TCG: Chapter 17 (Rage)

2576 Words
Kakarating lang ni Jeff sa mansyon at halatang pagod ito at kailangan niya nang magpahinga sa sofa. Habang lumalakad ito sa sofa, unting-unti niyang niluluwag ang kanyang kurbata, bumaba si Sky mula sa hagdan at pinuntahan ang ama. “Papa…” sabay halik ni Sky sa ama. “Oh Sky. Andito ka na..?” sambit ni Jeff na tila nagulat sa anak “Kamusta na ang pinsan mo doon? Okay na siya??” “Yun po ang rason kung bakit ako nandito Papa eh” “Bakit?” sabay kunot ng noo ni Jeff na tila nag-aalala sa sinabi ng anak “May nangyari ba kay Mike?” “Ang OA mo naman Papa. Wala po…” ngiti ni Sky sa ama “Magpapaalam sana ako sa’yo na kung pwede sana ay dito muna si Mike titira. Para maiba naman ang environment niya, kasi mas nagdadagdagan ang kanyang lungkot kapag doon lang siya sa kanyang bahay at nag-iisa” “Hay. Akala ko kung ano na” sabay hinga ng malalim ni Jeff “Sige anak. Walang problema sa akin. Saan na ba siya ngayon?” “Nandito na po siya sa mansyon. Magkasama kami kanina na umuwi dito, Papa” sagot niya sa ama “Nandoon po siya sa guestroom, nagpapahinga” “Ahh okay. Mabuti naman kung ganon, anak” “Pero Papa. Sure ka ba talaga na okay lang sa’yo na dito muna siya?” “Oo naman anak. Ayos lang talaga sa akin” paniniguro ni Jeff sa kanya “Pinsan mo si Mike at may karapatan naman siya na tumira dito” “Yes! Salamat po Papa” sabay yakap ni Sky kay Jeff “Teka po, Papa. Saan po si Daddy?” “Nasa trabaho pa niya, anak. Nagtext siya sa akin na mauna na lang daw akong umuwi” “Ahh. Ganon po ba..? Sige po Papa” paalam niya kay Jeff “Akyat muna ako sa kwarto ni Mike. Ipapaalam ko sa kanya na pumayag ka na” “Sige Sky. Ikaw ang bahala” Imbes na dumerecho si Sky sa hagdan, ay mas pinili niyang gamitin at sumakay sa elevator ng mansyon dahil para mas mabilis ang pag-akyat nito papunta sa kwarto ng pinsan. *** Makalipas ang isang oras ay nakatulog ng mahimbing si Jeff sa malambot at malaking sofa. Pagod na pagod nga kasi siya sa kanyang ginawang trabaho sa araw na iyon. Maraming problema kasi ang kanyang hinarap sa opisina lalung-lalo na sa Hidalgo Breweries na minana niya sa kanyang Papá. Idagdag pa ang sinabing balita ni Jacqui sa kanya na buhay ag totoong anak ni Don Rolando na si José Hidalgo at may balak pa itong pumunta ng Pilipinas para kausapin siya. Naalimpungatan siya sa kanyang masarap na tulog dahil sa ingay sa labas ng mansyon. “Manang..!!” tawag ni Jeff sa kanilang katulong “Ano ba ang maingay sa labas…?!” Kaagad bumangon at tumayo si Jeff mula sa sofa, at sa kanyang pagtayo ay mabilis na pumasok ang katulong mula sa labas na parang kinakabahan at namumutla ang kanyang labi. “Oh bakit? What’s wrong Manang?” “Si Sir Calvin po kasi…. pilit na sinisira ang gate ng mansyon” “What??!! Bakit hindi mo pinapasok?” “Eh kasi nagwawala Sir eh. Para kasing mananakit” paliwanag niya sa amo at tila nanginginig sa takot “Natatakot ako sa magagawa niya. Nanlilisik ang mga mata niya” “Talaga..?” pagkaklaro ni Jeff sa katulong. Pero hindi lang ito sumagot dahil sa sobrang takot “Sige na Manang. Pumasok ka na lang at ipagpatuloy mo na lang trabaho mo. Ako na lang ang lalabas at kumausap sa kanya” “Sigurado ka po ba Sir? Baka ano ang gawin niya sa’yo” “It’s okay Manang. Huwag kang mag-aalala sa akin” paniniguro ni Jeff sa kanya “Sige na. Maghanda ka na ng hapunan natin dahil andito na mamaya ang Sir Nathan mo” “Sige po Sir. Mag-iingat kayo” *** Samantala. Sa silid ni Mike. Nakaupo si Mike sa sahig habang nakasandal ito sa gilid ng kama. Tulala at nakatingin pa rin sa hangin. Nasa tabi nito si Sky at pilit na pinapawi ang lungkot ng pinsan. “Cous. Bumaba na kaya tayo. Para naman makalabas ka dito sa room mo at para makalanghap ka ng ibang hangin. Nakakalungkot kaya kapag dito ka lang maghapon” sambit ni Sky kay Mike “Nandoon na kasi sa ibaba si Papa eh. Kausapin mo siya, baka sakali maging okay ka” “Ilang beses ko bang sasabihin sa’yo na ayaw kong kausapin si Tito sa problema ko. Dahil baka madulas ako sa sasabihin ko sa kanya at mabisto niya ako” sabat niya na tila naiinis na sa pagiging makulit ng pinsan “Intindihin mo naman ako, Sky. Mahirap ngayon sa lugar at sa estado ko na aminin sa kanya ang lahat” “Sorry cous” himas ni Sky sa likuran ng pinsan “Hindi na mauulit. Nag-aalala lang kasi ako sa’yo eh” “Huwag mo lang akong pansinin, cous. Hayaan mo lang ako dito” dugtong ni Mike “Bumaba ka na dahil baka hinahanap ka ng Papa mo. Dito muna ako” “Ano ka ba… mas kailangan mo ako dito. Sasamahan kita dito, okay?” “Masyado na kasi kitang inaabala eh. Kaya hayaan mo na ako dito” “Ayaw ko…” pagmamatigas ni Sky “Sasamahan kita dito. Dito lang ako sa tabi mo” Doon na bumuhos ulit ang luha ni Mike dahil sa sobrang lungkot na dinadama niya. “Wala na kasing nagmamahal sa akin eh” sambit niya habang pinupunasan niya ang kanyang mga luha gamit ang kanyang kamay “Mapa-babae o lalaki, iniwan at sinaktan lang ako” “Cous naman. Pabayaan mo na sila” sambit ni Sky sa kanya “It’s their loss, not yours. Hindi nila deserve ang pagmamahal mo. Andito naman kami ni Papa, ng pamilya mo. Mahal ka namin” Naputol ang kanilang masinsinan na usapan nang may biglang kumatok ng sobrang bilis sa pintuan ni Mike. Kaagad tumayo si Sky upang tignan kung sino ang taong umiistorbo sa usapan nila. “Ma’am Sky” panimula ng kanilang katulong at namumutla pa rin sa takot. “Oh bakit Manang? Okay ka lang? Bakit para kang namumutla sa takot?” “Si Sir Calvin po kasi…” panimula ng katulong sa pagkuwento “Nasa labas ng mansyon. Nagwawala” “Ha? Nagwawala?? Bakit naman?” “Hindi ko rin alam Ma’am eh. Pero nandoon na ang Papa mo para kausapin siya” “Ano?? Si Papa? Kausap siya?” ulit niya sa katulong at lumingon siya kay Mike na nakatingin din sa kanya “Cous. Bababa muna ako ha. Babalikan kita dito” “Hindi cous. Sasama ako sa’yo” “Huwag na. Dito ka lang” kaagad lumabas si Sky sa silid “Tayo na Manang. Bababa na tayo “ at nagmamadali silang bumaba gamit ang elevator ng mansyon. *** Samantala. Sa labas at gate ng mansyon. “You need to calm down, Calvin” sambit ni Jeff habang pilit na sinisira ni Calvin ang gate “Hindi kita papasukin dito kung ganyan ka” “Hoy bakla… pwede ba? Pumasok ka na sa loob dahil hindi kita kailangan dito. Kailangan ko Sky!! Papasukin ninyo ako!!” “Hindi ko alam kung ano ang problema ninyong dalawa ng anak ko pero sana, kumalma ka lang muna, Calvin” “Yung nga eh!! Hindi mo alam… kaya tumahimik ka na lang diyan?!” patuloy niya pa rin ang kanyang pagtangkang pagsira ng gate “Ano ba talaga ang tinatago ninyo ng anak mo sa akin..??” “Wala kaming tinatago sa’yo Calvin. Gusto ko lang na maging safe ang pamamahay ko laban sa mga taong nag-aamok na katulad mo” “Hindi ako nag-aamok. Gusto ko lang kausapin si Sky dahil hindi siya nagpaparamdam sa akin” “Edi kumalma ka. Papasukin kita dito kung titigil ka sa kakawala at kakasigaw” ulit ni Jeff sa kanya “I can’t believe na ganyan pala ang ugali mo. Wala kang respeto. Ano ba ang pinakain sa’yo ng ama mo at ganyan ang trato mo sa mga tao…” “Hoy bakla!! Huwag na huwag mong isali dito ang tatay ko dahil wala siyang kinalaman dito” pambabastos niya kay Jeff “Ano ba ang alam mo sa tatay ko…? E iniwan mo nga siya diba? Sinaktan mo siya dahil pinili mo ang Nathan na yan!! Kaya wala kang karapatan na husgahan kami” Natahimik at parang natamaan si Jeff sa mga sinasabi sa kanya ni Calvin. Hindi niya inaasahan na masasabi iyon ng anak ng kanyang ex at nobyo ngayon ng anak. “Wala kang alam sa nangyari noon sa amin ng tatay mo kaya tumahimik ka na lang” sambit niya kay Calvin “At hindi kami ng ama mo ang issue dito, kundi ikaw at ang magaspang mong ugali” dugtong ni Jeff na tila nagagalit na ito “Kung iyan lang naman ang magiging kinabukasan ng anak ko sa taong tulad mo, mas mabuti pa na itigil niyo na lang ito” “Ano…??” nanlaki ang mga mata ni Calvin sa sinabi sa kanya ni Jeff na itigil na lang ang relasyon nilang dalawa “Ayaw ko!! Mahal ko si Sky” “Then prove it. Patunayan mo sa akin, lalung-lalo na sa kanya na karapatdapat at deserving ka sa pagmamahal niya sa’yo” dugtong ni Jeff “Huwag kang bastos” Naputol ang kanilang usapan nang dumating si Sky at tumayo sa gilid ng ama. Nakatingin naman si Calvin sa kanya na parang miss na miss niya na ito. “Papa… bakit hindi mo siya pinapasok…??” tanong ni Sky “At bakit parang nag-aaway kayo..?” “Why don’t you ask him. He’s being disrespectful sa akin” “Ano…?” sabay tingin ni Sky kay Calvin na nasa labas ng gate “Totoo ba ’to Calvin? Seryoso ka na ba talaga diyan? Pati ang ama ko…? Binabastos mo..?” “Sorry Sky. Hindi ko sinasadya” “No, you’re not” dugtong ni Sky “Binastos mo rin kahapon ang pinsan ko, at ngayon ang ama ko? Ano ba ang nangyayari sa’yo Calvin..?? Bakit ka nagkaganyan…” “Please Tart. Makinig ka naman sa akin oh. Hindi ko naman binastos ang Papa mo eh” gawa niya ng kuwento “Oo. Nagkasagutan kami pero siya ang nauna” “Such a liar” dugtong ni Jeff sa sinabi niya “Sky.. don’t tell me na maniniwala ka sa pagsisinungaling niya” “Hindi Papa. Hindi ako naniniwala dahil alam ko na hindi siya nagsasabi ng totoo” at tumingin siya kay Calvin “Please. Umalis ka na” “No-no. Hindi ako aalis dito Tart. Please naman. Papasukin mo lang ako. At hayaan mo ako magpaliwanag” “I said, NO. Huwag muna tayong mag-usap, Calvin” dugtong niya “Mas mabuti pa na ganito. Kailangan natin ang magpalamig ng ilang linggo” “Ilang linggo??? No Tart. Ayaw ko” pagmamakaawa niya sa labas ng gate “Huwag naman ganito. Kausapin mo naman ako” “Pre pabayaan mo muna ang pinsan ko” sabay sulpot ni Mike kanilang usapan. Napatingin naman sina Jeff at Sky kay Mike habang papalapit siya sa kanila. At si Calvin naman ay nagulat din sa kanyang nakita dahil hindi niya inaasahan na nandoon din pala ang pinsan ni Sky na si Mike. Biglang uminit muli ang ulo ni Calvin dahil nandiyan na naman ang lalaking nagnanakaw ng oras ni Sky sa kanya. “Ikaw na naman…” sambit niya kay Mike “Hindi mo ba tatantanan ang girlfriend ko…??” “E ano naman ngayon kung nandito siya, Calvin?” sabat naman ni Sky “Wala naman sigurong problema kung andito siya dahil pinsan ko naman si Mike” “Eh siya ang taong numanakaw ng oras mo sa akin eh. Hindi kita nakakasama at nakikita nang dahil sa kanya” “What?? Naririnig mo ba ang lumalabas sa bibig mo? Hindi mo ba talaga naiintindihan ang pinagdadaanan niya ngayon?” paalala ni Sky sa kanya “May problema siya at kailangan niya ako. Kailangan niya ng pamilya na matatakbuhan” “Wala akong pakialam kung ano man ang problema ng taong yan” sabay turo ni Calvin “Ang akin lang naman ay makasama kita dahil girlfriend kita… at inaagaw niya yan sa akin” “You’re such a selfish brat. Hindi niya ako inaagaw sa’yo. Hindi mo ba talaga naiintindihan…??!!” sabay sigaw ni Sky sa kanya at huminga ng malalim “Alam mo, paulit-ulit na lang tayo eh. Mabuti pa na umalis ka na lang, Calvin. Umuwi ka na lang at magpahinga. Parang wala ka sa sarili ngayon eh” “Ayaw ko!! Hindi ako aalis kung hindi kita nakakausap” pagmamatigas ni Calvin. “Parang awa mo na, Calvin. Umuwi ka na” ulit ni Sky “Papasok na kami” sabay tingin ni Sky sa ama at sa kanyang pinsan “Tayo na po, Papa. Cous. Pasok na tayo” Naunang lumakad sina Sky at Jeff papasok ng mansyon habang si Mike naman ay naiwan doon at nakatingin pa rinkay Calvin na nasa labas ng gate. “Pasensiya na talaga Pre. Hindi ko naman sinasadya na kunin ang oras ng pinsan ko sa’yo” sambit nito kay Calvin “Wala na kasi akong matakbuhan eh. Kailangan ko ngayon ang pinsan ko” pero hindi sumagot si Calvin sa kanya habang nanlilisik ang mga nito sa kanya “Sorry ulit Pre. Sige na. Umuwi ka na and goodnight” Tumalikod si Mike kay Calvin at lumakad papunta sa mansyon. Habang si Calvin naman ay nakatayo pa rin sa labas ng gate, nakatitig kay Mike habang nanggigigil ito sa galit. *** Habang nagkakagulo sa ibaba at labas ng mansyon ay nasa silid pa rin sina RK at Stephen. Naging masinsinan ang kanilang naging usapan sa totoong nararamdaman at pagkatao ng kanyang nakakabatang kapatid. “I am very disappointed with myself kuya” hagulhol ni RK sa kanyang kapatid “I’m the brother you didn’t want me to be. Sorry kuya” “Shhhh. Don’t cry” sabay himas ni Stephen sa balikat ng bunso “Hindi ka disappointment, okay? Proud pa nga ako sa’yo eh. Dahil sinabi mo sa akin ang totoo mong naramdaman at okay lang yon” tingin ni Stephen sa kanyang mga mata at unting-unti na din nanlulumo ito “Walang mali sa’yo. At hindi pa rin magbabago na kapatid kita at mahal na mahal kita na kahit ano at sino ka man” “Salamat kuya. Maraming salamat talaga” Kaagad niyakap ni Stephen ang kapatid ng sobrang higpit. “Tahan na… I’m always here for you, my baby brother” Itutuloy…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD