TCG: Chapter 18 (Kalagayan ni Calvin)

2573 Words
“I can’t believe na ganyan pala ang ugali ng boyfriend mo, Sky” panimula ni Jeff habang lumakad silang dalawa papasok ng mansyon “How disrespectful” “Sorry Papa. Sinabihan ko na siya eh. Pero ganyan pa rin ang pinakita niya” “What do you mean? Ginawaniya na ba dati ito sa’yo?” “Hindi po Papa. Ang tinutukoy ko ay nung isang araw na binastos niya si Mike” Pero hindi naniwala si Jeff sa paliwanag ng kanyang anak at hinawakan ito sa magkabilang balikat “Hindi ako naniniwala sa’yo anak. Magsabi ka ng totoo. Sinaktan ka ba niya?” “Papa…” “Hindi mo sinasagot ang tanong ko, Sky” ulit ni Jeff na unting-unti na nagagalit “Sinaktan ka ba ni Calvin….???” “Hindi naman po siguro pananakit ang tawag doon” habang inaalala ni Sky ang nangyari sa kanila sa resort. “Hinila niya lang po ako ng malakas at napahiga ako sa kama” “So nasaktan ka nung ginawa niya sa’yo noon?” “Medyo po. Kasi may pwersa eh” salaysay ni Sky “Pero naiintindihan ko naman siya dahil nagselos siya noon kay Mike” “Please. Huwag mo na siyang ipagtanggol dahil kahit mahina o katamtaman lang yan, the bottomline, nasaktan ka pa rin” pagdidiin ni Jeff “See.. ginawa niya yun dahil nagselos siya sa walang rason. Pinsan mo ang pinagselosan niya. I can’t believe na magagawa niya iyon” “Papa. Huwag ka namang magalit sa kanya oh. Kailangan niya lang ng pag-unawa” “Pag-unawa??” ulit ni Jeff “Sa ganyang lalaki? Bibigyan pa natin ng pag-unawa? Seryoso ka, Sky?” “Opo. Dahil may pinagdadaanan ngayon si Calvin” “What do you mean? May sakit ba siya?” “Hindi ko po masasagot yan, Papa. Mas mabuti na lang po siguro na kayo na lang ang mag-usap ni Tito Alvin para mapaliwanag niya sa’yo ang tungkol sa kanyang anak” sabay tulo ng luha ni Sky “Sa katunayan nga, hindi alam ni Tito na alam ko na ang problema ng anak niya dahil iniintindi ko na lang siya dahil mahal ko siya, Papa” Hindi na nakasagot si Jeff sa sinabi sa kanya ni Sky dahil kaagad itong tumalikod at umakyat gamit ang elevator papunta sa kanyang silid. Samantala naman ay naiwan si Jeff malapit sa main door. Nakatayo at napaisip sa sinabi ng kanyang anak. Ano ba talaga ang totoong kalagayan ni Calvin? Kailangan niya itong malaman mula mismo sa ama na si Alvin. Biglang naputol ang kanyang malalim na pag-iisip nang pumasok si Mike ng mansyon. “Good evening, Tito” bati ni Mike sa kanya “Sorry po pala. Hindi na kita nabati kanina ng maayos dahil sa nangyari sa labas” “It’s okay, Mike. Walang problema sa akin. Welcome ka naman dito anytime” sabay ngiti niya sa pamangkin “So, kamusta ka na? Narinig ko mula kay Sky na broken-hearted ka daw dahil iniwan ka ng asawa mo… tama ba?” “Ahmmm. Opo Tito” ngiti ni Mike na parang peke. Alam ni Jeff na hindi nagsasabi ng totoo ang kanyang pamangkin dahil nakikita at nahahalata niya ito sa mga mata na nasasaktan pa rin si Mike sa nangyari sa kanya. Tinapik na lang ni Jeff ang balikat ni Mike at nagsabing “Everything will be alright, Mike. Natural lang na maranasan ng isang tao ang heartbreak. And I know na makakayanan mo yan” payo niya kay Mike “Lagi mo lang pakatandaan na andito lang kami ni Sky para sa’yo. Dahil pamilya mo kami. Hindi ka namin iiwanan” “Salamat po Tito. Dahil nandiyan kayo para sa akin” “Siyempre. Mahal ka namin eh” dugtong ni Jeff ng nakangiti “Sige na Mike. Kumain ka na ng hapunan. Sigurado ako na gutom ka na” “Sige po Tito. Kakain na ako” sagot niya “Kaw din po. Kumain ka na din” “Mamaya na, Mike. Hinihintay ko pa ang Tito Nathan mo. Mauna ka na lang” Nagderecho si Mike sa hapagkainan at nag-umpisa nang kumain ng kanyang hapunan. Si Jeff naman ay umakyat muna sa kanilang silid para makapag-bihis ng damit. *** Kinabukasan. “Good morning, babe” sambit ni Nathan habang bitbit ang isang tray ng pagkain at inilagay ito sa tabi ng asawa na nakahiga pa rin sa kama “Breakfast in bed…” “Babe…” sambit din ni Jeff na tila nagising sa bati sa kanya ng asawa “Bakit ang aga mo naman….?” at napatingin siya sa kanyang gilid at napansin ang tray ng pagkain “Oh… bakit may ganito kang paandar? What happened ba?” “Hmmmp! ‘To naman. Hindi naman nagpasalamat” “Sorry babe. Naninibago lang kasi ako sa’yo eh” sabay ngiti ni Jeff at hinalikan sa pisngi ang nagtatampong asawa “Huwag ka namang magtampo. Sorry na babe. Salamat pala sa pa-breakfast-in-bed mo” “Hindi naman ako nagtatampo babe eh. Alam ko kasi na may kasalanan ako sa’yo” “Kasalanan?” ulit ni Jeff habang nilapag ang tray sa kanyang hita “Parang wala naman. Ano ba ang kasalanan mo?” “Late na kasi akong umuwi kagabi eh” sabay yuko nito “Sorry babe ha. Hindi na kita natext kagabi. Nagyaya lasi ang mga kasama ko sa trabaho na uminom eh. Kasi birthday ng isa kong katrabaho” paliwanag ni Nathan “Hindi ko naman siya matanggihan dahil malaki din ang naitulong niya sa akin noon na walang-wala ako” “Yun lang ba?? Okay lang babe. Ohhh. Ang sweet naman” sabay yakap ni Jeff sa asawa “Naisip mo talaga na magagalit ako? Hindi babe. Walang problema sa akin. Pero I appreciate the fact na naging honest ka sa akin” “Oo naman babe. Kailangan kong maging honest sa’yo. Asawa kita eh” “Naku… nagpapakyut pa. Tama na yan. Kakain na ako” doon na ngumiti si Nathan sa sinabi ng asawa “Okay na sa akin yun ha? Ang importante naman sa akin na nakakauwi ka pa rin ng safe dito sa bahay. Masaya na ako doon” “Talaga babe? Salamat sa pag-intindi” “Wala yun babe. Teka. Nakakain ka na?” “Tapos na akong kumain” sagot nito “Nauna na akong kumain para mabantayan kita ngayon dito habang kumakain ka” “Sweet mo talaga babe. Tama na yan. Kinikilig na ako” “Eh bakit? Ayaw mo na bang kiligin sa akin??” “Gusto.. pero sinasanay mo talaga ako at hindi ka talaga nagbabago” “Yup. Totoo yan. Hinding-hindi ako magbabago sa’yo” *** Samantala. Kakalabas lang ni Stephen sa kanyang silid at nakita niya ang kapatid na bumababa at nakabihis ito na parang may lakad. Kaagad niya naman itong hinabol ang kapatid pababa ng hagdan. At naabutan niya nga ito malapit na sa main door at hinawakan ang braso ni RK. “Saan ka pupunta..?” “Aalis ako kuya” “Saan ka naman pupunta sa ganitong kaaga..?” “E-ewan ko. Basta. Kahit saan, basta malayo dito” “RK.. umiiwas ka pa rin ba sa kanila?” pero hindi sumagot ang kanyang kapatid “Diba napag-usapan natin ito kagabi na huwag ka nang magalit sa kanila?” “Eh kuya. Sila ang dahilan kung bakit ako nagkaganito eh. Kasalanan nila kung bakit ito ang nararamdaman ko” “Tumigil ka nga RK…” pagsaway ni Stephen sa kanya “Hindi kasalanan nina Tito at Daddy kung bakit ganyan ka ngayon, kundi kasalanan mo mismo dahil iyan ang totoo mong ugali at pagkatao. Lumabas lang dahil matanda ka na” “What do you mean?” “Believe me. Sobra pa ang nakita ko noon kumpara sa nakita mo sa kanila pero ano ako ngayon? Straight pa rin ako” paliwanag niya sa bunso “Dahil ito ang totoo kong pagkatao. Kahit ano pa ang nakikita at naririnig mo mula sa kanila, basta alam mo mismo sa sarili mo kung ano ka talaga… hindi ka basta-basta maguguluhan. Kung bakla, bakla ka talaga. Huwag mong isisi sa ibang tao kung ano ang totoo mong pagkatao, naiintindihan mo ako..?!” at tumango na lamang si RK sa sermon na ibinigay sa kanya ng kuya “Good… kaya bumalik ka na sa kwarto mo at sabay-sabay tayo kumain mamaya” “Okay po kuya. Sorry po” “Tandaan mo’to, RK. Kahit ano ka man, mahal pa rin kita dahil kapatid kita. Pero paano kita mamahalin at matatanggap sa totoo mong pagkatao kung pati ikaw ay galit at hindi tanggap kung ano ka…?” pangaral ni Stephen “Kailangan mo munang mahalin at tanggapin ang sarili mo bago ang ibang tao ang magmahal sa’yo, maliwanag?” “Opo kuya” sagot ni RK na natatakot na sa kanyang kapatid “Sige po. Akyat muna ako sa kwarto” “No… dito ka lang” “What?? Bakit?” “Hinatayin na lang natin sila dito sa baba dahil mag-a-alas-siyete na ng umaga” Hindi na lang sumagot at umangal si RK sa kanyang kuya. Umupo na lang silang dalawa sa sala upang hintayin ang iba pang tao sa mansyon para makapag-agahan na. *** Sa kwarto ni Mike. Kagigising niya lang at nakaupo siya sa kanyang kama. Parang hindi na siya masyadong nasaktan sa ginawa ng kanyang ex na pag-iwan nito sa ere. Malaki talaga ang naitulong ng paglipat niya ng bahay kahit unang araw niya pa lang dito. Bigla siyang napatingin sa pintuan dahil may kumakatok dito mula sa labas. “Pasok…” sambit niya “Bukas yan..” Kaagad bumukas ang pintuan at pumasok si Sky sa kanyang silid. “Hi cous. Good morning” bati niya nang nakangiti sa pinsan” “Uyy. Ikaw lang pala, cous. Good morning din” ngiti din ni Mike “So how’s your sleep?” tanong niya habang lumalapit sa kama ang pinsan “Nakatulog ka ba ng maayos?” “Ahhmm. Oo naman. It’s been awhile nung dito pa ako nakatira, nung kasama ko pa si Mommy noon” sagot niya sa pinsan “Eh ikaw? Nakatulog ka ba ng maayos kahit may nangyari kagabi?” “Yup. Okay naman ako. Sanay na ako sa kanya cous eh” sagot nito “Eh ikaw? Galit ka ba sa kanya?” “Hmmm. Inaamin ko, masama ang loob ko sa kanya dahil hindi niya naiintindihan ang pinagdadaanan ko ngayon” pag-amin ni Mike sa kanyang totoong nararamdaman kay Calvin “Pero intindihin ko na lang siya dahil may point naman siya eh. Inaagaw ko ang oras mo sa kanya” “Inaagaw?? Of course, not. Hindi mo inaagaw ang oras ko sa kanya dahil importante ka rin sa akin. Dahil pinsan kita” “Kahit na cous. Nagi-guilty pa rin kasi ako eh” dugtong ni Mike “Para kasi ako ang rason kung bakit kayo nag-aaway ngayon” “Hindi noh. Huwag mong isipin yan, cous. Hayaan mo lang siya dahil ako lang ang bahala sa kanya” “Sigurado ka…?” “Oo naman. Sigurado ako. Huwag mo siyang masyadong isipin, okay?” Naputol ang kanilang usapa nang may biglang kumatok muli sa silid ni Mike. “Sino yan…??” tanong ni Mike. “Ahmmm. Sir Mike..?? Andiyan po ba sa loob si Ma’am Sky?” “Ikaw lang naman pala, Manang. Opo. Nandito siya sa loob at kasama ko. Bakit naman?” “Pinapatawag kasi kayong dalawa nina Sir Jeff at Sir Nathan dahil kakain na daw po” “Ah ganon ba?” dugtong naman ni Sky “Sige po Manang. Mauna na po kayo. Bababa na rin kami” at tumingin siya sa pinsan “Let’s go?” Walang sinagot si Mike kundi tumayo na lang ito sa kama at kaagad silang bumaba na dalawa papunta sa hapagkainan. *** Sa bahay ng mga Francisco. Kakalabas lang ni Alvin mula sa kanyang silid at nagdesisyon na magtimpla ng kanyang paboritong kape at pumunta sa sala. Doon siya nagulat dahil sa kanyang nakita sa sala ng bahay. “Cal…??” tawag ni Alvin sa anak na kasalukuyang nakaupo sa sofa at parang may sinisinghot na pulbo sa maliit na mesa. Napatingin din kaagad ang anak sa kanya at nakita niya na tama ang kanyang hula, na gumagamit na naman si Calvin na ipinagbabawal na gamut “Cal!!” sigaw niya sa anak pero hindi ito sumagot at pinagpatuloy pa ang kanyang ginagawa “Ano ba ang ginagawa mo??!!” lumapit ito sa anak at kinuha ang mga gamit ng anak na ginagamit nito sa paghihithit ng droga “Itigil mo nga ‘to!! Akala ko ba ay tumigil ka na sa paggamit nito..??!!” “Pabayaan mo nga ako…” sagot nito sa ama “Ito lang ang kakampi at karamay ko sa mga problrma ko… kaya pabayaan mo ako na makasama ko siya ngayon” “Calvin…” sabay tingin niya sa anak na parang naaawa ito sa kalagayan “Maawa ka naman sa sarili mo… ano naman ba ang problema mo, anak….?” “Ang babaeng yon. Wala nang oras sa akin at parati niyang kasama ang pinsan niya” sagot niya habang dilat na dilat ang kanyang mga mata “Inaagaw ng lalaking yon ang babae ko…” “Sinong babae…?? Si Sky?” pero hindi sumagot si Calvin “Anak naman. Kapamilya niya yon. At wala naman siguro masama na magkasama sila” “E inaagaw niya nga sa akin ang girlfriend ko ehhh..!!” pagtaas ng boses ni Calvin “Tapos magkasama pa sila doon sa mansyon ngayon. Ginagalit niya talaga ako. Gusto ko siyang patayin para maintindihan niya kung saan siya lulugar” “Ang ibig mong sabihin ay pumunta ka nga kagabi sa mansyon nila? Ano ang ginawa mo doon?? Nagwala ka?” pero hindi siya sumagot sa tanong ng ama “Calvin naman… Bakit ka naman ganito?? Hindi ka ba talaga nakakaintindi na may sarili din silang buhay?? Ano?? Bakit hindi ka makasagot…?” “Wala tay, hindi ako nagwala doon” “Sigurado ka..? Kung malalaman ko na may ginawa ka nga kagabi sa kanila, ako ang makakalaban mo. Hindi mo ba naiisip na sa ginawa mo ay malalamatan muli ang pagkakaibigan namin ni Jeff at pagdududahan niya ako kung paano kita pinalaki” “Yaann!! Puro Jeff na naman!! Nahihiya ka sa ginawa ko?? E ikaw?? Hindi ka ba nahihiya sa patuloy mong paghabol sa taong sobra mong mahal pero hindi ka naman mahal…??!!” Biglang dumilim ang paningin ni Alvin at hinila ang anak patayo sa sofa at biglang sinuntok ito ng malakas. Kaagad naman natumba si Calvin sa malakas na suntok na ibinigay sa kanya ni Alvin. Napatingin ito sa anak habang umiiyak dahil hindi niya na alam kung ano ang gagawin niya dito. Ilang beses niya kasi itong pinasok sa rehab pero hindi pa rin ito nagbabago. Itutuloy…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD