TCG: Chapter 13 (The Break-up)

2469 Words
“Ahhh” tanging sagot ni Calvin at sumulyap siya kay Stephen na habang kumakain “Nice meeting with you po, Tito Nathan” “Ako din, Calvin” ngiti ni Nathan “Masaya ako dahil nakita ko na ang nobyo ni Sky” “Salamat po Tito. Ako din po” dugtong ni Calvin “Masaya din po ako. Paano po… alis na po ako” “Sige Calvin. Mag-iingat ka” “Salamat po” at tumingin siya kay Jeff “Tito Jeff. Alis na po ako. Pasensiya na po talaga sa istorbo” “Walang problema, Calvin. Hindi ka nakakaistorbo dahil parte ka na ng pamilya namin” ngiti niya kay Calvin “Sige. Mag-ingat ka sa pag-uwi mo” “Salamat po” Ngumiti muli siya sa mag-asawa at kaagad lumakad palabas ng mansyon. Samantala naman ay muling umupo si Nathan at pinagpatuloy ang kanilang pagkain ng agahan. “He’s okay naman, Stephen” sambit ni Nathan “Magalang naman siya at hindi bastos katulad nang sinabi mo” “Naku Dad. Katulad nga ng sinabi ko kanina, nagpapanggap lang siya sa inyo dahil kayo ang magulang ni Sky” dahilan ni Stephen “Pero kapag ibang tao ang kaharap niya, doon lumalabas ang totoo niyang ugali at kung ibang tao kayo, matagal na kayo siguro binastos ng lalaking yan” “Stephen…” sambit ni Nathan na parang sinasaway niya ito “Hindi kita pinalaki ng ganyan. Huwag kang magsabi o magsalita ng masama sa kapwa mo” “Pero Dad…” “Huwag ka nang magdahilan pa, Stephen. Kung iyan ang paraan mo para makuha mo si Sky… Well. I am so disappointed” “Dad. Hindi naman sa ganon. Iyon kasi ang pinakita niyang ugali sa akin eh” pero hindi na lang sumagot si Nathan sa paliwanag sa kanya ng anak “Well. Kung ayaw ninyong maniwala, wala naman ako magagawa. Sana naman, Dad, ako ang paniwalaan ninyo dahil ako ang anak mo” sa sobrang sama ng loob ni Stephen ay kaagad siyang tumayo at hindi tinapos ang kanyang pagkain. Kaagad siyang lumakad papunta sa hagdanan at umakyat sa kanyang silid. “Stephen. Saan ka pupunta..?? Bumalik ka dito!” sigaw ni Nathan “Ikaw talaga na bataka. Ang tanda mo na, pinapasakit mo pa rin ang ulo ko” “Babe..” sabay hawak ni Jeff sa kamay ng asawa “Hayaan mo muna siya. Huwag mo muna siyang pansinin” “Ewan ko nga ba, babe” buntong-hininga ni Nathan “Bakit ang titigas ng mga ulo ng mga anak ko. Saan ba ako nagkulang sa pagbibigay ng gabay sa kanila?” “Wala babe. Wala kang pagkukulang sa kanila” sambit niya sa asawa “Intindihin mo lang si Stephen. Baka may pinagdadaanan lang ngayon ang anak mo at nagkaganyan siya at kung anu-ano na ang kanyang iniisip” “Baka nga, Pero sana naman, hindi niya iyon ginagawa para siraan lang si Calvin para makuha niya muli si Sky” “Sana nga babe” sagot ni Jeff “Sige na, tapusin na natin ang almusal natin. Male-late na tayo sa trabaho” *** Samantala. Sa labas ng mansyon. Hindi umuwi si Calvin at hinintay niya sa doon sa labas ang kanyang nobya na si Sky na makauwi. Makalipas nga ang tatlumpung minuto at nandoon pa rin siya at matiyagang naghihintay sa nobya. May napansin siya sa likuran ng kanyang sasakyan. Napansin niya na may huminto ding sasakyan. Tinignan niya at binantayan niya ito ng mabuti sa rear-view mirror kung sino ang dumating. Nagulat si Calvin dahil ang bumaba sa sasakyan ay ang kanyang nobya na si Sky at hinatid siya ng isang lalaki. Biglang uminit ang kanyang ulo at kaagad lumabas at bumaba ng kotse. Lumakad siya ng mabilis patungo sa dalawa na kasalukuyang lumalakad papunta ng mansyon. “Sky..” tawag niya “Tart..” sabay lingon ni Sky sa kanya “Andito ka pala. What are you doing here?” “Ikaw sana ang tatanungin ko kung ano ang ginagawa mo kasama ng lalaking yan..” dugtong niya sa nobya habang nakatingin siya sa nakatalikod na lalaki na kasama ni Sky “Sino ba ‘to?” “Ito..?” turo ni Sky “Si Mike. Pinsan ko.. Diba magkakilala na kayo?” Lumingon din sa kanya si Mike at ngumiti pero hindi niya ito pinansin at pinagpatuloy pa rin ang pag-iimbestiga niya sa nobya “Bakit hindi mo sinasagot ang mga text at tawag ko sa’yo kagabi?” “Pasensiya na Tart” panimula ni Sky sa kanya paliwanag sa nobyo “Nakalimutan ko kasi na magpaalam sa’yo. May ipinagagawa kasi si Papa kahapon after ng office hours eh” “Ano ang pinagawa niya sa’yo? Na makipagharutan sa lalaking ‘to?” turo niya kay Mike “Harutan..??” ulit ni Sky “Of course not. Pinsan ko si Mike, remember? Walang harutan na nangyari dahil kinausap ako ni Papa na kausapin si Mike dahil hindi siya nakadalo kahapon sa meeting nila” paliwanag ni Sky “Pasensiya na talaga kung hindi ako nakapagpaalam sa’yo kagabi” “Talaga? Totoo ba ang sinasabi mo?” “Oo pre. Totoo ang mga sinasabi sa’yo ni Sky” sabat naman ni Mike sa kanilang usapan “Pasensiya na talaga kung nadamay kayo ni Sky sa problema ko” “Well, you should be..” dugtong ni Calvin kay Mike “Maybe next time, huwag mong istorbohin si Sky dahil may sarili din siyang obligasyon sa akin at sa kanyang buhay” “Tart…” saway ni Sky sa kanya “Huwag mo namang bastusin ang pinsan ko” “No cous. It’s okay. Tama naman siya” sagot niya sa pinsan at tumingin siya sa dalawa “Pasensiya na talaga sa abala. Sige. Alis na ako” Kaagad umalis si Mike sa kanilang paningin na parang masama ang loob sa sinabi sa kanya ni Calvin. Samantala ay nakatingin naman si Sky kay Calvin na naiinis dahil nga sa kanyang pambabastos sa kanyang pinsan. “Bakit ganyan ka makatingin sa akin?” “Ano yon? Bakit ganyan mo lang bastusin ang pinsan ko?” “Anong bastos? E inamin niya naman na may mali siya diba?” dahilan ni Calvin “Pwede ba? Huwag mo na siyang ipagtanggol. Kung hindi sa kanya, hindi siguro ako mag-aalala ng ganito sa’yo” “What?? Naririnig mo ba ang lumalabas diyan sa bunganga mo? Hindi mo ba alam na malaki ang problema niya ngayon?” paalala ni Sky sa kanya “Ilang beses ko bang paulit-ulitin sa’yo na inutusan ako ni Papa para kausapin ang pinsan ko dahil kami na lang ang natitirang pamilya niya” “Yun nga eh. Kung hindi nga sa kaartehan niya, hindi sana tayo nadamay sa miserableng buhay niya” “How dare you… pinsan ko ang sinasabihan mo ng ganyan… kapamilya ko… at kung hindi mo magawa siyang igalang, mas mabuti pa na umalis ka na bago pa may masabi ako sa’yo na hindi mo magugustuhan” “Tart. Huwag naman ganito” sabay hawak ni Mike sa kanyang braso “Para lang sa pinsan mo, mag-aaway lang tayo? Huwag ka naman ganyan” “Huh?? Hindi mo pa rin ba nakukuha ang ibig kong sabihin?” sasagot na sana si Calvin pero tumaas ang kamay ni Sky para pigilan siya sa pagsasalita “Nevermind. Kahit anong sabi at paliwanag ko sa’yo. Hindi ka pa rin nakikinig. What’s the use. Pasok na ako. Salamat sa oras na pumunta ka dito” Kaagad tumalikod si Sky kay Calvin at pumasok na siya ng mansyon. Samantala si Calvin naman ay naiwan na nakatayo sa labas ng pintuan ng mansyon. Nanginginig ito sa galit dahil hindi naman siya binigyan ng oras ng nobya at magpaliwanag tungkol sa nangyari sa kanya kagabi na hindi niya nasagot ang tawag at text nito sa kanya. *** Nagdesisyon na lang na umuwi si Mike at hindi niya na lang sinunod ang unang plano na lumabas at gumala sa mall. Parang mabigat pa kasi ang kanyang loob at walang gana itong gumalaw dahil nga sa alitan nila ni Anthony. Dahan-dahan siyang pumasok ng kanilang bahay na parang walang lakas at mahina. Pero nung nakapasok na siya ay doon siya nagulat sa kanyang nakita. Si Anthony na nakaupo sa hapagkainan habang kumakain siya ng agahan. Abot-tenga ang kasiyahan na nadarama ni Mike dahil nakauwi na nga sa wakas ng kanilang bahay ang kanyang pinakamamahal. Napatakbo ito sa sobrang galak at pinuntahan si Anthony. Kaagad niya itong niyakap ng sobrang higpit mula sa likod ng mahal. “Babe…” sambit ni Mike habang niyayakap niya ito mula sa likuran ni Anthony “Masaya ako dahil andito ka na at nakauwi sa bahay natin. Kagabi pa kita hinihintay” walang nakuhang sagot si Mike mula sa kanyang partner na si Anthony. Pero inalis niya ang nga braso ni Mike mula sa pagkayakap “Babe? Galit ka pa rin ba sa akin?” “No. Hindi na ako galit sa’yo, Mike” “Oh. Hindi naman pala eh. Bakit ayaw mong yakapin kita..?” Doon nang tumingin si Anthony sa mga mata ni Mike na parang seryoso “May sasabihin ako sa’yo. Pero huwag ka sanang magalit sa akin” Lumuhod si Mike sa gilid ni Anthony habang nakatingin din siya sa mga mata nito “Ohh okay. Parang seryoso nga ang pag-uusapan natin babe ah” sabay ngiti ni Mike sa kanya “Please. Seryoso ako. Makinig ka naman sa akin” “Sorr. Sige babe. I’m listening” Walang sabi-sabi ay hinawakan ni Anthony ang kamay ni Mike ng sobrang higpit “Sana huwag kang magalit sa akin pagkatapos ng sasabihin ko” “What do you mean, babe?” “It’s not working. Kahit anong gawin at pilit ko ay hindi kita kayang mahalin katulad ng pagmamahal na ibinibigay mo sa akin” panimula ni Anthony “I’m sorry” “Are you breaking up with me? Babe… Huwag ka naman ganito” sabay yakap ni Mike sa kanya “Huwag mo akong iwan. Hindi ko kaya na mawala ka” “Please. Stop calling me that. Hihiwalayan na kita, okay? Kung ipipilit natin ang relasyon na ‘to, ikaw pa rin ang masasaktan. Mas mabuti pa na hihiwalayan na kita” “Ano? Ano ba ang pinagsasabi mo? Sa tingin mo ba ay hindi ako ngayon nasasaktan sa mga sinasabi mo ngayon?” sagot niya kay Anthony “Don’t do this babe. Pati ba naman ikaw?? Iiwan mo rin ako?? Iniwan nga ako ng mga babaeng minahal ko. Tapos ikaw rin..?” “Huwag kang mag-aalala. Makikita at makahanap ka rin ng tao na para sa’yo” dugtong niya kay Mike “Kailangan natin ito para maging buo tayo” “E ikaw nga ang bumubuo sa pagkatao ko ehh” “My gad, Mike. Hindi mo talaga ako naiintindihan? Huwag mo naman akong pahirapan ng ganito. Kailangan natin ito, okay?” pagdidiin pa niya kay Mike “May mas deserving pa na tao para sa pagmamahal mo at hindi ako yon” “Edi ipaliwanag mo sa akin ng maayos para maiintindihan ko. Ako ang partner mo diba?? Sabihin mo sa akin ang problema natin para maayos natin kung ano man iyon” “Kung ganyan lang sana kadali. Pero napakahirap eh. Sobrang hirap” “Bakit mahirap? Sabihin mo naman sa akin oh” “Sige. Ito na. Para maiintindihan mo ng maayos” huminga muna ng malalim si Anthony bago niya ipaliwanag ng buo ang problema niya “Sinubukan ko na kalimutan siya, pero hanggang ngayon siya pa rin ang laman ng isip at puso ko” “Sino..?” “Si George. Ang ex ko na nakuwento ko sa’yo noon” “What?? So mahal mo pa rin siya??” pagkaklaro ni Mike. Pero hindi sumagot si Anthony at tahimik lang sa tinanong sa kanya “Silence means, yes. Right? Mahal mo pa rin siya” dugtong niya na tila tinutusok na ng kutsilyo ang kanyang puso “Hindi mo akalain na magagawa mo sa akin ito. Ang sakit” “Mike. Hindi ko naman sinadya eh. Akala ko kasi kapag nakakita o nakipagrelasyon ako sa iba, mawawala na ang nararamdaman ko sa kanya. Pero hindi eh. Hindi nawala” “So ginamit mo lang ako? Ginawa mo akong panakip-butas? Ganon?” “I’m sorry” sabay yuko ni Anthony habang tumutulo na ang kanyang mga luha at bumabagsak na ito sa kanyang binti. “Sinubukan ko naman na mahalin ka eh. Believe me. Promise. Minahal kita. Pero mas mahal ko siya” “Hindi ko alam kung ano at saan ako maniniwala sa mga sinasabi mo. Hindi ko rin alam kung ano ang magiging reaksyon ko dahil sa sobrang sakit” sambit ni Mike habang umaagos na din ang luha niya sa pisngi nito “Sobrang sakit dahil sa loob ng ilang taon nating pagsasama, siya pa rin pala ang mahal mo” “Sorry Mike. Pinaalam ko nga sa’yo ngayon para maging honest ako sa sarili ko at hindi ka na umasa pa sa relasyon natin. Pasensiya sa lahat” “Ipagpasalamat ko pa ba ang ginawa mo sa akin? So salamat ha” “Hindi. kasi alam ko na nasasaktan ka ngayon. And I am sorry for that” “It’s okay. Kahit na masakit. Tatanggapin ko para sa kasiyahan ng puso mo” “Salamat Mike. Salamat sa pag-intindi” “So anong plano mo?” “Aalis na ako dito sa bahay mo” sagot niya “Nakapag-empake na ako kanina habang walang wala ka. Doon muna ako titira sa bahay ng kaibigan ko na si Grace” “Okay… pwede ka nang umalis ngayon” sabay tayo niya at lumakad palapit sa hagdan “Pakisara na lang ng pintuan at gate paglabas mo. Matutulog muna ako” “Mike…” tawag niya at lumingon naman siya kay Anthony “Salamat sa lahat. Sa tulong mo sa akin at lalung-lalo na sa pagmamahalmo. Hinding-hindi kita malilimutan” “Tapos ka na..?” dugtong niya “Pwede ka nang umalis dahil matutulog na ako. Sinasayang mo lang ang drama mo” Doon na umakyat si Mike papunta sa kanyang silid habang si Anthony naman ay naiwan malapit sa mesa. May halong lungkot at saya ang kanyang nadarama dahil sa wakas ay malaya na siya at pwede niya nang balikan si George. Itutuloy…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD