. Patrick’s POV Saan ba ako naroroon? Anong oras na? May nakadagan sa kaniyang mabigat na bagay kaya pinilit niya itong alisin at pupungas pungas na tumayo si Patrick. Kaninong kama ‘to? Luminga siya sa paligid. Madilim parin. Nang kumidlat ay nakita niyang natutulog si Allyssa, binti pala nito ang nakapatong sa kaniya. Hindi siya makapaniwalang nasa kuwarto siya nito. Bumalik bigla sa kaniyang alaala ang nangyari kagabi. Tahimik siyang nagpapaantok sa kabilang kuwarto nang nawalan ng kuryente. Duon ay binalutan siya ng matinding takot at kinatok si Allyssa. Tila nabulabog naman niya ang pag-tulog nito at hindi na nga tumanggi nang anyayahan siya sa loob. Hiyang- hiya na tumungo na lamang siya. Nang hinagod nito ang kaniyang likod ay naalala niya ang kaniyang lola na nakasama niya habang lumalaki. Masarap sa pakiramdam ang ginagawa nitong paglalaro sa kaniyang buhok kaya nakatulog siya bigla. Parang nanalo siya sa lotto ng gabing iyon. Crush niya si Alyssa pero alam niyang crush rin ito ng kaibigang si Alex kaya hindi na lang siya nagsasalita. Lumapit siya sa kinahihigaan ng dalaga at umupo roon. Sa bawat pag kidlat ay sinusubukan niyang tingnan ang mukha nito. Ang cute ni Alyssa. Maliit ang ilong at ang mukha. maganda ang bilugang mga mata at makipot na labi. May tumutulak sa kaniyang hagkan iyon. Ano kayang magiging reaksyon nito? Biglang gumalaw si Allyssa, tila naghahanap ang kamay nito ng unan na mayayakap. Nahagip nito ang kaniyang dibdib, bahagya itong umisod at yumakap sa kaniya. Ang binti ay isinanday sa kaniyang hita. Ngayon ay siya ang hindi makagalaw. Napapabuntong hiningang pumikit na lamang siya at sinubukang matulog. Nagising siya sa liwanag na tumatagos sa bintana ng kwarto. Gumala ang kaniyang paningin. Katamtaman lamang ang lawak ng kuwartong iyon na may isang kabinet at lamesang may mga nakapatong na papel at aklat. Tumuon ang kaniyang tingin sa natutulog na dalaga. Ang dalawang kamay nito ay magkalapat na nahihigaan sa bandang ulo. Tila lamig na lamig ang payat na katawan niyon. Kaya pala ay nasa kaniya lamang ang kumot. Nakakahiyang duon siya nakatulog kaya kinumutan niya ito at lumabas at nagtungo sa kusina. Nagtingin siya sa mga kabinet upang maghanap ng makakain pero itlog at noodles lamang ang kaniyang nakita. Binuksan niya ang isang timba na lagayan ng biscuit na kulay red at nang buksan niya iyon ay may bigas na lagpas na sa kalahati ng timba, nandoon pati ang cellphone ni Allyssa. Kinuha niya iyon at ipinatong sa lamesa. Naisip niyang mag- saing para tulong naman sa dalaga. Pagkatapos nuon ay nagluto siya ng scrambled egg at saka tinakluban iyon. Nag iwan siya ng note ng pasasalamat at sana ay ituring na lamang nito na walang nangyari. *** Maga alas nueve na nang ako ay nagising, gumana rin naman ang cellphone at noon lang nag- sink in sa akin ang nangyari kahapon. Duon natulog si Patrick, wala na nga ito pagkagising niya at may pagkain sa lamesa. Habang kumakain ay nabasa niya ang isang note. 'Salamat Allyssa, sana walang makaalam na magkasama tayo sa iisang kuwarto natulog na tayong dalawa lang, una na ako. Ingat ka' Napangiti naman siya sa isiping iyon. Grabe na, yung crush ko nakasama ko! Tinext niya si Deborah kung may pasok ba. Nagreply naman ito agad na wala daw sabi ni Gov. Buong araw na akong magpapahinga kung ganun. Lumipas ang mga araw sa school na parang walang nangyari sa kanila ni Patrick. Lagi parin nitong kasama sila Alex at ang barkada nito. Siya naman ay tahimik lang. Paminsan- minsan ay nagtatama ang kanilang paningin at kiming ngumingiti ang binata. Ginagantihan rin naman niya ito ng awkward na ngiti. Grumadweyt si Patrick at wala na siyang naging balita dito. Nahihiya rin naman siyang magtanong kay Marah. Ngayon nga ay magkakasama sila. "Tao po!" tawag sa labas ng apartment kasabay ang mga katok. Lumakas ang t***k ng kaniyang dibdib. Boses iyon ni Patrick Jay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD