TCG: Chapter 10 (Ang Banggaan)

2489 Words
Alas-diyes na ng gabi pero hindi pa rin nakauwisa bahay si Anthony. Nakaupo si Mike sa sofa na parang hindi mapakali dahil hindi pa umuuwi ang kanyang partner.Mas lalo pa siyang na-papraning kasi hindi niya sinasagot ang text at tawag nito. ‘Saan ka na ba..?’ sambit niya sa kanyang sarili ‘Ano ba talaga ang sikreto na tinatago mo sa akin, Anthony? May iba ka na ba..?’ Dakong alas-diyes y medya ng gabi ay nakauwi na si Anthony ng bahay at nakita niya na nakaupo nga si Mike sa sofa at mahimbing ang kanyang pagtulog. Alam niya na naghihintay ito sa kanya. Dahan-dahan siyang lumakad patungo sa kanilang silid. Ayaw niya itong magising para hindi siya pagalitan ni Mike pero ang hindi niya alam na nagising na ito at lumakad papuntsa kanya. “Saan ka galing..?” Napatalon sa gulat si Anthony sa biglang nagsalita na tao sa kanyang likuran. Napalingon ito at tinignan niya si Mike sa mata. “Ahmm babe. Sorry. Nagyaya kasi ang mga kaibigan ko na lumabas eh” paliwanag niya kay Mike “Nauna na nga lang ako dahil walang tigil ang pagtawag mo sa akin” “Talaga..?” “Oo babe. Promise” “E bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko..?” “Haa?? Ehh. Kwan. Maingay kasi sa loob ng KTV babe. Kaya hindi ko sinagot” “Ganon? E bakit hindi ka lumabas at sinagot ang tawag ko..? At kung hindi mo naman masagot, pwede mo naman ako i-text” “Ahhmm. Sorry babe. Nawili lang kasi ako. Sorry talaga” sabay lapit niya kay Mike at tangkang hahalikan niya ito sa labi. Pero umiwas ito sa kanyang halik “Oh bakit? Galit ka pa ba?” “Ewan ko sa’yo” buntong-hininga ni Mike at dumerecho muli siya sa sofa at umupo “Ano na naman ba’to..? Palalalikihin pa ba natin ang tungkol dito..? Maliit na bagay. Ginabihan lang ako. Edi pasensiya” pero hindi sumagot si Mike sa dahilan ni Anthony “Ano..?? Hindi ka sasagot? Fine! Matulog na ako dahil pagod na pagod na ako” Nairita si Mike sa mga sinasabi ni Anthony na parang siya pa ang galit at biktima. Biglang uminit ang ulo niya. Tumayo ito at nilapitan muli si Anthony. “Alam ko nagsisinungaling ka..” “Ano ang ibig mong sabihin? Hindi ako nagsisinungaling” “Sigurado ka..? Ang balita ko ay may nakipagkita ka sa isang lalaki sa isang coffee shop” Nanlaki ang mga mata at bumilis ang t***k ng kanyang dibdib dahil nalaman ni Mike ang ginawa niya kanina. “Paano mo nalaman?” “Oh. Bakit namumutla ka? Tama ako diba?” “Paano mo nga nalaman?” “Kumuha ako ng imbestigador para sundan ka sa mga ginawa mo buong araw kanina” “What?! Ginawa mo yon? Bakit naman..?” “Kasi nagdududa ako sa kilos mo na parang may tinatago” “What?!” sabay kunot ng noo ni Anthony “Ano ba ang pinagsasabi mo..? Wala akong tinatago” “Talaga? E sino ang lalaki na kasama mo kanina sa coffee shop..?” “Kaibigan..” sagot niya “Tumawag siya sa akin kaninang umaga at ibinalita niya na engaged na ang ex ko at ang partner niya. Yon lang yon. At tsaka nakipagkita siya kanina sa coffee shop dahil gusto niya na mag-usap kami ng personal” “Sinong ex? Si George?” hula ni Mike. Tumango naman si Anthony bilang sagot “Eh ano naman ang pakialam mo kung magpapakasal na sila?” “Wala naman. Ipinaalam niya lang naman sa akin” “Eh bakit nga pinaalam niya sa’yo? Sino ba talaga yan?” “Si Lucas. Ang dating assistant ni George” sagot ni Anthony. At nagpabuntong-hininga siya sa ginawa ng kanyang partner “I can’t believe na ginawa mo yon sa akin. Seriously? Kumuha ka pa talaga ng imbestigador?” “Hindi ko nga alam diba? Tinatanong nga kita kaninang umaga pero hindi mo naman ako sinasagot ng maayos” tanggol ni Mike sa kanyang sarili “Tapos ikaw pa ngayon ang may ganang magalit?” “So…?? Sapat ba na dahilan na gawin mo yon?” dugtong niya “Grabe ka ha. Pakiramdam ko tuloy na may ginawa akong hindi maganda” “Ikaw kasi eh. Parang iba ang kilos mo ngayon. Parang may iba ka” “Haay naku” buntong-hininga ulit ni Anthony “Praning ka lang. Marami kasi ang tumatakbo diyan sa utak mo” “Talaga lang ha..?” “Oo. Kasi alam ko na ganyan ka” Hindi nagtagal si Anthony sa harap ni Mike at kaagad dumerecho sa kanilang silid. Samantala si Mike naman ay sinundan ang kanyang partner papunta sa silid. “Sandali. Kinakausap pa kita” sabay hawak ni Mike sa braso nito. “Bitawan mo ako, Mike” sambit ni Anthony habang nakatingin sa braso niya na hinahawakan ng mahigpit ni Mike “Ayaw ko munang kumausap sa’yo dahil sobra akong nasaktan sa ginawa mo. Para kasing wala kang tiwala sa akin eh. Pinabantayan mo ako sa imbestigador?? Seryoso ka? Ganyan ka ba ngayon kapraning para magawa mo yan..??” Parang nahimasmasan si Mike sa mga sinabi sa kanya ng kanyang partner. Inaamin niya nga na nasobrahan ito sa pag-iisip kay Anthony at ginawa niya iyon. Walang sabi-sabi ay niyakap na lang niya si Anthony ng sobrang higpit at nagsisisi sa kanyang ginawa. “Babe. I’m sorry. Hindi ko sinasadya ang ginawa ko sa’yo” iyak niya kay Anthony “Marami lang kasi tumatakbo sa utak ko ngayon eh. Pasensiya na kung nagawa ko yon. Mahal lang kasi kita at ayaw kong mawala ka sa akin” “Matulog ka na at magpahinga” utos niya dito “Pagod lang yan” Kaagad niyang kinuha ang mga braso na nakapulupot sa kanyang balikat. Dumerecho at pumasok siya sa kanilang silid. Habang siya naman ay nakatayo pa rin at tumutulo ang kanyang mga luha. Talagang nagsisisi siya talaga sa ginawa niya kay Anthony. *** Kinabukasan. Maagang nagising sina Jeff at Nathan upang maghanda na dahil papasok sila ng maaga sa kanilang mga trabaho. Habang kumakain sila ng agahan ay sakto din na bumababa na si Sky at parang nakabihis na rin at handa na umalis at papasok sa trabaho. “Papasok ka na ngayon sa DGC, nak?” pansin ni Jeff kay Sky habang bumababa ito. “Opo Papa. Matagal na rin na hindi ako nakapasok eh” sagot niya sa ama “Nakakahiya naman sa mga empleyado natin kapag malaman nila na ang may-ari ay hindi pumapasok sa trabaho” “Wow” dugtong ni Jeff “Bait naman ng anak ko. Pero actually, okay lang naman na hindi ka papasok eh. Dahil ikaw ang may-ari. May karapatan ka kung anong oras at kahit kailan ka papasok” “Kahit na Papa. Hindi naman ako ganon ka-abusado” sabay yakap niya sa ama “Sige na Papa. Hayaan mo na ako na pumasok” “Sige” sagot ni Jeff “Wala naman akong magagawa eh” at kaagad silang tumayo ni Nathan at tapos na sila kakain “Mauna na kami anak. Papasok na kami sa trabaho. Kumain ka na diyan” “Sige po. Mag-ingat kayo ni Daddy” “Salamat Sky” sagot naman ni Nathan “E ikaw? Ano ba gagamitin mo na sasakyan mamaya?” dugtong ni Jeff “Hindi po ako gagamit ng sasakyan, Papa. Susunduin ako dito ni Calvin” “Ahh. Sige. Basta mag-ingat kayo ha” “Okay po, Papa. Kayo din” Umalis silang dalawa at pupunta na sa kanilang mga trabaho habang si Sky naman ay kumain na ng kanyang agahan. Habang nagliligpit siya ng kanyang pinagkainan ay kakababa lang ni Stephen. Nadatnan niya ang dati niyang nobya na nagliligpit ng pinagkainan. Kaagad siyang nagtungo sa direksyon ni Sky para tulungan ito. “Sky. Ako na diyan” “Ako na. Kaya ko naman” “Sige na. Ako na lang ang maghugas diyan” “Huwag na, okay? Kaya ko nga eh. Kinaya ko nga nung iniwan mo ako, ito pa..??” “Sorry..” tanging sagot ni Stephen “Wala ba katulong para gawin yan?” “Meron. Andoon siya sa labas, naglalaba ng mga damit” sagot niya “Ayaw ko naman na istorbohin siya dahil importante din ang ginagawa niya” “Ahh. Ganon ba? Kaya pala” dugtong niya “Oo nga pala, maiba ako. Hindi ka ba papasok ngayon sa trabaho? Plano ko kasi na lumabas tayo eh. Kahit sa mall lang. Kung okay lang sa’yo” “Huwag na. Papasok na kasi ako ngayon” “Talaga? Sayang naman. Kahit sandali lang sana” “Huwag na nga. At isa pa, busy ako ngayon” tigas na sagot nito kay Stephen “Iba na lang ang yayain mo” “Hmmm. Okay. Basta sabihin mo lang sa akin kung kailan ka pwede ha? Para ma-adjust ko schedule ko” “Okay” sabay punas ni Sky sa isang towel “Magbibihis na ako. Susunduin kasi ako ni Calvin dito” Hindi nakasagot si Stephen dahil nagmamadaling umalis sa kanyang harapan na si Sky. Nagulat din siya sa sinabi nito na susunduin siya ng kanyang nobyo sa mansyon. At hindi niya alam kung ano ang gagawin kapag makita niya si Calvin, ang taong umagaw sa kanyang nobya. *** Lumipas ang isang oras ay may narinig si Stephen na busina ng sasakyan sa labas ng mansyon. Kaagad siyang lumabas upang tignan kung sino ang taong nasa labas. Nang pagkalabas niya ng gate ay nakita niya ang isang lalaki na nakatayo at nakasandal sa kanyang sasakyan. “Good morning, pre. Ano ang kailangan natin..?” tanong ni Stephen sa kanya. “Pakitawag nga si Ma’am Sky mo” utos ni Calvin sa kanya “Sabihin mo na nandito na si Sir Calvin sa labas at naghihintay sa kanya” “I beg your pardon?” kunot ng noo ni Stephen. “Oh bakit? May angal ka?” sabay lapit ni Calvin sa mukha ni Stephen “Sundin mo na lang ang utos ko, kung ayaw mo isumbong kita sa amo mo” Nainsulto si Stephen sa mga salita na binibitawan sa kanya ng nobyo ng kanyang ex. Ito pala ang lalaki na pinagpalit ni Sky sa kanya? “Huwag mo akong bastusin. Hindi mo kilala kung sino ang kaharap mo, Calvin” “E sino ka ba..?” pang-iinsulto niya kay Stephen “E tauhan ka lang naman dito at binabayaran ka ng may-ari na mismong GIRLFRIEND ko. Bakit ang yabang mo?” Nanlilisik ang mga tingin nila sa isa’t-isa at parang gusto nila saktan ang isa’t-isa. Sakto din na lumabas na si Sky at nakita niya ang paghaharap ng dalawa. Kaagad siyang nagtungo dito upang pigilan ang dalawa sa kanilang banggaan. “Tart.. Andito ka na pala. Let’s go?” hindi pa rin maalis ang pagkatitigan ng dalawa. Walang nagawa si Sky kundi tumingin na lang kay Stephen “Stephen. Please. Pumasok ka na. Aalis na kami ni Calvin” “Teka..” sabay sulyap ni Calvin sa kanya “Si Stephen ‘to? Ang ex mo?” “Oo Tart. Siya” sagot naman ni Sky na parang hindi makatingin sa mga mata nito “Tayo na Tart. Ihahatid mo pa ako diba” “Teka nga lang… Bakit hindi mo sinabi sa akin na nandito na pala ang lalaking yan?!” sabay duro niya kay Stephen. “Eh ano naman kung nandito na ako…??” sabat ni Stephen “Kailangan ba na nirereport parati ng girlfriend mo ang mga ginagawa niya at ang mga taong nakapaligid sa kanya.?” “Hindi kita kinakausap ha. Kaya tumahimik ka” sabay pakita niya ng kanyang kamao “Pwede ba..? Itigil niyo na yan” dugtong ni Sky at nagpagitna siya sa dalawa “Parang wala kayong pinag-aralan sa mga sinasabi ninyo. Itigil niyo na ‘to” at tumingin siya kay Stephen “Ikaw. Pumasok ka na. Sa susunod, huwag kang mangialam na buksan ang gate kung hindi naman para sa’yo” at tumingin din siya sa nobyo na si Calvin “At ikaw… Umalis na tayo dahil late na ako sa opisina” Kaagad umalis si Sky sa kanilang harapan at nagmamadaling sumakay sa sasakyan ni Calvin. Samantala si Calvin naman ay nakatingin pa rin kay Stephen “Pasalamat ka dahil pinigilan ako ng girlfriend ko. Kung hindi…” “…Kundi ano?? Susuntukin mo ako? Hindi ako natatakot sa’yo” “Huwag mo akong subukan, Stephen. Hindi mo alam kung ano magagawa ko sa taong sumasagabal sa akin” sambit niya “Ito lang ang sasabihin ko sa’yo, kung may plano ka man na balikan si Sky, huwag mo nang ituloy dahil akin lang siya” “E paano kung ayaw kong sumunod sa’yo..?” “Edi papatayin kita. As simple as that” natigilan si Stephen sa pagbabanta sa kanya ni Calvin dahil nagulat talaga ito “Kaya pag-isipan mo ng mabuti ang bawat hakbang mo dahil hindi mo magugustuhan makalaban ako. Okay?” ngiti niya sa dating nobyo ni Sky. Dumerecho kaagad si Calvin sa sasakyan at sumakay ito. Pinaandar niya ang sasakyan at kaagad umalis. May halong galit at takot ang dinadama ngayon ni Stephen kay Calvin dahil hindi niya inaasahan ang totoong pagkatao at ugali nito. Mas buo na ang kanyang loob na kunin niya si Sky sa lalaking iyon dahil nalaman niya ang totoo kay Calvin. *** Samantala. Sa bahay nina Mike at Anthony. Tahimik ang hapagkainan habang kumakain sila ng agahan ang mag-partner. Nakatingin lamang si Mike kay Anthony na parang maamong tupa. “Babe..” basag ni Mike ng katahimikan “Sorry. Sana mapatawad mo pa ako sa ginawa ko sa’yo” pero hindi sumagot si Anthony at patuloy pa rin ang kanyang pagkain “Babe… sumagot ka naman oh. Sorry na” “Ano pa ba ang gusto mong sasabihin ko..?” sabat niya kay Mike “E kahit anong paliwanag ko, hindi ka pa rin naniniwala diba?” “Sorry na nga, babe. Hindi na mauulit. Sana bigyan mo pa ako ng pagkakataon” “Alam mo.. tumahimik ka na lang muna” sabay tingin niya sa partner “Ayaw kong marinig ka o makita man lang kasi sobra mo akong nasaktan” “Pero babe…” “Please, just give me time and space” hindi nakasagot si Mike sa pabor na ibinigay ni Anthony. Kaagad itong tumayo at iniligpit ang kanyang pinagkainan “Kung mahal mo nga ako, bigyan mo ako ng panahon para makapag-isip sa ginawa mo sa akin” Itutuloy…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD