“Tito..” sabay tayo ni Sky sa sofa at kaagad niyakap ng sobrang higpit si Alvin. “Kamusta ka na po..? Miss na miss po kita”
“Maayos naman ako Sky” yakap din ni Alvin kay Sky “Ikaw? Kamusta ka na? Matagal na panahon din na hindi tayo nagkita. Busy rin kasi ako sa trabaho eh”
“Oo nga Tito. Ako din eh. Sobrang busy din sa DGC”
“Mabuti naman kung nakapag-bigay ka ng oras dito na pumunta sa bahay anak” ngiti nito sa nobya ng anak “Nung unang beses na sinabi sa akin ni Calvin na nobya ka niya, nagulat talaga ako dahil hindi ko inaasahan na magiging kayo. Small world lang talaga”
“Oo nga Tito eh. Kahit ako din ay nagulat dahil anak mo pala siya” dugtong niya “Kahit nga si Papa, nagulat na may anak ka Tito eh”
“Oo nga pala, kamusta na ang Papa mo? Matagal din na hindi kami nagkita at nagkausap ah”
“Ayos naman po si Papa, Tito” sagot ni Sky “Busy din siya sa pagpapatakbo ng DGC”
“Ah ganon ba” tanging sambit ni Alvin.
“Bakit Tito?”
“Wala naman. Na-miss ko lang kasi ang Papa mo”
“Gusto mo bang mag-set-up ako ng dinner para sa inyo?” mungkahi ni Sky sa kanya “Para naman makapag-usap na kayo pagkatapos ang mahabang panahon”
“Hmmm. Pwede din. Pero hindi ba nakakahiya? Baka ano isipin ng Daddy mo na mag-dinner kami ng Papa mo”
“Hindi naman siguro Tito. Pero magpapaalam muna ako sa kanilang dalawa” dugtong ni Sky “Sigurado naman ako na papayag silang dalawa eh”
“Sige Sky. Inaasahan ko yan” sagot naman ni Alvin habang nakangiti sa naisip ni Sky na paraan.
“Andito ka na pala, Tay” sambit ni Calvin habang papalapit siya sa dalawa “Ang aga ninyong dumating ah”
“Oo anak. Wala namang masyadong gagawin sa opisina eh. Inisip ko na lang na umuwi ng umaga” paliwanag ni Alvin
“Mabuti naman kung ganon, Tatay. Kumain na ba kayo?”
“Hindi pa anak eh. Gutom na gutom na nga ako”
“Naku Tay. Tamang-tama. Inutusan ko si Manang na magluto ng paborito mong ulam na adobong atay”
“Talaga? Sarap yan anak ah” dugtong ni Alvin habang sabik na sabik na itong kumain “Tayo na Sky. Cal. Kumain na tayo. Gutom na kasi ako eh”
Kaagad dumerecho si Alvin sa may hapagkainan para kumain na nang kanyang paborito ulam. Samantala ay sumunod naman ang dalawa sa hapagkainan upang kumain na din.
Kinabukasan.
Kagigising lang ni Mike sa kanilang kama at tila masaya ang kanyang gising. Yayakapin niya sana ang kanyang katabi pero sa paglapag ng kanyang braso ay walang tao sa kanyang tabi.
Kaagad siyang bumangon sa kama upang hanapin si Anthony. Tinignan niya ito sa banyo ng kanilang silid pero wala ito. Lumabas at pumunta siya sa kusina pero wala din siyadito.
Nagtungo siya sa labas ng bahay at doon niya naaninag si Anthony sa labas ng gate na parang may kausap sa kanyang telepono.
Nilapitan niya ito para kausapin ang kanyang partner, pero nang makita ni Anthony na papalabas si Mike ng gate ay kaagad niyang pinatay ang kanyang telepono at inilagay ito sa kanyang bulsa.
Napansin naman ito ni Mike at tinignan ng mabuti ang mukha ni Anthony na parang nagulat sa kanyang paglabas.
“Babe..” sambit ni Anthony sa kanya
“Bakit ka nandito babe? At sino ba ang kausap mo sa cellphone mo?”
“Ahmmm. W-wala babe. Kaibigan ko lang” pang-uutal na sagot ni Anthony
“Ahmm okay. E parang namumutla ka?”
“Ha? Wala babe. Nagulat lang kasi ako sa paglabas mo. Akala ko kasi tulog ka pa eh”
“Nagising nga ako. Tapos nung paggising ko, wala ka na sa tabi ko. Akala ko nagluluto ka ng agahan, andito ka lang pala sa labas”
“Ganon ba? Sorry babe ha” sambit niya kay Mike “Emergency lang kasi ang tawag” pero hindi sumagot si Mike sa paliwanag nito “So shall we? Pasok na tayo ng bahay”
“Sige” tanging sagot niya.
“Babe?”
“Yes?”
“Galit ka ba?”
“Hindi naman. Naisip ko lang kasi bakit kailangan mo pang lumabas ng bahay para tumawag”
“Kasi nga emergency babe. E parang walang signal sa loob eh” dahilan niya sa kanyang partner “Kaya lumabas ako. Isa pa, ayaw ko namang marinig mo ang ingay ko kapag tumatawag ako”
“Hmmm. Sige babe. Sorry. Akala ko kasi iba eh”
“Teka. Pinagduduhan mo ba ako?”
“Hindi babe. Sorry. Nagtataka lang kasi ako. Sorry”
“Haay naku babe. Nagsasabi ako ng totoo sa’yo. Sana naman magtiwala ka sa sinasabi ko”
“Oo na babe. Sorry na” sabay yakap niya kay Anthony “Hindi na mauulit. Pasok na tayo?”
“Ohh sige babe. Pasok na tayo bago pa may makakita dito sa atin na nagyayakapan”
***
Dakong alas-otso ng umaga. Sa mansyon ng mga Dy at Rodgers.
Kababangon lang ni Stephen sa kanyang malambot na kama. Parang ayaw niyang bumangon dahil inaantok pa ito kasi hindi siya nakatulog at nakapagpahinga ng maayos nung nasa eroplano siya pauwi ng Pilipinas.
Nakaidlip na sana siya nang may kumatok sa kanyang pintuan. Tumayo na lang ito upang pagbuksan ang taong kumakatok sa pinto.
Nang pagbukas niya ng pinto ay nagulat siya sa kanyang nakita na tao. Si Sky pala ang taong kumakatok at nasa labas ng kanyang silid. Ganon din naman ang dalaga na gulat na gulat din kay Stephen.
“Stephen..?”
“Sky..?”
“You’re here” panimula ng dalaga sa kanyang ex-boyfriend.
“Ahmm. Ahh. Ehh. Oo. Kahapon lang ako umuwi dito”
“Good” tanging sambit ni Sky at nagdesisyon na lang na umalis sa harap ng kanyang ex.
“Sky..” tawag niya dito at lumingon naman ito “Pwede ba tayong mag-usap?”
“Usap? Tungkol saan naman?”
“Tungkol sa atin. Sa relasyon natin”
Tumaas na lamang ang kilay ni Sky sa sinabi ni Stephen “Sorry. Sa susunod na lang. Pagod ako eh” dahilan niya “Kararating ko lang kasi”
“Kararating mo lang..?” ulit ni Stephen na parang nagtataka kung saan siya nanggaling “Saan ka ba nanggaling? Bakit ka ba lumalabas ng gabi na?”
“Basta” sagot nito na matigas ang tono ng boses “Sige na. Magpahinga na ako. Huwag kang mag-inarte na concern ka sa akin dahil wala ka naman talagang pakialam sa akin diba? Just cut the drama”
Hindi makasagot si Stephen dahil tama naman si Sky sa kanyang sinabi. Iniwan niya sa ere ng kanyang nobya noon. Ang tanging rason niya lang naman ay wala nang oras si Sky sa kanya at puro trabaho na lang sa Dy Group of Companies o DGC.
Sinara niya na lang ang pintuan ng kanyang silid at bumalik na lang sa kama habang nanlulumo ang kanyang mga mata.
Maya-maya ay bumaba na si Stephen at parang nakapagpahinga ng maayos mula sa mahabang byahe niya kahapon. Nadatnan niya sa baba ang kanyang Daddy na si Nathan, si Jeff at ang kanyang ex-girlfriend na si Sky na kumakain ng agahan.
“Oh anak. Gising ka na pala” bati ni Nathan habang bumababa ito sa hagdan “Kamusta ang pagpahinga mo? Nakabawi ba?”
“Oo Dad. Medyo okay naman ako ngayon. Meron pang kaunting jet-lag pero kaya ko naman ito”
“Good” ngiti ni Nathan sa anak “Umupo ka na sa tabi ni Sky para makakain na rin”
Sinunod naman ni Stephen ang alok ng kanyang Daddy at kaagad dumerecho sa bakanteng upuan na katabi ni Sky. Tinitignan niya ng mabuti ang dalaga habang hinahatak ang kanyang silya pero hindi ito lumilingon sa kanya.
Kaagad siya umupo sa tabi niya ng nakangiti, samantala sina Jeff at Nathan naman ay nagtitinginan lang sa isang awkward na pangyayari sa kanilang harapan.
“Ahmm. Sky?” panimula ni Stephen “Pwede bang paabot ng kanin?” Pero hindi ito kumibo at tumayo sa kanyang upuan. Napasunod naman nang tingin si Stephen sa kanya habang lumalakad ito palayo ng mesa.
“Heto anak. Kumain ka na” sabay abot ni Jeff ng kanin sa kanya “Hayaan mo lang muna siya”
“Pero parang nafufrustrate ako Tito eh” dugtong ni Stephen kay Jeff “Hindi ko alam kung paano susuyuin si Sky. Alam ko naman na may kasalanan ako”
“Bigyan mo lang siya ng panahon para makapag-isip, anak”
“Pero paano Tito? May boyfriend na siya” dahilan niya at tama naman siya dahil unting-unti nawawalan na siya ng pag-asa kay Sky “Hindi ko alam kung ano gagawin ko para bawiin siya sa lalaking iyon”
“Basta huwag ka lang mawalan ng pag-asa, anak” dugtong naman ni Nathan sa kanya “Ang importante ay mahal mo siya. Huwag ka lang susuko na magkabalikan kayo. Kami nga ng Tito mo oh. Marami ang nangyari sa amin bago talaga kami nagkatuluyan. Malay niyo, kayo rin”
“Eh paano kung hindi Dad?”
“Huwag ka lang mawalan ng pag-asa Stephen” payo niya pa sa anak “Magtiwala ka lang sa sinabi ko, kasi napagdaanan na namin yan”
“Sige po Dad” at unting-unti bumabalik ang sigla ni Stephen sa pinayo sa kanya ng ama “Susundin ko po ang payo ninyo sa akin”
“Very good. Mabuti naman ay nakikinig ka pa rin sa akin”
“Salamat po Dad. Tito. Salamat dahil pinagaan ninyo ang pakiramdam ko”
“Walang anuman, anak” sagot naman ni Jeff sa kanya.
“Sige na, Stephen. Kumain ka na diyan” sabay naman ni Nathan.
“Teka Dad. Saan ba si RK ngayon?”
“Ayon. Hindi pa nakauwi eh” sagot niya sa anak habang malalim ang kanyang pag-hinga “Baka nakatulog naman kung saan sa sobrang lasing niya”
“Ha? E bakit siya umiinom? Palagi po ba siya umiinom?”
“Ewan ko. Nagsimula lang ito nung umalis ka papuntang Amerika. Naging malamig na siya sa amin ng Tito mo at ni Sky” kuwento niya kay Stephen “Hindi na siya katulad noon na palangiti at masayahin. Iba na ang RK ngayon”
“Ganon po ba..?” kitang-kita sa mukha ni Stephen ang disappointment sa ginawa ng kapatid.
“Oo anak. Kailangan mo siyang makausap dahil ikaw lang naman ang pinakikinggan niya”
“Sige Dad. Ako na po ang bahala sa kapatid ko”
“Mabuti anak. Sige. Alis na kami. Pupunta na kami sa mga trabaho namin”
“Okay Dad. Mag-iingat kayo ni Tito”
***
Samantala. Sa bahay nina Anthony at Mike.
Kumakain sila ng agahan sa hapagkainan habang nagkukuwentuhan ang dalawa.
“Any plans for later, babe?” tanong ni Mike
“Wala naman babe. Bakit mo naman naitanong yan?”
“Hmm. I am planning kasi na lumabas tayo mamaya”
“Saan naman babe?”
“Sa mall. Magsha-shopping lang” sagot niya kay Anthony “Tagal na kasi tayo hindi nakagala ng mall eh”
“Ahh ganon ba? Sige babe. Pero susubukan ko ha” habang tinititigan ang kanyang cellphone.
“Bakit mo pa susubukan? Diba sabi mo wala kang pupuntahan?”
“E hindi ko nga alam kung may pupuntahan ako o hindi. Pero sasabihan lang kita later”
“Oh sige” buntong-hininga ni Mike “Wala naman akong magagawa kundi pumayag sa gusto mo eh”
“Galit ka ba?”
“Hindi naman” sagot ni Anthony “Gusto ko lang kasi na mag-bonding tayo kahit ilang oras lang eh. Pero okay lang. Ayaw mo naman” sabay subo niya ng kanin na may ulam.
“Hindi nga ako sure kung may pupuntahan nga ako diba” ulit ni Anthony “E diba may trabaho ka?”
“Oo nga. Pero ako naman ang may-ari diba? Pwede naman ako mag-absent ng ilang oras” paliwanag niya sa kanyang partner “Pero ayos lang sa akin kung ayaw mo”
“Okay” tanging sagot ni Anthony. Walang humpay ang hawak niya ng kanyang telepono. Parang may hinihintay na balita ito sa kanyang kausap.
Tinitignan lang siya ni Mike at parang nahahalata niya na ito.
“Parang busy sa telepono ah” panimula niya “Sino ba ang katext mo?”
“Ha?? Ehh wala ito babe. May hinihintay lang ako na balita”
“Talaga? Ano namang balita yan?”
“Ahhhm. Kasi. May ano babe..” at inilagay niya ang kanyang telepono
“Ano??” tigas na tanong ni Mike “Bakit hindi ka makasagot..?”
“Basta babe..” pangmumutla ni Anthony.
“May tinatago ka ba sa akin?”
“Tinatago??” ulit ni Anthony “W-wala babe. Meron lang akong problema”
“Ano nga? Bakit hindi mo masabi sa akin yan”
“Kaya ko na nga ito. Bakit ang kulit mo..?!”
“Hindi naman. Nahahalata lang kita nung kaninang umaga pa” sagot niya kay Anthony “Oh well, kung wala ka ngang tinatago sa akin. Patingin ng cellphone mo”
“Ano..?”
“Ang sabi ko, patingin ng telepono mo kung wala ka ngang tinatago sa akin”
“What? Wala ka bang tiwala sa akin? Wala akong iba, babe”
“Wala naman akong sinabi ah. Bakit napaka-defensive mo.?”
“E ikaw kasi eh. Daming tumatakbo diyan sa utak mo. Napaka-praning mo”
“Hindi ako praning. Kanina ko pa nahahalata na parang may tinatago ka. Ano ba yan?!”
“Wala nga, okay? Wala”
“Fine. Edi wala”
Hindi na lang tinapos ni Anthony ang kanyang pagkain at kaagad tumayo. Naiinis na siya kasi sa mga sinasabi sa kanya ni Mike.
Samantala si Mike naman ay pinagpatuloy na lang ang kanyang pagkain at papasok na lang siya sa trabaho dahil walang plano si Anthony na samahan siya sa mall. At habang kumakain siya ay may naisip siyang paraan para malaman ang tinatago na baho ng kanyang partner.
***
Dakong alas-onse na ng umaga nagising si Sky at kaagad siyang bumaba mula sa kanyang silid. Nang pagkababa niya ay nagtungo ito sa hapagkainan. Nagulat siya dahil may nakahanda nang pagkain sa hapagkainan kahit alam niya na umalis na ang kanyang Papa at Daddy.
Nagtaka si Sky at kaagad siyang nagtungo ng kusina para tignan kung sino ang naghahanda ng pagkain.
“Manang” tawag niya sa katulong pero hindi ito sumasagot.
Doon niya nakita at nagulat siya dahil si Stephen pala ang naghanda sa kanyang pagkain dahil hawak-hawak nito ang lalagyan ng kanin.
Itutuloy…