Nakaupo pa rin si Mike sa paborito niyang lugar sa sala. Ito ay walang iba kundi ang sahig. Nakasandal siya sa paanan ng sofa habang nakatulala pa rin at hindi makapaniwala na wala na sila ng kanyang pinakamamahal na si Anthony.
“Wala na talagang nagmamahal sa akin” iyak ni Mike habang umaagos ang kanyang mga luha sa mukha “Kahit lalaki o babae man, pinili nila ako na iwan sa ere. Ang sakit-sakit. Sobrang sakit” at kinuha niya ang bread knife na nakalatag sa center table ng sala “Mabuti na lang siguro na tapusin ko na lang ang buhay ko. Tutal, wala namang nagmamahal sa akin eh”
Unting-unti na nilalapit niya ang talim ng kutsilyo sa kanyang braso nang may biglang tumakbo at pinigil ang kanyang tangkang pagpapakamatay.
“Cous. Huwag mong gawin yan!!” sabay kuha ni Sky sa kamay ng pinsan at itinapon sa malayo ang kutsilyo “Ano ka ba? Gusto mo bang magpakamatay? Ganyan na ba kababa ang tingin mo sa sarili mo…?”
“Pabayaan mo ako..” iyak ni Mike habang nagsimula nang gumapang sa sahig papunta sa direksyon ng kutsilyo “Kailangan ko nang mawala sa mundong ito”
“Ano ba ang nangyayari sa’yo cous?” sabay habol ni Sky sa pinsan at kinuha niya agad ang kutsilyo bago pa ni Mike maabot “Magpapakamatay ka…? Para ano? Para masayang lang ang buhay mo sa walang kwentang tao…?”
“Wala nang nagmamahal sa akin…” iyak niya at humiga ito sa sahig “Iniwan nila ako lahat. Silang lahat. Wala na talaga akong kwenta”
“Ano ka ba… nagkakamali ka cous” hindi pagsang-ayon ni Sky sa kanyang sinasabi “Andito kami ni Papa. Kami na pamilya mo na nagmamahal sa’yo”
Pero hindi niya pinansin ang paalala sa kanya ng pinsan at pinagpatuloy pa rin niya ang kanyang pag-iiyak.
“Gusto ko nang mamatay. Please. Ibigay mo na yan sa akin ang kutsilyo. Gusto ko nang kitilin ang buhay ko”
“Naririnig mo ba ang sarili mo…? Magpapakamatay ka sa taong yan? He doesn’t deserve it, cous” sabay luhod sa tabi ng pinsan “Cous. Maawa ka naman sa sarili mo oh. Bigyan mo naman ng value ang sarili mo. Mahal ka namin”
“Pero hindi niya ako mahal”
“E ano ngayon? Hindi siya deserving sa pagmamahal mo, cous” pagpapatuloy pa ni Sky sa kanyang pagpayo “Hindi siya para sa’yo. Makakahanap ka rin ng para sa’yo. Maybe it’s a good thing na wala na kayo dahil merong tao ang mas karapat-dapat para sa pagmamahal mo”
“Nasabi mo lang yan dahil wala ka sa posisyon ko” dugtong ni Mike habang dumadaloy ang luha niya sa gilid at dumerecho sa tenga bago tumulo sa sahig “Madaling mag-advice dahil hindi mo naranasan ang nararamdaman ko ngayon”
“No. Nagkakamali ka” tanggol ni Sky sa sarili “Nangyari na ito sa akin. Naalala mo? Noon kay Stephen?” paalala ni Sky “Iniwan niya ako sa ere dahil wala na daw akong oras at panahon sa kanya. Masyado akong nasaktan noon dahil sa ginawa niya” kuwento nito sa pinsan “Pero wala akong magagawa at kailangan kong tumayo para sa sarili ko dahil na-realize ko na may mga tao pa na nagmamahal sa akin. Iyon ang pamilya ko” sabay tulo ng luha ni Sky habang inaalala niya ang nangyari sa kanya “Kaya sinasabi ko sa’yo ito dahil ayaw kong maranasan mo ang naranasan ko noon dahil sobrang sakit. Dahil mahal na mahal kita, cous. Ayaw kitang nakikita na ganito”
Biglang natahimik si Mike sa mga sinabi sa kanya ng pinsan. Talagang natamaan siya sa pinsan. Bumangon siya sa sahig at tinignan ng mabuti si Sky.
“Hindi ko pala alam na ganyan mo pala ako kamahal Sky” sambit niya dito “Akala ko kasi na balewala lang ako sa inyo ni Tito eh. Salamat Sky” at hinawakan niya ang kamay nito “Salamat sa mga sinabi mo dahil napagtanto ko kahit papaano na may point ka. Wala siyang kwentang tao at hindi niya deserve ito. Pero mahal ko pa rin siya at hinding-hindi maalis iyon”
“Tama ka…” sabay tango ng ulo ni Sky “Hindi naman ganyan kadali na mabura agad sa puso mo ang taong mahal mo. Pero pilitin mo na kalimutan siya para maging okay ka na. Para naman sa’yo yan cous”
“I will cous. Don’t worry” gumaan ang nararamdaman ni Mike at kaagad niyakap si Sky ng sobrang higpit “Salamat dahil hindi mo ako sinusukuan”
“Masaya ako dahil kahit papaano ay okay ka na, cous” ganting yakap niya sa pinsan “Ipagpatuloy mo lang yan”
“I know. At kailangan kong gawin ito”
“Very good cous” ngiti niya “So okay ka na? Pwede na ba tayong kumain?”
“Hindi pa ako nakapagluto eh. Pasensiya na”
“Okay lang. Bumili ako ng lechong manok bago ako pumunta dito” doon tumayo si Sky “Tumayo ka na diyan, cous. Kukunin ko lang ang ulam sa loob ng sasakyan. Nakalimutan kong dalhin eh”
“Ahh. Sige cous. Andito lang ako”
“Promise? Diyan ka lang ha. Huwag mong patayon ang sarili mo…” biro ni Sky
“Don’t worry, cous. Hindi ko na gagawin yan”
“Good” dugtong ni Sky “Labas muna ako”
Kaagad siyang lumabas ng bahay at ng gate at pumunta sa kanyang kotse para kunin ang binili niyang ulam kanina. Si Mike naman ay dumerecho sa hapagkainan at doon hinintay ang pinsan.
***
Kinabukasan. Sa silid nina Jeff at Nathan.
Kagigising lang ni Jeff at nakaupo siya sa kama habang nakatitig sa sahig na parang malalim ang kanyang iniisip.
“Babe? Are you okay?” sabay bangon ni Nathan sa kama “Parang hindi ka gumagalaw diyan ah”
“Sorry babe. May iniisip lang”
Kaagad naman tumayo at lumibot si Nathan para puntahan si Jeff sa kabilang side ng kama. Doon siya lumuhod sa harapan ng asawa habang nakatingin ito sa kanya.
“Tell me…” sabay kuha ni Nathan ng isang kamay ni Jeff at hinalikan ito “What’s bothering you?”
“Yung kahapon. Yung sinabi ni Stephen tungkol kay Calvin..”
“Bakit? Sumama ba ang loob mo sa sinabi ng anak ko sa nobyo ng anak mo? Teka lang. Kakausapin ko siya”
“No. Hindi babe” pigil niya sa asawa “Hindi sumama ang loob ko kay Stephen”
“Then what? Bakit bagsak ngayon ang mukha mo dahil doon?”
“Naisip ko lang kasi, what if kung totoo ang sinabi ni Stephen?” sambit niya “What if kung totoo nga na nagpapanggap lang siya ng kanyang ugali…?”
“Paano mo naman nasabi na totoo ang sinabi ng anak ko kay Calvin?”
“Kasi nakita at narinig ko sila kahapon sa monitor ng CCTV. Nung inihatid siya ni Mike dito” kuwento niya kay Nathan “Narinig ko lahat ang usapan nila, lalung-lalo na ang pangbabastos niya kay Mike”
“Alam na ba nito ng anak mo ang tungkol dito?”
“Hindi pa. Pero hindi pa ako sigurado na totoo nga ang iyon. Baka nag-away lang sila kaya nasabi iyon ni Calvin” sagot ni Jeff na parang hindi pa sigurado kahit narinig at napatunayan niya na ang ugali ng nobyo ng anak “Hahanap pa ako ng mas matibay na dahilan o ebidensya para maniwala na ako na totoo ang sinabi ni Stephen”
“Tama ka babe. Baka naman nadala lang si Calvin dahil nag-aalala siya kay Sky. O baka naman may problema silang dalawa” sabay halik muli ni Nathan sa kamay ng asawa “Huwag muna tayo makialam at sumali sa away nila”
“Sige babe. Tama ang sinabi mo” pagsang-ayon ni Jeff sa mungkahi ni Nathan “Huwag muna tayong sumali sa away ng mga anak natin”
Kaagad tumayo si Nathan at dahan-dahan hinila ang braso ng asawa “Tara na babe. Tumayo ka na diyan”
“Saan babe?”
“Sa banyo. Sabay tayo maligo” ngiti nito sa asawa “Matagal na kasi na hindi mo nalilinis ang tubo ko… I mean ang katawan ko eh”
“Naku. Ayan ka na naman babe ehh” ngiti din ni Jeff
“Ayaw mo ba?? Sige. Kung ayaw mo, okay lang sa akin” pagtatampo ni Nathan sa asawa.
“Heto na nga babe. Eto naman. Mabilis magtampo eh” kaagad tumayo si Jeff at lumakad papunta sa kanilang banyo “Tara na babe. Maligo na tayo. Lilinisin ko na ang nakabara sa tubo mo…”
Walang sabi-sabi ay sinundan ni Nathan si Jeff patungo sa banyo. Nang pagpasok nila ng banyo ay hinalikan niya ito sa labi ng sobrang diin na parang miss na miss niya ang kanyang asawa.
***
Samantala. Sa bahay ni Mike.
Maaga ding gumising si Sky dahil gusto niya na siya ang magluluto ng agahan para sa kanyang pinsan.
“Good morning, cous..!!” sigaw ni Sky habang lumalapit si Mike sa kanya sa kusina “Breakfast is served. Kumain ka na” ngiti niya
“Thank you, cous. Salamat sa abala pero mamaya na lang ako kakain. Wala pa akong gana eh” sambit niya na parang hindi maipinta ang kanyang mukha.
“Cous naman. Huwag mo naman hayaan at pabayaan yang katawan mo” sambit ni Sky sa kanya “Kumain ka kahit kaunti lang. Sayang naman ang niluto ko”
“Sana hindi ka na lang nagluto cous eh” at bigla naman pumula ang kanyang ilong na parang iiyak ito “Sorry cous kung iiyak na naman ako. Naalala ko lang kasi si Anthony. Dahil siya ang nagluluto ng agahan namin eh. Namiss ko siya. Sobra”
“Cous. Wala na kayo diba? Tanggapin mo na lang sa sarili mo na hindi na mangyayari ulit ang mga ginagawa ninyo noon”
“Alam ko naman yan eh. Pero miss na miss ko lang siya at ang hirap mag-move-on kapag naalala ko siya parati at ang mga ginagawa namin dito araw-araw”
“Problema ba yun? Edi lumabas ka… pumasok ka sa opisina mo” payo ni Sky sa kanya “Oh ito na lang. Doon ka muna sa mansyon tumira. Para naman umiba naman ang kapaligiran mo. Mahirap kasi mag-move-on kung parating pinapaalala ng lugar na ‘to ang mga ginagawa ninyo noon”
“What?? No. Ayaw ko Sky” tanggi ni Mike sa alok ng pinsan “Baka malaman ni Tito Jeff ang totoong dahilan ng problema ko. Nakakahiya. Ayoko”
“Bakit naman? Tito mo naman siya”
“Ayaw ko nga, cous. Hindi pa ako handa na malaman ng iba ang totoo kong pagkatao” pagmamatigas ni Mike “Akala ko ba ay naiintindihan mo ako”
“Iniisip ko lang naman kung ano ang makabubuti sa’yo eh. Sige na cous. Sumama ka na sa akin sa mansyon at doon ka muna titira. Kahit isang linggo o isang buwan lang”
“E paano ang Papa mo..?”
“Kung hindi ka pa handa, i-dahilan mo lang ang dati mong dahilan sa akin noon” mungkahi ni Sky “… na nagkahiwalay kayo ng asawa mo”
“Hmmm. Sige. Susubukan ko. Pero tutulungan mo ako kapag nahahalata na si Tito ha?”
“Oo na. Ako na ang bahala dun” paniniguro nito sa kanyang pinsan “Sige na cous. Mag-empake ka na ng mga gamit mo at aalis na tayo pabalik ng mansyon”
“Ngayon na…?”
“Oo. Ngayon na. Bilisan mo na cous”
“Oo na…” at tumayo si Mike sa hapagkainan at dumerecho muli sa silid upang mag-empake ng kanyang mga gamit.
***
Dakong alas-diyes ng umaga ay nasa opisina na si Jeff at may inaayos sa kanyang mesa.
“Good morning, Sir” sambit ni Gwen habang papasok ng opisina. Tumingala naman si Jeff sa kanya habang nagsusulat “May bisita po kayo..”
Napakunot ng noo si Jeff dahil wala naman siyang inaasahan na bisita sa araw na iyon. Napalaki na lamang ang kanyang mga mata sa taong biglang pumasok. Isang kaibigan na matagal na panahon niya hindi nakita.
“Bes…!!!” sigaw ni Jacqui sa kanya habang tumatakbo papunta sa kanya “Kamusta ka na…?! I miss you so much”
“Ito… okay lang ako” yakap din ni Jeff sa kanya “Grabe. Sobrang na-miss kita Atty. Alonzo”
“Huwaw haa.. Iyon talaga ang tawag mo sa akin..??” sambit niya sa kaibigan “parang napaka-formal naman yan, bes. Parang hindi tayong magkaibigan ah”
“Sorry bes… nasanay lang kasi ako na pormal ang pagsasalita ko dahil puro professional ang kaharap ko parati”
“Hay naku bes. Masyado ka kasing workaholic eh” sambit sa kanya ng kanyang bestfriend “Kung ako sa’yo, lumabas ka naman kahit minsan. Diba? Yon lang ang parati kong sinasabi sa’yo kahit noon pa…?”
“E saan naman ako pupunta..? Aber..??”
“Clubbing. Lumabas ka kasama ng mga kaibigan mo. Ako”
“Seryoso ka?? Sa tanda natin ‘to, pupunta pa tayo sa mga ganyang lugar? Huwag na lang. Mas mabuti pa na matulog na lang ako ng maaga sa mansyon at magtrabaho kinabukasan”
“Ewan ko sa’yo, bes. Ikaw ang bahala” buntong-hininga ni Jacqui “Gumaya ka kaya sa akin. Nanggaling ako sa Barcelona, Spain last week lang. Nagbakasyon”
“Well. Good for you dahil nakapunta ka na doon”
“Oo nga bes eh. Sobrang ganda ng simbahan doon. Yung Sagrada Familia. Napaka-majestic ang architectorial design niya. Sana makita mo rin yun bes”
“Hay bes. Ilang beses na ako nakapunta diyan” buntong-hininga ni Jeff sa kanya “Doon ako tumira ng maraming taon sa Barcelona diba?”
“Ay.. oo nga pala. Doon ka nga pala dinala ng Papá mo noon” dugtong ni Jacqui “Oo nga pala, how’s Don Rolando?”
“He died five years ago. Mas nauna siyang namatay kay nanay”
“Oo nga pala. Nakalimutan ko. They got married ba?”
“Nope. Hindi natuloy ang kasalan nila” sagot ni Jeff habang binabalik ang mga nangyari noon “Ang sabi lang kasi ni nanay noon na wala namang kwenta ang kasalan yon dahil matanda na silang dalawa. Masaya naman sila kung ano sila noon”
“Talaga? Ang importante sa ngayon ay magkasama na sila sa langit. Not to mention your biological father ha. Dalawa ang lalaki ni Nanay Joyce sa taas. Ang ganda” sabay ngiti ni Jacqui.
Itutuloy…