Chapter Thirty-six: I'm Going Back to the Start (Part 1) NABULABOG ang tahimik na silid ni Gael nang biglang bumukas ang pintuan at iniluwal si Tina. "Dad..." napatayo si Gael nang biglang lumandas ang luha nito sa kanyang mga mata. "It's Ian. He's in the hospital. Kritikal ang kalagayan niya, I'm going to see him," hindi na hinintay ni Tina ang sagot ng ama at agad din siyang umalis. "I see..." niluwangan ni Gael ang kanyang neck tie at pinuno ng alak ang kanyang baso. Mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanyang baso nang ininom niya ang alak. Kinuha ni Gael ang kanyang cellphone na nakalapag sa mesa at may tinawagang tao. Hindi naman nagtagal ang pag-ring bago ito sumagot. "Did you heard about it?" bungad nito sa tao na nasa kabilang linya. "Yes, I just did," bakas naman sa boses ng

