TCG: Chapter 16 (Pagkatao ni RK)

2561 Words
Patuloy pa rin ang kuwentuhan ng magkaibigan dahil ilang taon din na hindi sila nagkita at nagkausap. Binalik nila ang mga nangyari noon lalung-lalo na ang ina ni Jeff na si Joyce at ang relasyon niya sa ama-amahan nito na si Don Rolando. “Yes. Maganda talaga si nanay. Siya ang pinakamagandang babae sa buong mundo” “Wow… nakaka-touch naman yun” “Oo naman. Nanay ko siya” dugtong ni Jeff “Oo nga pala bes. Anong ginagawa mo dito, except sa pagbibisita mo sa akin?” “Well. May itatanong lang sana ako sa’yo na a few questions” “Questions? Tungkol saan naman?” “Tungkol sa totoong José Hidalgo. Ang anak ni Don Rolando” “What about him?” “Totoo ba na patay na siya?” “Of course. Yun ang sabi sa akin ni Papá noon” paniniguro ni Jeff sa kaibigan na abugado “Na namatay ang asawa at anak niya sa isang aksidente” “Pero may pinakita ba sa’yo ang Papá mo na mga puntod nila? Or kahit isang ebidensya lang na patay talaga sila?” “Yun ang hindi nasabi ni Papá. Teka. Bakit mo naman naitanong yan?” “I think we have a problem” “What? Anong problema?” “Kasi nung nasa Barcelona ako, may nakita akong pangalan sa logbook ng hotel” kuwento niya kay Jeff “Nagulat ako dahil ang pangalan na nakita ko ay ang pangalan mo, José Hidalgo” “Nonesense. Hindi ako umalis papunta sa Barcelona bes dahil andito ako buong buwan sa Pilipinas, alam mo yan” “Hindi naman ikaw ang tinutukoy ko bes eh. Kundi ang totoong José Hidalgo. What if kung buhay siya..?” “Ano ba yan. Ang OA mo. Baka nagkataon lang ga kapangalan ko siya. Sa dinami-dami ng tao sa Espanya, may posibilidad na meron akong kapangalan” “Hindi bes eh. Mali ka” “Ano? Paano ka naman makapagsabi na mali ako?” “Kasi nag-imbestiga ako nung nakita ko ang pangalan mo. Lahat ng impormasyon ay nakuha ko…” kuwento niya sa kaibigan habang nakatingin ito sa kanyang mga mata “Bes.. hindi ako nagkakamali, siya nga ang anak ni Don Rolando” “What..??!” kunot ng noo ni Jeff “Paano mangyayari na buhay siya?” “Yun din ang tanong ko sa kanya bes. Pero hindi daw totoo na namatay at naaksidente sila ng ina niya” “Teka… kinausap mo siya…? Kelan at paano?” “Oo bes. Kinausap ko ang totoong José Hidalgo. Kwinento niya lahat sa akin ang buong katotohanan” kuwento ni Jacqui sa kanya “Siguro nakatakda talaga na doon ako magbakasyon dahil may mga sikreto pa tayong dapat na malaman sa Papá mo, kay Don Rolando” sambit niya kay Jeff. “Hindi ko pa rin naiintindihan hanggang ngayon eh. Buhay siya at ano ang ibig mong sabihin na sikreto ni Papá?” “Hindi ako ang makakasagot ng tanong na yan, bes. Mas mabuti pa na kayong dalawa ang mag-usap” “Andito siya?” “Wala pa. Pero papunta pa lamang siya dito sa Pilipinas. May inaayos lang siya doon sa Espanya bago siya pumunta dito” “Ano ba ‘to… hindi pa ako handa na kausapin ang totoong José Hidalgo” sambit ni Jeff sa kanya “Nahihiya ako sa ginawa ko, bes. Ninakawan ko siya ng pagkatao” “Hindi mo naman kasalanan yun, bes. Kasalanan yan ng Papá mo. Pareho kayong biktima sa ginawa niya. At dahil dun, kailangan ninyong mag-usap na dalawa at ayusin ang gulo na ginawa ni Don Rolando” “Sige..” buntong-hininga ni Jeff “Kakausapin ko siya ng maayos at para maging maayos na lahat. Para matapos na ito kaagad” “Very good bes, That’s the spirit” sambit niya kay Jeff “So paano, alis na ako. I’ll just call you kapag nandito na sa Pilipinas si José Hidalgo, okay?” “Sige bes. Mag-iingat ka. Salamat sa impormasyon: “You’re welcome beshie. Goodbye” sabay ngiti ni Jacqui sa kanya. Lumakad palabas ng opisina si Jacqui habang si Jeff naman ay naging malalim na ang iniisp tungkol sa sinabi sa kanya ng kaibigan, tungkol sa totoong José Hidalgo. Ngayon ay nalaman niya na at buhay ang totoong nagmamay-ari sa kanyang pangalan, paano na siya? Ano ang kanyang gagawin kung mawala na ang kanyang identity? *** Samantala. Kakarating lang nina Sky at Mike sa mansyon. Nahihingal ng sobra sina Sky at Mike dahil sa maraming bagahe ang balik-balik niyang pinasok sa mansyon mula sa kanyang sasakyan. “Haay naku” hinga ng malalim ni Sky sabay upo niya sa sofa “Natapos din. Cous, mamaya na tayong umakyat, magpahinga muna tayo dito. Sobra akong nahingal eh” “Sige cous” tanging sagot ni Mike at umupo din siya sa tabi ng pinsan. Nahalata ni Sky si Mike na parang nag-aalala pa rin ito dahil baka mahalata at mabisto siya ng kanyang Papa. “Cous? Okay ka lang?” tanong ni Sky “Are you still worried tungkol kay Papa?” “Oo cous eh. Nahihiya talaga ako dahil sa gagawin kong panloloko sa kanya. Baka ikamumuhian niya ako kapag malaman niya ang katotohanan” “Cous. Mabait si Papa. Alam mo yan diba?” paalala ni Sky sa kanya “Maiintindihan ka niya naman sa gagawin mong pagsisinungaling. Pero mas maiintindihan ka niya siguro kapag sasabihin mo na sa kanya ang totoo mong pagkatao” “Ewan ko. Mukhang mahirap cous eh” buntong-hininga ni Mike sa kanya “Hindi ko pa kayang aminin kay Tito ang totoo kong pagkatao” “Bakit hindi? Eh sa lahat nga ng tao, siya ang mas makakaintindi sa kalagayan mo diba? Dahil naranasan niya na noon ang pinagdadaanan mo ngayon, at isa pa, Tito mo siya, kapamilya mo siya” “Sana nga cous, Sana totoo ang mga sinasabi mo” Naputol ang kanilang usapan na dalawa nang dumating si Stephen sa malaking sala ng mansyon. “Parang seryoso ang pinag-uusapan ninyong dalawa ah” sambit niya sa dalawa “Pwede bang sumali?” “Uy Pre. Kamusta ka na..?” sabay tayo ni Mike at kinamay si Stephen “Heto. Ayos lang naman. Maghahanap na ako ng trabaho” sagot ni Stephen at napatingin siya sa mga maleta na nasa sala “Oh. Bakit may mga maleta dito? Sa’yo ba ‘to Mike?” “Ahmmm. Oo Pre eh. Dito muna ako titira pansamantala. Kung okay lang sa’yo..” “Naku. Walang problema sa akin, Pre. Welcome na welcome ka dito” sagot ni Stephen sa kanya “At tsaka, wala naman akong karapatan dito sa mansyon eh. Kay Sky ka magpaalam kasi siya naman ang may-ari nito” “Kahit na. Isa ka pa rin sa nakatira dito. Kaya nagpapaalam ako sa’yo na dito muna ako pansamantala” “Ayos lang yun, Pre. Don’t worry” doon niya napanisn nga may problema na pinagdadaanan si Mike dahil mabigat ang mukha nito at parang malungkot ang tono ng boses. Tinapik niya na lang ang balikat nito at nagsabing… “Kaya mo yan, Mike. Andito lang kami para sa’yo” “Salamat Pre” panlulumo ng mga mata ni Mike. Kaagad niya naman pinunasan ang kanyang babagsak na luha at ngumiti “Ano ba ‘to… masyado na akong nagdadrama. Akyat muna ako” sabay kuha niya ng dalawang bagahe malapit sa sofa “I-akyat ko muna ito sa magiging silid ko” “Sige Pre” sabay tawag niya sa katulong “Manang..!” magkalipas ng ilang sandali ay dumating ang kanilang katulong “Pakisamahan si Mike sa guest room natin sa itaas” “Okay po Sir Stephen” sagot ng babae. “Salamat Manang” at tumingin siya muli kay Mike “Ako na lang ang aakyat sa mga natira mong gamit” pero hindi sumagot si Mike at kaagad umalis at lumakad papunta ng elevator kasama ang katulong na inutusan ni Stephen. Samantala naman ay naiwan sina Sky at Stephen sa sala at hinintay na umakyat ang elevator na sinasakyan ni Stephen at mawala ito sa kanilang paningin. “Salamat” sambit ni Sky kay Stephen. Lumingon naman siya sa dating nobya dahil bigla itong nagsalita “Salamat..?” ulit niya “Salamat saan?” “Sa mga sinabi mo sa kanya. Para kahit papaano ay gumaan ang kanyang nararamdaman ngayon” “You’re welcome” sagot niya “Anything for your family” “Salamat ulit” ulit ni Sky “Sige, Iakyat mo na yan sa kwarto niya sa itaas. Punta muna ako sa kwarto ko” Aalis na sana si Sky sa harapan ni Stephen pero pinigilan siya nito gamit sa paghawak sa braso ng dating nobya. “Sky…” “Bakit?” lingon niya muli kay Stephen “Ano ba talaga ang problema ni Mike..? Tungkol pa ba ‘to sa naging karelasyon niyang lalaki..??” “Nasagot ko na yan diba? Kaya pwede ba? Bitawan mo ang kamay ko” Kaagad naman binitawan ni Stephen ang braso ni Sky. Nagmamadali siya lumakad papunta sa hagdan. “Narinig ko ang usapan ninyong dalawa” Doon napahinto si Sky sa sinabi ni Stephen. Ano ang ibig niyang sabihin? Ano kaya ang narinig niya sa usapan ng dalawa? “Ano ang ibig mong sabihin?” “Narinig ko na parang may tinatago si Mike sa Papa mo… ano yun..?” “Wala yun. Huwag mo nang pakialaman ang pag-uusap namin” “Tungkol ba ‘to sa totoong sekswalidad ni Mike?” “What? Hindi ko alam ang tinutukoy mo” “Sky. Huwag mo namang pagtakpan si Mike dahil alam na ang totoong pagkatao niya” “Seryoso ka Stephen? Hindi ka pa ba talaga nakapag-move-on sa nakita mo sa opisina ng pinsan ko at sa ‘kayakap’ niyang lalaki..?” “Kasi nga totoo. At yun ang nagpapatunay na may relasyon sila at iba ang sekswalidad ni Mike” “Porke nagkayakapan na, bakla na agad? Ganon ba yun?” ulit niya kay Stephen “Kung makita mo akong may kayakap na babae, so ang ibig sabihin, tomboy na rin ako….???” “Of course not” “Oh.. yon naman pala eh. So bakit mo pa ginagawa ng issue yan?” “Hindi ako gumagawa ng issue” dugtong ni Stephen sa kanya “Alam ko dahil iba ang yakapan nila. Parang may malisya… lalung-lalo na ang titigan nilang dalawa. Parang sinasabi nila na mahal nila ang isa’t-isa” Natigilan si Sky sa ibinigay na dahilan ni Stephen sa kanya. Hindi niya alam kung paano ipagtatanggol ang pinsan dito. “You’re just imagining things, Stephen. Gumagawa ka lang talaga ng issue” sabay hinga ng malalim ni Sky sa kanya “Sige na. Aakyat na ako. Magpapahinga muna ako dahil pagod na pagod ako sa kakabitbit ng mga gamit niya” Hindi na lang sumagot si Stephen dahil kaagad siyang iniwan ni Sky sa sala paakyat ng hagdan. *** Dakong alas-singko ng hapon habang papasok ng klase si Calvin at tinawagan niya ang kanyang nobya na si Sky sa kanyang telepono. Ilang beses na paulit-ulit ang kanyang pagtawag pero hindi pa rin ito sinasagot ng kabilang linya. Doon na nag-init ang ulo niya dahil walang plano si Sky na kausapin siya. Nagdesisyon na lang siya na tawagan ang ama niya na si Alvin. Alvin: Hello anak…? Bakit ka napatawag? Calvin:Tay. Hindi pa rin kasi sinasagot ni Sky ang mga tawag ko eh.Baka sasagot siya kung ikaw ang tatawag sa kanya. A: Naku anak. Hayaan mo muna ang girlfriend mo dahil masama pa siguro ang loob niya sa ginawa mo sa pinsan niya. C: E yun nga ang purpose ko kung bakit ako ngayon tumatawag sa kanya, ‘tay. Mahihingi ako ng tawad sa kanya. A: Anak. Cal. Kumalma ka lang, okay? Everything will be fine kung hahayaan mo muna siya. C: Hindi tay eh. Mahal ko si Sky. Ayaw kong mawala siya sa akin. A: Wala naman akong sinabi na hihiwalayan mo siya. What I mean is —— C: —— sige Tay. Salamat na lang sa tulong. Akala ko ay matutulungan mo ako. Hindi pala. Bye..! Kaagad niyang binagsak ang kanyang telepono dahil parang hindi siya matutulungan ng kanyang ama at masama ang loob nito. Nagwawala siya sa kanyang kotse na parang bata. Magkalipas ng ilang sandali ay nagdesisyon na lang siya na hindi pumasok sa kanyang klase sa Law. Pupuntahan niya na lang sa mansyon ang kanyang girlfriend para kausapin ng maayos at humingi ng tawad. *** Samantala. Sa mansyon. Imbes na dumerecho si Stephen sa kanyang silid ay pumunta ito sa kwarto ng kapatid na si RK. “What are you doing here??!” sigaw ni RK sa kanyang kuya “You didn’t even knock!” “Sorry bro. Namiss lang kasi kita kaya pumunta ako dito sa room mo” sambit ni Stephen habang papalapit kay RK na nasa kama nito at nakakumot na parang may tinatago sa ilalim “Ano ba ang ginagawa mo dito?” “That’s none of your business” “RK.. Kausapin mo naman ako” sabay upo niya sa tabi ng kapatid “Hindi kasi tayo nakapag-usap ng maayos nung umuwi ako dito eh” “So…?? Ganyan naman tayo parati diba? Hindi mo ako kinakausap ng maayos dahil naging busy ka sa trabaho mo” “Galit ka pa rin ba sa akin? Dahil iniwan kita dito?” “Hindi pa ba halata yun?” ulit ni RK sa kanyang kuya “Iniwan mo ako dito sa kanila kahit ayaw ko sa kanila. Diba? Nagmamakaawa ako sa’yo noon na isama mo ako sa Amerika para makaalis at makasama kita? Pero anong ginawa mo? Hindi mo pinansin ang pagmamakaawa ko sa’yo at iniwan mo ako sa kanila. Sa mag-asawang bakla” “RK... Bakit ganyan ka sa kanila? Bakit galit na galit ka sa kina Daddy at Tito…?? Tandaan mo, ama po rin ang sinasabihan mo ng ganyan” “Wala akong pakialam kuya. Dahil inis na inis ako sa kanila..!!” sigaw niya sa galit “Gusto ko nang umalis dito sa mala-impyernong bahay na ‘to” “Bakit ganyan ang galit mo? Ano ba ang ginawa nila sa’yo…??” “Huwag na kuya” sabay panlulumo ng mga mata ni RK “Nakakahiya” “RK.?? Please. Sabihin mo sa kuya kung ano ang bumabagabag sa puso mo…” “Hindi ko alam kung paano ko ito sasabihin sa’yo kuya eh” punas niya sa kanyang luha “Nagsimula lang ‘to nung naaksidente ko silang nakita na naghahalikan. Tapos tumakbo ako ng mabilis papunta dito sa kwarto… tapos…” “Tapos ano….??” “Hindi ko alam kuya kung normal ito. Pero Itfelt good. Parang nagustuhan ko ang nakita ko na naghahalikan ang dalawang lalaki” at hinawakan niya ang kamay ni Stephen “Kuya… I think I am gay” Itutuloy…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD