Chapter Twenty-Seven: A Glimpse of Truth “LISEL!” dali-dali itong tumakbo papunta sa kusina nang tinawag siya ng kanyang Nanay. “Handa na iyong mga bagong gawa na juice, i-serve mo na do’n sa kaka-check in lang na bisita,” napakurap naman si Lisel nang makita niya ang lahat ng mga jar na bagong refill lang. “Na-serve ko na kanina pa,” sagot nito sa kanyang Nanay. “Ha? Eh pineapple juice iyong drink ng set na inorder nila, saan ka kumuha ng juice?” tila hindi naman makapaniwal ang Nanay ni Lisel. Napatingin si Lisel sa table kung saan nagiinuman ang kanyang mga kuya at barkada nito. May malaking Jar doon na nirerefillan nila ng gin at juice. “Doon,” patay malisyang turo nito. “Ha! Diyos ko po! Palitan mo! Inay ko pong bata ka! Pinainom mo ng alak ang mga bista natin!” “H-Hindi…

