Chapter 3

1576 Words
Tahimik ako habang nasa loob ng sasakyan. Katabi ko si Mason na panay ang tanong sa akin. Hahit hindi ko siya sinasagot ay tanong pa rin nang tanong. Pangisi-ngisi naman ang nagda-drive na katabi namin, ang tatay niyang walang itlog. Umirap ako. Bwisit talaga 'to eh. "Mama Nanay, sino siya? Bakit siya nagda-drive ng car mo? Diba sa atin 'tong car mo? Niki-kidnap niya ba tayo?" sunod sunod na tanong ng anak ko, paulit ulit simula kanina pa. Akmang magsasalita na sana si Vandryk nang panlakihan ko siya ng aking mga mata at irapan. Ngumisi naman siya sakin at kumindat kaya napairap na naman ako. Diyos ko, baka mamaya ay mahanginan ako tapos ma-stuck ang mata ko dahil sa lalaking 'to eh! "Lakas maka-kindat wala namang bayag," inis na inis na bulong ko. Totoo naman kasi eh, kung meron siya nun edi sana hanggang ngayon ay magkaayos pa rin kami. Pero wala e, gago kasi siya. "Ano 'yong wala namang bayag, Mama Nanay? Nakakain ba 'yun?" inosenteng salita ni Mason. Natahimik ako at nanlaki ang mata. Nagpapanic na agad kong tinakpan ang bibig ni Mason. I heard Vandryk's chukle kaya namula ang aking pisngi. Nagsasalita pa rin ang anak ko kahit takip takip ko na ang bibig niya. "Diyos ko, anak! Ano, oo pagkain 'yon. Wala 'yon, itlog 'yon! Itlog na kinakain," sabi ko at marahang ngumiti sa kaniya kahit kinukurot ko na ang sarili ko sa aking loob loob. Gaga ka talaga Avrielle eh. Alam mo na may kasama kang bata! Isip isip ko. Tumango tango siya at malaki ang ngiti na humarap sa akin. "Wow naman! Pwede din ba ako kumain ng ganoon, Mama Nanay? Masarap po ba 'yon?" sunod sunod na tanong niya na naman. "Ay naku, anak!" kinakabahan na anas ko. "Ano kasi, bawal pa 'yun sa mga baby eh. Mga adult lang kasi pwede kumain nun. Diyos ko, ano ba naman 'to!" Ibinulong ko na lang ang panghuli. Sa sobrang inis ko siguro sa Vandryk na ito ay nakalimutan ko na may kasama pala kaming bata. Jusmiyo. "Mama Nanay can eat bayag, son. Bawal pa nga sa iyo kasi baby ka pa," nakangisi na anas ni Vandryk. Nanlaki ang aking mata at tinadyakan ang hita niya. "Shut up nga! Ang bastos mo talaga. Demonyo! Babaero!" umirap ako at niyakap si Mason na nagtago rin sa aking leeg. Vandryk chuckled again pero hindi ko na lang siya pinagtuonan ng pansin. Lihim na lamang akong umirap. Pang-asar, nakakainis. Nang makarating kami sa apartment na tinutuluyan naming mag-ina ay pinaliguan ko agad si Mason. Agad ko ring ginamot ang sugat niya para hindi siya ma-infection. Umiingos ingos ang nguso ni Mason habang pinapahiran ko ng bulak na may alcohol ang sugat niya. Mahapdi siguro. "Huwag ka na makikipag-suntukan sa susunod, anak. Baka hindi lang ito ang makuha mo," marahan kong sinabi. "Kung na-hurt ka man sa sinabi ng classmate mo, isumbong mo na lang siya kay teacher, hmm?" Tumango tango siya at malambing na tumingin sa akin. "Siya kasi, Mama Nanay eh. Sabi niya abnormal daw ako kasi wala akong Papa Tatay," malungkot niyang sinabi. "Porke't may papa siya eh!" Tumikhim ako at tumingin kay Vandryk na seryosong seryoso ang tingin sa anak, naka-igting ang kaniyang panga. Bumuntong hininga ako. "Malapit mo ng makilala si Papa Tatay, anak. Hintay ka lang, hm?" malambing na anas ko. "At tsaka, ang gwapo gwapo kaya ng baby ko hindi naman abnormal 'yan eh. I love you, baby ko." Tumango uli siya bago yumakap sakin. "I love you too po, Mama Nanay ko. Sleep po ako ha, Mama Nanay. Gusto ko po ng gatas tsaka gusto ko din palo palo mo pwet ko," sabi niya at sumubsob sa aking leeg. Nahiya ata nang marinig ang pagtawa ni Vadnryk. "Hmm, okay po. Gatas and palo palo sa pwet, then. Saan mo gusto ilagay ang gatas, anak? My boobies or beberon?" "Beberon na lang po Mama Nanay kasi big boy na po ako eh," anas niya na ikinatawa ko. Yeah, right. Big boy na nga ang baby ko. Akmang tatayo na ako nang lumapit sa harap ko si Vandryk. Wala salita niyang kinuha sa akin si Mason. Nanlaki ang aking mata at babawiin ko na sana sa kaniya ang anak ko nang ilayo niya agad ito sa akin. Nakaramdam ako ng takot, kumalabog ang dibdib ko sa kaba. Takot na baka ilayo niya sa akin ang anak ko. "Chill, babe. Ako na ang magbubuhat sa kaniya," aniya at pinasok sa kwarto si Mason. Bumuntong hininga naman ako at iiling iling na pumunta sa kusina. Hindi ko alam kung bakit sumama dito si Vandryk. Kanina, pagkasabi niya na kukuhain niya ang kaniya ay agad kong hinila si Mason papalabas ng office pero naabutan pa rin kami ng Tatay niyang walang itlog. Hindi ko maitatanggi na may nararamdaman pa rin ako kay Vandryk. Mahal na mahal ko pa rin siya pero hindi na ako magpapakarupok ano. Tama na ang mga sakit na ibinigay niya sa akin noon. Hindi ko na ata kakayanin kung masaktan niya ulit ako. Pagtapos ko mag-timpla ng gatas ay pumasok na rin ako sa kwarto. Nakahiga si Mason sa kama at pinaglalaruan ang mga lego niya, pinagsasalpok niya ang bawat character sa isa't isa. Ang tatay naman niya ay nakaupo sa couch, bahagyang nakabukaka ang mga hita niya at nakasandal ang ulo sa pader. Seryoso niyang pinagmamasdan ang anak. Humiga ako sa kama at ibinigay kay Mason ang beberon niya. Kinuha niya naman agad 'yon at dinedede na. Awtomatiko na ipinasok niya ang kamay sa aking damit at pinaglaruan ang n*pples ko. Ganiyan siya lagi kapag matutulog, sinasaway ko nga kasi malaki na siya pero umiiyak. Pinalo palo ko ang puwet niya. "You still playing with your Mommy's nips? I thought you're a big boy already?" natatawang tanong ni Vandryk kay Mason. Umupo siya sa likod ko at hinaplos ang buhok ni Mason. "I'm still a baby, Mister," masungit na saad ni Mason, kunot na kunot ang noo. Napangiti ako at pinanggigilan ang pisngi niya. "Right, my Mason is still a baby ko kaya. Sleep na ikaw, kawawa naman ang face mo oh. Puro bangas." NANG makatulog si Mason ay tinanggal ko na ang beberon sa bibig niya pati na rin ang kamay niya sa aking dibdib. Umupo ako sa kama at pinanliitan ng mata si Vandryk na seryoso ang titig sa akin. "Hindi ba sabi ko huwag mo na ako hahanapin na gago ka? Ngayon bakit andito ka?" pinagtaasan ko siya ng kilay. Umigting ang panga niya bago nag-iwas ng tingin. "I don't know. Hindi ko alam kung bakit kita hinanap. Ang gusto ko lang makasama ka," mahina niyang sinabi, tila ba hiyang hiya na marinig ko ang sinasabi niya. Sumimangot ako. "Neknek mo, ulol ka! Doon ka sa labas matulog! Huwag kang tatabi sa amin ng anak mo," inis na sabi ko. "Anak ko?" anas niya. Nanlaki ang aking mata at dali dali na nag-iwas ng tingin. "I mean, anak ko sa ibang lalaki hindi sa iyo. Labas na!" Ngumisi siya at inilapit ang mukha sa akin, umatras naman agad ako. "Don't lie to me, sweetheart. I know you so well. Hmm, kailan mo ako ipakikilala sa anak natin?" nakangisi na anas niya. Diniinan niya ang salitang natin. Umirap ako at tinulak siya papalayo."Kapag patay ka na, Vandryk. Alis nga!" naiinis na sabi ko. He hissed. "Kailan? Sasabihin mo o hahalikan kita?" presko ma sabi niya. Nginuso niya pa ang labi niya. Nanlaki ang aking mata at agad na tinakpan ang aking labi. "Kapag handa na ako, okay? Ano, okay ka na?" ngumisi siya sa akin at tumayo. "Okay, then. Bye, sweetheart." KINABUKASAN ay tumawag sa akin si Ate Nicky, ang kapatid ko, pinapauwi na ako dahil may sakit daw si Nanay at wala daw mag-aalaga. Bumuntong hininga ako, ayaw ko man umuwi pero si Nanay 'yon. Ewan ko ba sa mga kapatid ko kung bakit kapag nagkakasakit si Nanay ay pinapabayaan nila. Maganda naman ang trato sa kanila ni Nanay noon, mahal na mahal naman sila. Bakit ganito sila ngayon? "Anak," tawag ko kay Mason. Agad naman siyang tumingin sakin, punong puno ng kainosentehan ang kaniyang mga mata. Nakasuot pa siya ng pantulog at singkit pa ang mata dahil kakagising lang. Umupo siya sa aking kandungan bago ako nilapatan ng malambing na halik sa aking pisngi. "Ano po 'yon, Mama Nanay? Asan po si Mister?" tanong niya sa akin. "Nasa kwarto si Mister, hindi mo ba nakita?" tanong ko. Umiling iling siya. "Ano po 'yong sasabihin mo sa akin, Mama Nanay?" Bumuntong hininga ako. "Diba gusto mo na makilala si Papa Tatay mo?" tumango siya. Ngumiti naman ako. "Tumawag sakin si Tita Nicky mo, sabi niya umuwi na raw tayo sa Philippines kasi may sakit si Lola mo. 'Pag dating natin doon, ipapakilala na kita kay Papa Tatay mo. Ayos ba?" Tumango tango siya at nagsisigaw sa tuwa. Tumawa naman ako."Yes, yes! Ayos na ayos po, Mama Nanay ko! Aalagaan ko po si Lola ko." Bumukas ang pinto ng kwarto at lumabas doon si Vandryk na parang natataranta. Ngunit nang makita niya si Mason ay nakahinga siya nang maluwag, napanguso ako. Lumapit sa kaniya si Mason at nagpakarga. "Makikilala ko na ang Papa Tatay ko kapag umuwi na kami ng Philippines bukas, Mister! Ang saya saya ko!" si Mason at hinalikan pa ang pisngi ng ama. Hindi makapaniwalang tumingin sa akin si Vandryk. Tumango lang ako at ngumiti. Sana... Sana maging maayos na ang lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD