TCG: Chapter 14 (Si George)

2741 Words
Kakatapos lang kumain ni Sky ng agahan at dinala niya ang kanyang pinggan sa kusina para mahugasan na ito. “Sky…!” Laking-gulat niya nang may biglang nagsalita sa likod niya “Ay kabayo!!” at lumingon siya upang tignan ang taong gumulat sa kanya “Shocks… ikaw lang pala, Stephen. Ginulat mo ako!!” “Hindi ka pa rin talaga nagbabago” ngiti ni Stephen sa kanya “Magugulatin ka pa rin” “So sinadya mo??” pagtataray ni Sky “Of course not. Ikaw lang kaya ang nagulat. Mali-mali ka kasi” “Hmmff! Ewan ko sa’yo” pagmamaktol niya “Huwag ka ngang makulit diyan. Naghuhugas ako ng pinggan ko eh” “Maiba ako Sky, ano ba ang inutos sa’yo ni Tito?” “Wala lang…hindi na kasi pumapasok si Mike sa opisina” kuwento niya kay Stephen “Nag-aalala lang si Papa sa kanya” “E anong nalaman mo kung bakit hindi siya pumapasok?” “Meron lang siyang problema sa kanyang asawa” “Asawa..??” ulit ni Stephen na parang hindi makapaniwala sa narinig mula kay Sky “May asawa na si Mike?” “Ahhm. Oo. Meron na siyang asawa.” “Talaga? Kailan lang? Hindi ko alam yun ah” dugtong ni Stephen at may bigla siyang may naalala tungkol kay Mike “Asawang babae..?” “Oo. Asawang babae” “Talaga? Hindi ko kasi akalain na makapag-asawa siya. Akala ko kasi katulad siya nina Daddy at Tito eh” “What do you mean? Na bisexual din si Mike?” pagkaklaro ni Sky kay Stephen “Paano mo naman nasabi yan?” “E kasi nung araw na umuwi ako dito. dumerecho ako sa opisina niya” kuwento ni Stephen kay Sky “Tapos nung pagpasok ko, nakita ko siyang may kayakapna lalaki” “Ganon?? Magkayakap lang, bisexual agad? Hindi ba pwedeng magkaibigan lang?” “Hindi eh. Para kasing ang intimate ng yakapan nila” pag-alala ni Stephen sa araw na iyon “Baka may tinatago siya sa inyo Sky. Baka tinatago niya ang totoo niyang pagkatao sa inyo ni Tito Jeff at nagkukunwari lang siya na may asawa” doon natahimik si Sky sa mga sinabi sa kanya. Nahalata na din pala ni Stephen iyon? Gusto niyang sabihin ang nalalaman niyapero nangako siya kay Mike na huwag na huwag itong ipagsasabi sa iba. “Ahmm. Sky?? Bakit natahimik ka?” “Ha? W-wala Stephen” sagot ni Sky “Iniisip ko lang ang problema ngayon ng pinsan ko at kung paano ko siya matutulungan” “Yun nga eh. Hindi ka ba nagdududa sa mga kilos niya habang doon ka sa bahay niya? May napansin ka ba na makapagsasabi na may karelasyon siya na lalaki?” “Wala naman akong napansin. At hindi ganyan si Mike” tanggol ni Sky sa pinsan “At kung totoo man ang mga teorya mo, eh ano ngayon?? Tanggap ko pa rin ang pinsan ko kahit ganon siya” biglang pagtaas ng boses ni Sky. “Oooh okay. Kumalma ka lang. Nagsasabi lang naman ako sa observation ko sa kanya. At hindi ko naman siya hinuhusgahan eh” paliwanag ni Stephen “Teorya ko lang naman yun. At hindi naman ako kontra sa totoong sekswalidad niya at handa naman ako na tanggapin siya eh. Sa totoo lang, sa lahat ng mga tao na nasa paligid niya, tayo pa nga ang mas makakaintindi sa pinagdadaanan niya eh, kasi ganyan din ang mga ama natin diba?” “Kung sa bagay. Tama ka” buntong-hininga ni Sky at katatapos lang maghugas ng kanyang pinagkainan “Well. Alis na ako, Steph. Pakisabi na lang sa mga magulang natin na umuwi ako dito at baka hindi ako mamaya makauwi mamayang gabi.. or better yet, ako na lang ang magsasabi kay Papa dahil papasok muna ako sa opisina” “Bakit? Saan ka ba pupunta after office?” “Baka doon muna ako matulog sa bahay ni Mike” paliwanag niya “Sasamahan ko muna siya dahil mag-isa lang siya doon” “Ahhh. Ganon ba. Sige Sky. Mag-ingat ka lang” “Salamat. Ikaw din” Kaagad umalis si Sky sa harapan ni Stephen ng nakangiti. Pero bigla niya muli itong tinawag. “Ahhmm. Sky?” “Yes?” lingon niya muli kay Stephen “Yung tungkol kahapon. Kay Calvin… sorry pala” “Okay na yun. Hindi naman ako galit sa’yo eh” dugtong niya kay Stephen “Basta sa susunod, umiwas ka na lang sa kanya dahil masyadong mainitin ang ulo niya eh” “Sige Sky. Masusunod. Sorry ulit” “Huwag ka nangang magsorry. Sige na. Alis na ako” ngiti niya ulit at kaagad siyang lumakad palabas ng mansyon. Habang lumalakad si Sky palabas ng mansyon ay nakatingin naman sa kanya si Stephen na abot-tenga ang kanyang ngiti. Dahil kahit papaano ay nagkaayos na sila ng dating nobya. *** Dakong ala-una ng hapon. Sa opisina ni Sky sa DGC. Nakaupo lang siya sa kanyang office table habang binabasa ang mga report sa kanyang laptop. Hindi niya namalayan na pumasok na pala ang assistant ni Jeff na si Gwen sa opisina. “Good afternoon po, Ma’am Sky” bati ni Gwen “Sorry po kung pumasok ako ng walang pahintulot. Nakabukas po kasi ang pinto ng office ninyo eh” “It’s okay, Gwen. Don’t need to say sorry” sabat naman niya “Bakit ka pala naparito?” “Tinatanong kasi ng Papa ninyo, si Sir Jeff, na kung kamusta na po si Sir Mike” “Ahh. Yun lang ba?” “Yes Ma’am” “Ahh. Sige Gwen. Ako na lang ang pupunta sa opisina ni Papa” sagot nito kay Gwen “Salamat na lang sa pag-inform sa akin” “Okay po, Ma’am. Aalis na po ako” pagpaalam niya kay Sky “And pakisabi na lang kay Papa na I’ll be there in 5 minutes” “Okay po, Ma’am. Masusunod” “Sige Gwen. You may go” Ngumiti na lang si Gwen kay Sky at kaagad lumabas sa kanyang opisina. Habang si Sky naman ay pinatay na lang ang kanyang laptop at kaagad tumayo para pumunta sa opisina ni Jeff. *** Samantala. Sa opisina naman ni Jeff. May bisita si Jeff sa kanyang opisina at tila seryoso ang kanilang pinag-uusapan na dalawa. “Well. Sana inasahan mo ito dahil tutulungan naman kita kahit na papaano” sambit niya sa kanyang bisita na si George, na may-ari ng The Deluxe Suites Hotel “Kahit papaano naman ay naging magkaibigan tayo. Ayaw ko lang kasi sa lahat na ikaw pa ang may-ari tapos ikaw pa ang may pinakamaliit na shares. Hindi naman ako papayag na mapupunta sa kanya ang lahat ng pinagpaguran ng pamilya mo” “Tama ka, Jeff. May point ka talaga diyan” sagot naman ni George “Sa katunayan, si Zeek ang may pakana nito eh. Ang sabi niya kasi sa akin na kausapin kita ng mabuti, dahil baka sakali ay magbago ang desisyon mo kung sasabihin sa’yo ang totoo. Tama talaga siya, mabuti na lang ay nakinig ako sa payo niya sa akin” “Really?? Mabuti naman kung ganon” sagot ni Jeff “I admit, matalinong bata si Zeek. Alam ko yan dahil nakikita ko sa mga mata at sa kanyang kilos… at hindi naman ako nagkamali” “Oo nga eh. Swerte talaga ako sa kanya. Kahit may pinagdadaan kami ngayon sa relasyon namin, proud na proud pa rin ako sa kanya” “I’m so happy for you George” ngiti ni Jeff sa kanya “Don’t worry, malalampasan din ninyo ang pinagdadaanan ninyong problema. Normal lang yan na mag-away ang magkarelasyon” “I know. May tiwala ako na malalampasan namin ito” “Of course, you will. Andito lang ako kapag may kailangan kayo sa akin, kahit buhay pag-ibig o negosyo man yan” “Salamat Jeff.. I mean sa lahat-lahat ng tulong mo sa akin” “You’re welcome” ngiti niya kay George “Anyways… pakihintay na lang ang abugado ko dahil pagkatapos nun ay pipirma na tayo na ni-revised na kontrata” “Sige. Maghihintay ako dito” Sakto naman ay pumasok si Gwen sa opisina. “Excuse me po, Sir Jeff..” “Yes Gwen? Ano ang sinabi sa’yo ng anak mo?” “Ahmm. Siya na lang po daw ang kakausap sa’yo tungkol po doon, Sir” paliwanag niya kay Jeff “Papunta na po siya dito” “Ahh. Ganon ba? Sige Gwen. Maraming salamat” “Meron pa ba kayong may ipag-uutos, Sir?” “Wala na Gwen. Pwede ka nang lumabas” Kaagad naman lumabas ang assistant ni Jeff sa opisina. Naiwan sina Jeff at George sa loob ng opisina at ipinagpatuloy ang kanilang usapan. Magkalipas ng ilang sandali ay pumasok si Sky sa opisina, Nakita niya na may kasama pala ang kanyang ama at parang importante ang kanilang pinag-uusapan. “I’m sorry. May ka-meeting ka po pala, Papa” “No. we’re nearly done naman” sagot ni Jeff “Halika dito anak. Pakilala kita sa bisita ko” sabay lapit naman ni Sky sa dalawang nakaupo “Mister Salcedo, this is my daughter, Sky. The owner of Dy Group of Companies. And Sky, this is Mister George Salcedo, owner of The Deluxe Suites Hotel” “Ahh. Ikaw pala yun” sambit ni Sky at may biglang naalala “Ikaw ang nag-request ng meeting nung isang araw” “Yes Ma’am. Ako nga yun” sabay kamay nila sa isa’t-isa. “So, kamusta na? Any progress?” “Yes anak” sabat naman ni Jeff sa usapan ng dalawa “Hinintay lang namin si Atty. Villanueva for the legality ng pinag-usapan namin. Para mapirmahan na namin ang kontrata ngayon” “Ganon ba..?” sulyap niya muli kay George “Good good. Welcome to the group, Mister Salcedo” “Thank you, Miss Dy. It’s a pleasure na makatrabaho ko ang Dy Group of Companies” “No. Don’t call me ‘Miss’ or ‘Ma’am’. Just call me Sky” “Bakit? That’s so informal. Andito tayo sa building ninyo” “I know. Pero hindi lang kasi ako sanay na tinatawag ako ng ganon lalung-lalo na sa kapwa kong negosyante” “Ganon talaga ang anak ko, George” sabat ulit ni Jeff sa usapan “Masyado lang kasi siyang humble” “Well. I can say na may pinagmanahan si Miss… I mean si Sky ng ugali” sabay tingin ni George kay Jeff nang nakangiti. Nakita naman ito ni Sky na tingin nito sa kanyang ama at kaagad niyang pintutol ang kanilang usapan “Oo nga pala, Papa. Ano po ang tanong ninyo sa akin..?” “Wala naman anak. Gusto ko lang makibalita kung kamusta na ang pinsan mo” “Yun nga Papa eh. Mabigat ang problema niya ngayon. Tungkol po ito sa kanilang mag-asawa” kwento ni Sky sa ama “Baka hindi pa rin siya makapasok ng ilan pang mga araw” “Ano ba ang problema nilang dalawa?” “Iniwan po siya ng asawa niya, Papa. Lungkot na lungkot siya ngayon dahil iniwan siya sa ere” “Talaga? Kawawa naman ang pamangkin ko” sambit ni Jeff “Pakisabi na lang sa kanya na maging matapang siya sa pinagdadaanan niya ngayon. Papayag na lang ako na wala muna siya sa meeting. Wala naman akong magagawa eh” “Bakit Papa? Hindi ba kayo natuloy kahapon?” “Hindi eh. Kinancel ko dahil importante sana kung andoon si Mike sa meeting” paliwanag ni Jeff “Pero okay na lang. Sasabihin ko na lang sa Board na hindi siya makadalo dahil may prior commitment siya” “Opo Papa. Tama po kayo diyan. Bigyan mo muna siya ng oras at panahon si Mike” “Gagawin ko talaga yon dahil tulad nga ng sinabi ko sa’yo, bigyan natin siya ng importansiya dahil tayo na lang ang natirang pamilya niya” “Yun nga po Papa eh. Magpapaalam po sana ako sa’yo” “Para saan anak?” “Kung okay lang po sana na doon muna ako sa kanya. Kahit ilang araw lang po Papa” pagpapaalam niya sa ama “Gusto ko lang kasi na samahan siya dahil mag-isa lang siya sa kanyang bahay” “Ganon ba? Sige anak. Walang problema” pagpayag ni Jeff “Basta tapusin mo lang ang trabaho mo dito bago ka pumunta sa kanya, okay?” “Okay po Papa. Salamat sa pagpayag” ngiti ni Sky sa kanya “Sige po. Balik na po ako sa opisina ko” “Sige Sky” “Bye Papa” at sumulyap din siya kay George na kanina pang nakikinig sa usapan nila “Goodbye Mister Salcedo. Sana makausap pa kita ng mas matagal” “Looking forward to that, Sky” “… And have fun dito sa amin” “Sige Sky. Don’t worry. I will” Kaagad dumerecho si Sky sa pintuan at lumabas na ng opisina. Samantala silang dalawa naman ay pinagpatuloy ang kanilang usapan tungkol sa plano ni George sa DGC. Hinihintay din nila ang abugado ni Jeff para maging legal na ang kanilang magiging kontrata. *** Dakong alas-sais ng gabi nang matapos si Sky ng kanyang mga gawain sa kanyang opisina. Doon na siya nagdesisyon na mag-ayos ng sarili at dederecho sa bahay ng pinsan para samahan niya ito. Pero bago siya umalis ay pumunta muna siya sa kanyang ama para makapagpaalam ito ng maayos. “Good evening, Papa” bati ni Sky habang lumalakad siya papasok ng opisina ni Jeff. “Oh Sky. Tapos ka na sa trabaho mo?” “Opo Papa” sagot niya “Magpapaalam lang sana ako sa’yo na aalis na ako” “Ahh.. Sure. Pwede ka nang umalis” sambit ni Jeff “Baka kailangan ka na ni Mike doon” “Sige po, Papa. Alis na po ako” “Sige anak. Mag-iingat ka sa pagmamaneho” Bago lumabas si Sky ay may bigla na naman siyang naalala tungkol kanina “Ahmmm. Papa?” “Yes..?” sagot niya habang may binabasa sa kanyang laptop. “May nakalimutan ka, anak?” “Wala naman po. Pero may itatanong sana ako sa’yo. Papa” “Ano yun, Sky?” “Tungkol po ito kasi kay Mister Salcedo” “Kay George…??” ulit ni Jeff “Bakit naman anak? May problema ka ba sa kanya?” “May bumabagabag kasi sa akin Papa eh” panimula ni Sky “Nakita ko kasi kanina na malagkit ang tingin niya sa’yo. May namamagitan ba sa inyo ni Mister Salcedo?” “What..??” sabay halakhak ng todo ni Jeff sa narinig mula sa kanyang anak “Seryoso ka Sky?” “Opo Papa. Para kasing may gusto siya sa’yo eh. Tapos ikaw naman, parang nagpapakita ka rin ng motibo sa kanya” “Sky ha… watch your words ha. I’m still your father” “Sorry po Papa” “It’s okay anak” sagot naman ni Jeff sa kanya “Well. Just to clear your doubts. No. Walang namamagitan sa amin dahil magkaibigan lang kami ni George. Yes. Naging kami nung high school pero matagal na panahon na iyon” “Ahhh. Kaya pala…” “Yes. Yun ang rason kung bakit ganyan siya makatingin sa akin” “Ganon pala yun” sabay ngiti ni Sky sa kanyang ama “Sorry Papa kung napagdudahan ko kayo” “It’s okay anak. Hindi mo rin alam eh. Ang importante naman ay nagtanong ka bago ka mag-assume sa amin” sagot ni Jeff “Sige na Sky. Gumagabi na. Kailangan na ni Mike” “Sige po Papa. Alis na ako” Hindi sumagot si Jeff sa muling pagpaalam ni Sky sa kanya dahil mabilis itong lumakad palabas ng opisina. Itutuloy…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD