TCG: Chapter 12 (Pag-amin ni Mike)

2632 Words
“Cous..?” sambit ni Sky sa kanya habang papalapit sa sala. May halong gulat at awa ang nadarama ni Sky nang makita niya ang kalagayan nito “What happened? Okay ka lang ba?” “Wala nang kwenta ang buhay ko, Sky. Ayaw niya na talaga sa akin” sabay buhos ulit ng luha ni Mike “Kasalanan ko ‘to eh. Naging masyado akong praning at kung anu-ano na ang naisip ko sa kanya” “Bakit? Anong nangyari? Iniwanan ka niya?” “Hindi. Pero baka doon na rin papunta” dugtong ni Mike “Hindi niya talaga ako mapapatawad sa ginawa ko sa kanya” “Hayaan mo na lang muna siya, cous. Nasaktan mo siya eh” payo niya sa pinsan “Kahit ako din siguro, kapag pinag-iimbestigahan samga kilos ko buong maghapon ng asawa ko, magagalit din ako sa ginawa mo eh. Kaya hayaan mo muna siya. Just give her some space muna” “Him” pagtatama ni Mike sa sinabi ng pinsan. “What? Ano ang ibig mong sabihin?” “Him” ulit niya kay Sky “Lalaki siya cous. Nagsinungaling ako sa’yo na babae at asawa ko siya. Pasensiya na” sabay tingin niya sa mga mata ng pinsan. “What..?” kunot ng noo ni Sky na tila hindi makapaniwala sa rebelasyon na sinabi ni Mike “Seryoso ka? Please cous. Huwag kang magbiro ng ganito” “Sa kalagayan ko ngayon, may panahon pa ba ako na magbiro sa’yo? Nagsasabi ako ng totoo sa’yo. I am a bisexual cous” “E p-paano nangyari? Kailan ka pa nakipagrelasyon sa kapwa mo lalaki?” “Hindi ko na alam kung kailan at paano nangyari, Sky. Pero masaya ako dito. Masaya ako sa kanya” sagot ni Mike sa kanyang pinsan “Pero sa kasamaang-palad, ang isang tao na dahilan ng kasiyahan sa buhay ko at ang mahal na mahal ko ay ayaw na sa akin” Napatingin na lamang ng ilang sandali si Sky sa pinsan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa pag-amin sa kanya ni Mike at parang hindi niya nakukuha o na-a-absorb ng maayos ang mga sumunod na mga sinabi nito. “Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, cous. Kasi inaamin ko, nagulat talaga ako ngayon sa mga nalaman ko sa’yo” sambit ni Sky sa pinsan “Pero kung ano man ang gusto mo, masaya na ako para sa’yo, cous” “Salamat cous” muling pagtulo ng luha ni Mike “Salamat sa pag-iintindi” sabay hinga ng malalim na parang nabunutan ito ng tinik sa dibdib “Ganito pala ang feeling kapag wala na akong tinatago noh. Parang malaya na ako” “Tama ka, cous. Ganon din ang naramdaman ni Papa noon base sa kuwento niya, nung inamin niya sa Lolo ko ang totoo niyang pagkatao” “Oo nga eh. Sobrang saya ako ngayon dahil kahit papaano ay nabawasan na ako ng tinik sa dibdib” at biglang naging seryoso muli si Mike at tumitig siyang muli kay Sky “Ahmm cous? May pabor sana ako sa’yo” “Sure. Ano yon?” “Ahmm.. Kung okay lang sa’yo, sa atin lang muna ito? Ayaw ko munang malaman ito ng iba, lalung-lalo na kay Tito Jeff” “Pero…” “Please Sky. Nagmamakaawa ako. Atin lang muna ito. Hindi pa ako handa na malaman ng iba. Sana maintindihan mo ako” “S-sige. Kung iyan ang gusto mo, cous. Rerespetuhin ko ang desisyon mo” “Salamat cous. Salamat talaga sa pag-intindi” “So what’s your plan?” tanong niya kay Mike “Paano kung ayaw niya na sa’yo?” “Hindi ko alam” pagtulo muli ng kanyang luha “Kung iisipin ko ang ganyang pangyayari, hindi ko kaya eh. Parang mababaliw ata ako kapag iwan niya ako” “Cous..” sabay himas ng balikat ni Mike “Kailangan mong tanggapin kung ano man ang magiging desisyon niya. Huwag mo lang muna siyang kukulitin dahil mas magagalit pa siya kapag ginawa mo yon” “Ewan ko. Hindi talaga ako mapakali eh” dugtong niya “Lalung-lalo na ngayon dahil hindi pa nakauwi ng bahay. Hindi ko alam kung ano ginagawa niya ngayon sa oras na ito” “Ano ba yan… itigil mo na yan, cous” buntong-hininga ni Sky “Kumalma ka nga. Pabayaan mo muna siya, okay?” sabay tabi ni Sky sa pinsan at umupo din ito sa sahig. “What are you doing..??” pagtataka na tanong ni Mike. “Sasamahan kita dito. Mahirap na dahil mag-isa ka lang. Baka ano pa ang magawa mo sa sarili mo” sambit niya dito “Mas mabuti na may kasama ka dito” “Salamat cous” sabay ngiti ni Mike na tila na-touch sa ginawa ng pinsan “Kailangan ko talaga ng makakasama dito. Salamat dahil nandito ka na” “Don’t worry cous. Andito lang ako, kami ng Papa dahil kapamilya ka namin. Hindi ka namin iiwanan” “Swerte talaga ako sa inyo ni Tito Jeff” biglang pagtulo muli sa kanyang luha dahil may naalala na naman siya “Sa kabila ng ginawa ni Mommy noon sa inyo, andito pa rin kayo sa akin na parang walang nangyari noon sa atin. Napakabait talaga ninyo, cous” “Tapos na yon, Mike. Matagal na namin napatawad si Tita Jean at wala na akong galit sa kanya. Let’s move-on dahil kahit ano man ang mangyari, magkapamilya pa rin tayo” Bigla na lang ni Mike niyakap si Sky ng sobrang higpit dahil sa kanyang mga sinabi. Nagpapasalamat talaga siya sa mga oras na iyon dahil may nag-iisang tao na nakakaintindi at may sumusuporta sa kanyang kalagayan. *** Samantala. Sa bahay ng mga Francisco. Walang tigil ang pagbalik-balik ni Calvin sa sala habang hinahawak ang kanyang telepono. Kanina pa kasi na hindi nagpaparamdam si Sky sa kanya. ‘Baki hindi mo sinasagot ang tawag ko…” sambit ni Mike sa kanyang sarili ‘Magkasama kayo siguro ni Stephen kaya hindi ka nagpaparamdam sa akin noh’ habang nangangalit siya sa galit ‘Humanda ka bukas kapag magkita tayo, lalung-lalo na ang Stephen na yan’ “Cal. Ano ang ginagawa mo diyan??” sulpot ng kanyang ama na si Alvin sa sala. Doon niya nakita at nahalata ang anak na hindi mapakali ang kanyang anak “Anak? Okay ka lang? Parang hindi ka mapakali? May problema ba?” “Si Sky kasi Tay. Hindi niya sinasagot ang mga tawag ko sa kanya. Kanina pa ‘to eh” “Baka naman may ginagawa pa, anak. Alam mo naman ang trabaho ng girlfriend mo diba? Hayaan mo muna siya” sambit ni Alvin sa anak na hindi mapakali “Kumain ka na muna kaya para mabaling ang atensyon mo” “Mamaya na Tay. Hinihintay ko pa na sumagot si Sky sa mga tawag ko” “Oh sige. Ikaw ang bahala” dugtong niya sa anak “Pero kumain ka kaagad ha. Lumalamig na ang pagkain” “Opo Tay” “Sige na, Cal. Mauna na ako matulog” sabay tapik ni Alvin sa balikat nito “Relaks ka lang. Sasagot din yan sa tawag mo” “Opo” “Goodnight anak” “Goodnight din Tay” Umalis kaagad si Alvin sa sala at dumerecho siya sa kanyang silid upang makapagpahinga na sa maghapon niyang trabaho. Samantala si Calvin naman ay ipinagpatuloy ang kanyang pagtawag sa nobya na kanina pa hindi sumasagot at nagpaparamdam sa kanya. *** Kinabukasan. Nagising si Sky sa sahig ng sala ng bahay ng kanyang pinsan na si Mike. Napagtanto niya na nakatulog pala siya at hindi siya nakauwi sa kanilang mansyon dahil sinamahan niya ito sa bahay. Nang bumalik ang kanyang ulirat ay kaagad niyang hinanap ang kanyang telepono sa kanyang tabi pero wala siyang may nakita. Tumayo siya mula sa sahig at hinanap ito sa buong parte ng sala “Saan na ba yun…” sambit ni Sky. “Oh cous. Anong hinahanap mo?” sulpot ni Mike na sa sala at nakabihis na at parang may pupuntahan. “Yung cellphone ko kasi cous. Hinahanap ko” at napatingin siya sa pinsan. “Naku. Huwag ka nang maghanap dahil nasa akin” sabay hugot niya sa kanyang bulsa ang telepono ni Sky at sabay abot sa kanya. “Salamat” kuha niya sa kanyang telepono “Bakit nasa sa’yo ito, cous?” “Tinago ko lang yan dahil walang humpay ang tawag at text sa’yo ng boyfriend mo. Baka magising ka eh” paliwanag ni Mike “Naku… yung boyfriend mong yan. Obsessed na obsessed sa’yo. Parang ayaw ka niyang mawala sa paningin niya. Basahin mo nga text niya diyan. Sobra pa sa babae eh” “Ganon talaga siya, cous. Sanay na ako sa kanya” sagot niya “Teka lang. Itetext ko muna siya” bubuksan niya na sana ang kanyang telepono nang mapansin muli ang bihis ni Mike “Oo nga pala, bakit nakabihis ka, cous? Saan ka pupunta?” “Diyan lang sa labas. Magpapahangin. Gusto mo bang sumama?” “Gusto ko rin sana pero kailangan ko munang makauwi” sagot niya kay Mike “Kailangan kong magbihis ng damit at makipagkita muna ako kay Calvin para makapagpaalam ako sa kanya ng maayos” “What?? Seryoso ka? Magpapaalam ka pa sa kanya?” “Oo cous. Alam mo naman ang ugali niya diba?” “Naku. Grabe ha. E si Papa mo nga, hindi ka nagpapaalam. Pero sa kanya, updated siya sa bawat kilos mo?” “Oo cous. Hayaan mo na siya” dugtong ni Sky “Oo nga pala, maiba ako. Kamusta ka na pala? Nakauwi na ba kagabi ang karelasyon mo?” “Heto… hindi pa rin okay” sabay hinga niya ng malalim “Kaya nga lalabas ako para makalimutan ko siya kahit sandali lang” “Okay lang yan, cous” tapik ni Sky sa balikat ni Mike “Alam ko na malalampasan mo din ito. Kaya mo yan cous” “Salamat cous” mapait na ngiti ni Mike sa kanya “Salamat ulit sa pag-iintindi” “Walang anuman, cous” “So tayo na? Sabay na lang tayo lumabas ng bahay” “Sure cous. Pero may favour sana ako sa’yo hihingiin eh” “Sige. Ano yon?” “Pwede mo ba akong ihatid muna sa mansyon?” pakiusap ni Sky kay Mike “Para mas madali ang pag-uwi ko” “Sure. Walang problema, cous” pagpayag naman ni Mike sa pakiusap ng pinsan “Hindi mo ba dala ang sasakyan mo?” “Hindi eh. Naiwan sa mansyon” paliwanag ni Sky “Inihatid niya kasi ako kahapon sa DGC kaya hindi ko rin nadala. Nag-taxi lang ako papunta dito” “Ahhh. Kaya pala. So, tayo na?” “Sige, cous. Let’s go” Kaagad naman silang lumabas ng bahay at sumakay sa sasakyan ni Mike. Pinaandar ni Mike ang kanyang kotse at umalis patungo sa mansyon ng mga Dy. *** Samantala. Sa mansyon ng mga Dy. “Anak. Okay ka lang?” tanong ni Nathan sa kanyang anak na si Stephen. Nahalata niya kasi na parang may iniisip na malalim ito habang kumakain sila ng agahan. “Okay lang naman ako, Dad” sagot niya naman sa ama. “Sigurado ka..? Para kasing may bumabagabag sa’yo eh” sambit ni Nathan “Sige na anak. Huwag ka nang mahiya sa amin ng Tito Jeff mo. Andito kami para pakinggan ang problema mo” “Wala naman po ito Dad. Maliit lang na problema” “Tungkol ba’to kay Sky? Bago sumagot ay napatingin muna siya sa kanyang ama at sa asawa nito na si Jeff “…opo…” “Sabi na nga ba eh. Bakit anak? Ano ba ang dahilan? Nag-away ba kayo?” dugtong naman ni Jeff. “Wala po Tito. Hindi kami nag-away. Pero kami ng nobyo niya, oo” “Si Calvin? Nagkita na kayo?” “Opo Tito. Kahapon lang” “Talaga? Paano? At bakit kayo nag-away?” “Ininsulto niya ako eh” kuwento ni Stephen sa kanilang dalawa “E sa sobrang galit ko, pinatulan ko siya” “Sinaktan mo..?” dugtong ni Nathan “Hindi naman, Dad. Lumaban lang ako sa pang-iinsulto niya sa akin. Pinagtanggol ko lang naman ang sarili ko. Pero kung uunahan niya akong saktan, hindi ako magdadalawang-isip na gumanti” sabay hinga ng malalim ni Stephen “Hindi ko pala akalain na ganyan kasama ang ugali ng nobyo ni Sky. May banta pa siya sa akin na papatayin niya ako” “Talaga? Hindi namin alam yun ah” dugtong ni Jeff “E tuwing nandito siya sa mansyon nung isang araw, sobrang bait niya at magalang sa akin” “E baka naman nagpapanggap lang siya sa inyo” pangagatwiran ni Stephen “Nagiging mabait lang siya sa inyo Tito dahil ikaw ang ama ng nobya niya. Iba ang pakikitungo niya sa akin, lalung-lalo na nung akala niya na isa ako sa mga tauhan natin dito. Sobra niya akong binastos at inaapak-apakan” “Sobra naman siya..” sabat ni Nathan. Natigilan ang kanilang usapan nang biglang lumapit ang isang katulong sa kanila. “Sir Jeff. Sir Nathan. Sir Stephen… may bisita po kayo” Lumitaw sa kanila ang taong pinag-uusapan nila. Natigilan si Stephen dahil hindi niya alam na pupunta pala sa kanilang mansyon ang nobyo ni Sky sa ganitong kaaga. “Good morning po, Titos” ngiti ni Calvin kina Nathan at Jeff. Halata na hindi niya pinansin si Stephen kahit nagkrus ang kanilang tingin sa isa’t-isa. “Good morning din, Calvin” sagot ni Jeff “Bakit ang aga mo naman na pumunta dito?” “Ahmmm. Tito Jeff. Tatanungin ko sana kung kamusta si Sky at kung saan siya?” tanong niya sa ama ni Sky “Hindi niya kasi sinasagot ang mga text at tawag ko simula pa kagabi Tito eh” “Ganon ba? Pasensiya na Calvin ha. Hindi kasi siya umuwi dito kagabi eh” “Bakit po Tito? May nangyari ba sa kanyang masama?” “Wala naman. Inutusan ko lang kasi siya kahapon na importante kaya hindi niya napansin siguro ang cellphone niya buong gabi” “Ahh ganon po ba? Pwede po bang malaman kung ano iyon?” “It’s about our business” “Ahmm. Okay po Tito. Maraming salamat na lang po” sabay hinga niya ng malalim na parang binunutan siya ng tinik sa dibdib “Sige po mga Titos. Alis na po ako” “Teka. Kumain ka na ba?” tanong sa kanya ni Nathan “Umupo ka muna dito para makakain ka” “Naku Tito. Maraming salamat na lang pero tapos na po akong kumain” tanggi ni Calvin sa alok ni Nathan “Kumain na po ako sa bahay bago ako pumunta dito” “Ahh ganon ba? Sige Calvin. Mag-ingat ka na lang sa pag-alis mo” sabay tayo ni Nathan at alok nito ang kanyang kamay para ikamay si Calvin “Ako nga pala ang Tito Nathan mo. Asawa ng Tito Jeff mo at Daddy ni Stephen” Napahinto siya ng ilang saglit dahil kaharap niya pala ang lalaki na ama ng ex ng nobya niya. Hindi niya alam kung paano niya itong sagutin dahil may halong inis at intimidate ang kanyang nararamdaman sa mga oras na iyon. Itutuloy…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD