Sa opisina ni Jeff.
Katatapos lang ng contract-signing nila ng may-ari ng The Deluxe Suites Hotel. Nakaupo siya sa kanyang upuan at nagpapahinga nang may biglang kumatok sa pintuan.
“Pasok” sambit ni Jeff
Kaagad bumukas ang pintuan ng opisina at may pumasok na pamilyar na mukha. Napatingin si Jeff sa taong lumalakad patungo sa kanyang habang nakangiti ito.
“Hi Tito” bati ni Stephen sa kanya.
“Stephen..??” sambit niya na parang nagulat sa pagdating ng anak ng kanyang asawa “Kailan ka lang bumalik dito sa Pilipinas..? Kamusta ka na…??”
“Okay lang naman ako, Tito. Kakarating ko lang din” sagot niya kay Jeff “Pero doon ako dumerecho kay Mike eh”
“Kay Mike?” ulit ni Jeff “Bakit? Ano ba ginawa mo dun sa kanya?”
“Hihingi sana ako sa kanya ng tulong, Tito. Pero sabi niya, sa’yo na lang daw”
“Anong tulong naman yan, Stephen?”
“Kasi gusto ko sanang isorpresa sina Daddy at RK na nandito na ako” paliwanag niya kay Jeff “Pero hindi daw siya pwede kasi marami siyang ginagawa. Kaya ikaw ang itinuro niya. So, okay lang ba, Tito?”
“Okay lang naman sa akin, Stephen. Pero bakit gusto mo pa ng ganyan? Bakit hindi mo na lang sila puntahan sa mansyon?”
“Kasi po gusto ko lang na maging espesyal ang muling pagkikita namin, Tito eh” sagot ni Stephen sa kanya
“Fair enough” buntong-hininga ni Jeff “Sige. Tutulungan kita sa plano mo Stephen”
“Talaga Tito?” doon lumiwanag ang mukha ni Stephen sa pagtanggap ni Jeff sa pakiusap sa kanya “Salamat po talaga”
“You are welcome, Stephen. So ano ang plano mo?”
“Ahmm. Gusto ko lang sorpresahin habang kumakain po kayo sa restaurant” paliwanag niya tungkol dito “Yung gugulatin ko siya sa likuran niya”
“That’s it..?” dugtong niya naman na parang hindi sang-ayon sa plano ni Stephen “That’s your wisest idea?”
“Opo. Yun lang po, Tito. Bakit po?”
“Wala naman. It’s too common. Ang pangit”
“Wow. Talaga po? E ano po ang naisip mong plano, Tito?”
Napangiti na lang si Jeff dahil may naisip na siyang mas magandang plano para sorpresahin si Nathan at si RK. “Basta. Ako na lang bahala doon. Kailan mo bang plano na sorpresahin sila?”
“Mamayang gabi na po. Sana kung pwede madaliin”
“Sige. Walang problema” sambit ni Jeff “Basta pumunta ka na lang mamaya sa paboritong restaurant ng Daddy mo dahil doon ko siya dadalhin, okay? Tapos ako na lang ang tatawag sa kapatid mo na si RK”
“Okay po Tito. Maraming salamat po”
***
Sa bahay nina Mike at Anthony.
Nakaupo lang si Mike sa hapagkainan at hinihintay niya ang kanyang partner na kasalukuyang kumukuha ng ulam sa kaserola. Nagluto kasi si Anthony ng ulam para sa kanilang hapunan.
Habang lumalakad siya palapit sa hapagkainan ay napansin na parang malalim ang iniisip ng kanyang partner na si Mike.
“Babe.. okay ka lang?”
“Yes babe. I’m okay” sagot ni Mike at ngumiti nito sa kanya “May iniisip lang ako tungkol kanina kay Stephen”
“Sinong Stephen? Yung lalaki na pumasok kanina sa opisina mo?” sabay tango ni Mike bilang sagot “Sino ba siya, babe?”
“Ang ex-boyfriend ng pinsan ko na si Sky” sagot ni Mike sa kanya “May hinihingi lang siya kanina na pabor. Pero tinanggihan ko”
“Anong pabor?” sabay lagay niya ng ulam sa mesa at umupo siya sa katabing silya ni Mike “At bakit tinanggihan mo siya?”
“Hmmm. Well. Isang maliit lang naman na pabor yun, babe. Tutulungan ko daw siya na sorpresahin ang Daddy at kapatid niya” paliwanag niya kay Anthony habang nagsimula na silang kumain ng hapunan “Pero hindi ako pwede eh. Alam mo naman kung gaano ako ka-busy sa kumpanya”
“Ahh. Kaya pala” tanging sagot niya. Tinignan lang ni Mike ang kanyang partner na parang walang sa mood. Napansin naman ni Anthony ang mga tingin nito sa kanya “What? May dumi ba sa mukha ko?”
“Wala naman. Napansin ko lang na wala kang gana na kausap ako”
“Babe naman. Kumakain tayo oh” dugtong niya “Siyempre, mas inuuna ko ang pagkain natin”
“Hindi ka galit sa akin?”
“Ha? Bakit naman ako magagalit sa’yo? May ginawa ka bang kasalanan?”
“Wala siyempre. Pero yung kanina kasi na ginawa ko sa’yo”
“Na pinaalis mo ako sa opisina mo?” at tumango naman si Mike sa tanong sa kanya “Of course not. Hindi ako galit sa’yo babe. Naiintindihan naman kita eh”
“Sigurado ka?”
“Oo naman. Promise. Hindi ako galit”
“Pakiss nga kung hindi ka galit”
“Babe naman. Kumakain tayo oh”
“Sige na. Kiss mo na ako sa lips” sabay pagbuslo ni Mike ng kanyang bibig. Wala namang nagawa si Anthony at hinalikan na lang sa labi ang kanyang partner. “Wow. Ang sarap ng kiss. Isa pa nga”
“BABE. Mamaya na. Please”
“Okay babe. Sorry. ‘To naman. Ang sungit”
Hindi sumagot si Anthony at pinagpatuloy na lang nila ang kanilang pagkain. Tinignan na lamang ng mabuti ni Mike ang partner dahil kahit hindi niya sabihin na galit o nagtatampo ito, alam niya dahil nakikita niya sa mukha at sa kilos nito ang sama ng loob na ginawa niya.
***
Tinawagan ni Jeff si Nathan na magdidinner daw sila sa isang restaurant. Kaagad naman pumayag si Nathan sa pinaalam sa kanya ng kanyang asawa. Nauna nang naghihintay doon si Jeff sa restaurant at naghahanda na sa kanilang plano ni Stephen.
Dakong alas-siyete ng gabi ay nakarating na din si Nathan at nadatnan niya ang kanyang asawa na nakaupo sa isang silya at naghihintay ito sa pagdating niya.
“Kanina ka pa..?” tanong niya kay Jeff habang paupo ito sa bakanteng upuan.
“Hindi naman, babe. Kakarating ko lang naman” sagot niya kay Nathan. Napansin niya na parang hindi mapakali si Jeff sa kanyang upuan at panay ang tingin sa kanyang telepono
“Babe..” tawag nito kay Jeff pero hindi niya narinig “Babe!!” ulit nito nang mas malakas.
“Bakit?”
“Okay ka lang?”
“Yes. I’m okay, babe. Bakit mo natanong yan?”
“Para kasing balisa ka eh. May hinihintay pa ba tayo?”
“Wala naman babe” sabay latag niya ng kanyang telepono sa mesa “Tungkol lang ito sa trabaho”
“Na naman..?” buntong-hininga ni Nathan “Diba ikaw ang nagyaya na magdinner tayo dito? Bakit hawak-hawak mo pa rin ang telepono mo?”
“Sorry babe. Importante kasi eh”
“Please babe. Mamaya na yan” saway nito kay Jeff “Oras natin ito oh. Bitawan mo na yan”
“Okay babe. Sorry” sabay lagay ni Jeff ng kanyang telepono sa mesa.
“Good. Mabuti naman ay nakinig ka na rin sa akin” dugtong niya kay Jeff “So, lets order na?” at tumango naman si Jeff bilang sagot.
Kaagad silang tumawag ng waiter para mag-order na ng kanilang kakainin. Habang papalapit ang waiter ay nakatingin ng mabuti si Jeff sa kanya.
Tumayo ang lalaki sa bandang likuran ni Nathan.“Hello Sir. Ano po ang order ninyo?” tanong niya kay Nathan na bumabasa ng menu ng restaurant.
“Ahhmm. Dalawang Crispy Caramel Chicken at dalawa ding Shrimp ‘n Parmesan Sirloin”
“Anything to add Sir?? Drinks?”
“Cucumber Lemonade na lang siguro”
“Dalawa Sir?” tanong ng waiter sa kanya.
“Of course. Dalawa lang kami dito diba..?”
“I’m sorry po, Sir. Baka kasi pwede niyo akong isama sa dinner ninyo”
“Excuse me..?” sabay lingon niya sa waiter.
Laking gulat niya na ang waiter pala na nasa likuran niya ang anak niyang matagal nang nawalay sa kanya.
“Hello Dad” panlulumo ng mata ni Stephen sa kanya
Kaagad tumayo si Nathan sa kanyang inuupuan at niyakap ng mahigpit ang kanyang anak. Hindi niya talaga ito inaasahan ang pagbabalik ni Stephen.
“Surprise..!” dugtong ni Jeff.
“Teka. Alam mo ‘to, babe?”
“Yes Dad. Alam ni Tito yan dahil sa kanya ako humingi ng tulong para sorpresahin kayo ni RK”
“Wow. And that explains sa walang tigil na paghahawak mo ng telepono, babe”
“Yes babe. Sorry” ngiti ni Jeff
“No. Its okay” sabay tapik ng balikat ng anak “Huwag kang humingi ng tawad sa akin dahil masaya naman ako dahil magkasama kami ngayon ng anak ko”
“Ako rin Dad. Sobrang saya”
“Teka. Saan si RK? Hindi mo ba siya dinala dito?” tanong ni Nathan sa anak
“Tito Jeff texted and called him na pumunta dito sa restaurant pero hindi naman siya sumasagot” paliwanag ni Stephen
“Naku. Ang batang yan. Binata na kasi eh. Marami nang priorities”
“Oo nga pala, Dad. Kamusta na si RK? Kamusta naman ang pag-aaral niya?”
“He’s doing great naman, Stephen. Nag-eexcell naman siya sa school niya”
“Good to hear that Dad”
“E ikaw? Kamusta ka na my big boy? Kamusta ang buhay Amerika?” tapik niya muli sa balikat ni Stephen “Parang may accent ka nang kano ah”
“Sorry Dad. Nasanay lang kasi. Pero mawawala din ang accent kong ‘to kapag matagal na ako dito sa Pilipinas”
“Matagal?” ulit naman ni Jeff “So you mean na dito ka na lang sa Pilipinas for good?”
“Yes Tito. Dito na lang ako sa Pilipinas” sagot ni Stephen sa kanya “Ayaw ko na doon. Wala akong kasama eh. Mabuti pa dito sa Pilipinas. Kasama ko pa ang buong pamilya ko”
“Talaga anak? Wow. That’s good to hear. Masaya ako dahil nakapagdesisyon ka na dito ka na lang sa Pilipinas”
“Oo nga Dad eh. Marami akong naiwan dito sa Pilipinas. Ilang taon din ang pagtitiis ko doon sa Amerika na wala kayo. Sobrang miss ko kayong lahat, lalung-lalo na si Sky” sabay yuko niya “Andito ako para makipagbalikan sa kanya. Nagsisisi talaga ako na iniwan ko siya sa ere”
Biglang natahimik ang dalawa sa sinabi ni Stephen. Napasulyap na lang si Nathan kay Jeff na parang napapahiwatig na si Jeff na lang ang bahala na magpaliwanag sa totoong estado ngayon ni Sky.
“Ahhm. Anak. Stephen. Gusto ko lang sabihin sa’yo na hindi mo na pwedeng makipagbalikan kay Sky” panimula ni Jeff
“Bakit po, Tito?”
“Kasi…” at tumayo siya sa kanyang upuan at naglakad ng ilang hakbang patungo kay Stephen “Huwag kang magulat sa sasabihin ko, anak” sabay buntong-hininga ni Jeff “May bago nang boyfriend si Sky”
Pero imbis na magulat sa binalita sa kanya ni Jeff ay ngumiti lamang ito “Alam ko na po yan, Tito”
“Talaga? Saan mo naman nalaman ang tungkol kay Sky?”
“Sinabi sa akin ni Mike kanina nung pumunta ako sa kanya” sagot ni Stephen “At okay lang sa akin na may nobyo na siya”
“Talaga anak? Okay lang sa’yo na may iba na siya?” sabat naman ni Nathan sa anak
“Oo Dad. Okay lang sa akin” habang nanlulumo ang mga mata niya “Andito naman ako para bawiin ko na si Sky sa kanya. Babawiin ko na sa kanya ang mahal ko”
“Wow” tanging sambit ni Nathan sa anak “Hindi ko alam kung ano ang sasabihin o mapapayo ko sa’yo anak. Pero andito lang kami ni Tito Jeff mo na sumusuporta sa mga desisyon mo”
“Salamat Dad. Tito”
Ngumiti lamang sina Jeff at Nathan sa pasasalamat sa kanila ni Stephen. Napatingin naman kaagad si Nathan sa mesa dahil may inilatag ang mga waiter na mga pagkain.
“Teka. Hindi pa naman tayo nakapag-order, bakit may mga pagkain na..?”
“Ako po yan ang nag-order, Dad” dugtong ni Stephen “Kanina pa yan nung wala ka pa dito”
“Talaga anak?” habang tinititignan niya ang maraming ulam na nakalagay sa kanilang mesa “Pero bakit ang dami? Tatlo naman tayo ah” at tumingin siya sa asawa “Babe, may pera ka ba diyan? Parang kulang yata ang dala kong pera eh”
“Naku Dad. Huwag na kayong magproblema tungkol dito. Ako ang magbabayad nito”
“Sigurado ka anak? Baka wala kang pera diyan”
“Hayaan mo siya Babe” saway naman ni Jeff sa kanya “Plinano niya ‘to eh. Treat niya ito para sa atin, lalung-lalo na sa’yo”
“Well. Salamat sa treat anak” ngiti ni Nathan “Sige na. Kumain na tayong tatlo”
Kaagad silang umupong tatlo para makapagsimula na ng kanilang hapunan doon sa restaurant.
***
Samantala. Dinala ni Calvin si Sky sa bahay nila ng kanyang ama upang makabawi siya dito dahil nga sa nagawang kasalanan niya sa nobya.
“Sigurado ako na maging masaya si Tatay dahil bumisita ka dito sa bahay, Tart” sambit ni Calvin sa kanya habang papasok sila ng bahay. “Matagal niya na kasing hinihingi sa akin na pumunta ka dito eh”
“Talaga? Ako rin Tart. Matagal ko na ring hindi nakita si Tito Alvin” dugtong ni Sky habang nakangiti “Excited na ako makita siyang muli”
“Umupo ka muna diyan sa sofa, Tart” alok niya sa nobya habang dinadala niya ito sa sala “Pupunta muna ako sa kusina, titignan ko kung may kakainin tayo para sa hapunan naton”
“Sige Tart” sabay upo ni Sky sa sofa “Dito lang ako”
Dumerecho nga si Calvin sa kusina para tignan kung may kakainin silang pagkain, samantala si Sky naman ay nakaupo sa sofa at nilalaro ang kanyang cellphone.
Sa sobrang pagkatitig nito sa kanyang telepono ay hindi niya namalayan na pumasok na pala ng bahay ang ama ni Calvin.
“Sky?”
Tumingala si Sky upang tignan kung sino ang taong tumawag sa kanyang pangalan . Laking gulat niya sa taong pumasok at dahil matagal niya na itong hindi nakita makalipas ang ilang mga taon.
Itutuloy…