Nagulat din si Stephen dahil nakatayo si Sky malapit sa kanya habang hawak niya sa kanyang mga kamay ang lalagyan ng kanin.
“Oh s**t” sambit niya “Kanina ka pa ba diyan?”
“Hindi naman. Kakababa ko lang”
Nagtagpo ang kanilang mga mata at kaagad naman nilii nilihis ang kanilang mga tingin sa isa’t-isa. “Ahmm. Sky. Kain ka na” dugtong ni Stephen makalipas ang ilang sandaling pananahimik nilang dalawa.
“S-sige” sagot naman ni Sky habang nakatingin sa dating nobyo.
Sinundan niya si Stephen papunta sa hapagkainan.Doon niya nakita na inilatag ni Stephen ang isang lalagyan na punong-puno ng kanin sa mesa.
“Umupo ka na” ngiti ni Stephen sa kanya habang hinila niya ang silya para makaupo si Sky.
“Salamat” tanging sagot ng isa at kaagad umupo.
“Niluto ko ang paborito mong pagkain. Sana magustuhan mo”
“Talaga..?” sabay kuha ni Sky ng ulam na chicken afritada at tinikman ito “Hmmm. Wow. Ang sarap ah. Hindi pa rin nagbabago ang timpla mo”
“Oo naman. Paborito mo eh”
“Sarap talaga” sabay lagay ng maraming kanin sa kanyang pinggan “Mapaparami talaga ako ng kanin nito, Mahal”
Natigilan silang dalawa at parang nagulat si Stephen sa sinabi ni Sky na ‘Mahal’. “Mahal?? Hindi ka na galit sa akin?”
“Ahmm. Sorry. Nagulat lang ako. Nasanay lang kasi ako na parati ko yan sinasabi sa’yo”
“So mahal mo pa rin ako?” at umupo si Stephen sa tabi ni Sky “Kasi hindi pa rin maalis sa isip mo ang tawagan natin eh”
“Nasanay lang nga ako. Pasensiya na” sagot ni Sky “Pero hindi ganon ang iniisip mo”
“Pero ganon yun eh” sabay abot ng kamay ni Stephen sa kamay ni Sky “Yung totoo Sky, mahal mo pa rin ba ako?”
“Of course not. Matapos mo akong iwan sa ere, mamahalin pa ba kita..?” sagot niya kay Stephen “Tanga lang siguro ako kung mamahalin pa rin kita sa kabila ng ginawa mo sa akin”
“That’s why I am here. Bumalik ako dito sa Pilipinas para bumawi sa’yo” dugtong niya “Alam ko naging gago ako at nagsisisi ako sa ginawa ko. I’m sorry, Sky”
“It’s too late, Stephen. My boyfriend na ako. Si Calvin yon”
“I don’t care. Kasi pagmamay-ari pa rin kita. Ipaglalaban ko ang pagmamahal nating dalawa, Sky. Babawiin kita sa kanya”
At biglang tumayo na lang si Sky at parang nainis sa pangungulit sa kanya ni Stephen “Ano kaba..?! Hindi ba malinaw sa’yo..?? Wala na tayo, okay? At si Calvin na ang mahal ko”
Walang sabi-sabi ay umalis sa hapagkainan si Sky nang hindi naman ginalawang agahan na niluto sa kanya ni Stephen. Samantala si Stephen naman ay nakaupo pa rin at parang nanlulumo ang kanyang mga mata.
***
Dakong alas-kwatro ng hapon. Sa opisina ng Teng Prime Holdings.
Nakaupos si Mike sa kanyang upuan at parang may hinihintay na tawag sa kanyang inutusan. Hindi siya kasi mapakali sa mga kilos ng kanyang partner na parang may tinatago.
Hindi pala alam ni Anthony ay may inutusan si Mike na Private Investigator para sundan at bantayan siya sa buong araw niyang ginagawa.
Magkalipas ang ilang minuto ay may kumatok sa kanyang opisina. “Pasok..!” sigaw nito. Kaagad bumukas ang pintuan at pumasok na nga ang imbestigador na kinuha niya para kay Anthony.
“Good afternoon Sir” bati ng imbestigador sa kanya.
“Good afternoon din, Detective Suarez” sagot naman niya dito “Please umupo ka”
“Thank you po, Sir” sabay upo niya sa bakanteng upuan.
“So, kamusta ang imbestigasyon mo?”
“Ahmm. Ito po” sabay abot ng imbestigador ang isang malaking brown envelope. “Andiyan ang mga litrato na kuha ko kanina lang mga bandang alas-dos ng hapon sa isang coffee shop. May kasama siya ibang lalaki”
At kinuha nga ni Mike ang inabot sa kanya at kaagad tinignan ang mga litrato na sinasabi sa kanya ng imbestigador. Laking-gulat niya na tama ang kanyang duda kay Anthony na may ibang lalaki ito. Parang tinutusok ng matalim na bagay ang kanyang dibdib sa sakit habang tinitignan niya ang mga litrato.
“All this time, niloloko lang pala ako ni Anthony??” sambit niya habang nangangalit sa galit at pinunit ang mga litrato “Hayup siya. Isa siyang manloloko”
“So ano na po ang gagawin ko Sir?”
“Ipagpatuloy mo lang muna ang pang-iimbestiga, Detective Suarez” utos niya dito. “At maghanap ka pa ng ebidensiya para mapatunayan na may ginagawa siyang hindi maganda”
“Sige Sir. Huwag kayong mag-alala. Gagawin ko yan”
“Sige Detective. Maraming salamat sa tulong mo” sambit niya “Pwede ka nang umalis”
“Okay Sir. Salamat din”
Kaagad tumayo ang imbestigador at nagmamdaling lumabas sa opisina. Samantala si Mike naman ay parang hindi mapakali sa lihim na ginagawa ng kanyang parter. ‘Ano ba ang tinatago mong sikreto, Anthony…?’ sambit niya sa kanyang sarili ‘Sino ba ang lalaki na kasama mo…??’
***
Nagdesisyon na lang na umalis si Sky sa mansyon dahil andoon nga si Stephen at gusto niyang umiwas dito. Tinawagan niya ang kanyang nobyo na si Calvin na magkita sila pero hindi daw siya pwede dahil may pasok pa ito sa kanyang kinukuhang Law.
Biglang nanghina ang kanyang loob at babalik na sana siya sa mansyon nang biglang may sumagi sa kanyang utak na tao na tatawagan. Si Mike. Ang kanyang pinsan.
Kinuha niya muli ang telepono niya at pinindot ang pangalan ng pinsan upang tawagan ito. Pagkalipas ang ilang beses na pag-ring ay sinagot na ito ng kabilang linya.
Sky: Hello cous.
Mike: Oh cous. Bakit ka napatawag?
S: Busy ka ba ngayon?
M: Hindi naman. Pero andito ako ngayon sa opisina. Pero patapos naman ako. Bakit?
S: Gusto ko sana na lumabas tayo cous eh. Ang boring sa mansyon. Okay lang ba?
M: Ahmm. Sure. Walang problema. Saan ka ba ngayon? Nasa mansyon ka ba? Susunduin na lang kita.
S: Huwag na cous. Wala na ako sa mansyon eh. Ako na lang ang pupunta diyan sa opisina mo.
M: Talaga? Sigurado ka?
S: Oo cous. Papunta naman ako ngayon diyan eh
M: Wow. Bilis ah. Sige. Dumerecho ka na lang dito sa opisina ko.
S: Okay cous. See you
M: See you.
Makalipas nga ng ilang saglit ay dumating na si Sky sa opisina ni Mike. Nadatnan niya ang kanyang pinsan na nakaupo pa rin sa kanyang upuan at nakaharap sa malaking bintana at parang may malalim na iniisip.
“Hi cous” sabay lapit ni Sky sa kanya.
Lumingon naman si Mike sa parating na pinsan “Oh cous. You’re hear na. Ang bilis mo ah”
“Oo cous. Bored kasi ako sa mansyon. Kaya nakapagdesisyon ako na lumabas”
“Bakit? Hindi ka ba pumasok sa trabaho?”
“Hindi cous. Bukas pa ako ulit papasok” paliwanag ni Sky sa pinsan. “Tapos si Calvin naman, may pasok din ngayon sa kanyang klase”
“Ahh sige. So tayo na..?”
“Sure”
“Saan ba tayo pupunta? Saan ba gusto mo?” sabay tayo niya sa upuan at kuha ng gamit sa kanyang mesa.
“Ikaw? Saan ba gusto mo?”
“Dinner tayo? Nagugutom na kasi ako eh”
“Hmmm. Sige cous. Kung iyan ang gusto mo”
“Lets go..?” sabay alok ni Mike ng kanyang braso sa pinsan.
“Sure cous” at hinawakan naman ni Sky ang braso ni Mike at kaagad nang umalis ng opisina.
Nang pagpasok nila sa restaurant ay kaagad silang umupo sa bakanteng lugar at nag-order na ng kanilang kakainin. Habang kumakain ay nahalata ni Sky na parang malalim ang iniisip ng kanyang pinsan.
“Cous..” tawag niya kay Mike habang kumakain
“Yes? Bakit cous?”
“Okay ka lang? Parang malalim ang iniisip mo ah”
“Sorry cous. May problema lang kasi ako ngayon”
“Ano naman yun? Pwede ko bang malaman kung ano yan cous?”
“W-wala cous. Tungkol lang ito sa asawa ko”
“Bakit? Ano ba ang nangyari?”
“Nagdududa ako sa kanya. Para kasing may iba siya eh”
“Iba..?” ulit ni Sky “Anong iba? Ibang lalaki?”
“Parang ganon na nga” sagot niya “Kumuha ako ng imbestigador para bantayan siya sa kanyang ginawa buong araw kanina”
“Talaga? E may nakuha ba siyang ebidensiya?”
“Meron. May kasama siya kanina na lalaki at nandoon sila sa isang coffee shop”
“Yun lang?”
“Yes. Bakit?”
“Parang hindi naman sapat na rason yun para masabi mo na may iba siya”
“What do you mean?”
“Ang ibig kong sabihin, baka kaibigan niya lang yon at ikaw lang ang gumagawa ng isyu” paliwanag niya kay Mike “Nasa coffee shop lang naman sila. Wala naman siguro malisya iyon”
“Hmmm. Kung sa bagay. Pero bakit nililihim niya sa akin na makipagkita siya sa lalaking iyon?”
“Yun ang hindi ko alam. Ikaw na lang ang magtanong sa kanya cous. Para maliwanagan ka”
“Sige. Tatanungin ko siya mamaya” buntong-hininga ni Mike at tumingin siya ulit sa pinsan “Eh ikaw? Bakit mo gustong lumabas ng mansyon?”
“Sabi ko nga sayo na boring sa mansyon, cous. Ayaw ko doon”
“Sigurado ka?” ulit niya na tila hindi naniniwala sa paliwanag ni Sky “O baka naman umiiwas ka lang kay Stephen?”
“Paano mo nalaman na andito na si Stephen?” kunot ng noo ni Sky
“Well. Dumerecho siya kahapon sa opisina ko. Humingi ng tulong pero hindi ko tinanggap at sinabi ko na kay Tito Jeff na lang siya humingi ng tulong”
“Ahh. Ganon ba..”
“Oo cous. So tama ako? Umiiwas ka sa kanya?”
“Oo cous. Tama ka. Umiiwas ako sa kanya” pag-amin niya kay Mike “Siya kasi eh. Pinaamin niya ako na mahal ko pa siya hanggang ngayon”
“Bakit? Hindi na ba?”
“Cous naman. May boyfriend ako. Mahal ko si Calvin”
“Hindi mo sinagot ang tanong ko cous. Hindi mo na ba siya mahal?”
Biglang natahimik si Sky sa tanong sa kanya ni Mike at ilang saglit ay bumalik na siya sa kanilang usapan “Sa totoo lang? Hindi ko alam eh. Pareho ko silang mahal. Ayaw kong masaktan si Calvin dahil mahal ko siya”
“Mahal o natatakot?”
“Ha? Anong natatakot?”
“Alam ko ang ugali ng nobyo mo cous. Diba? Nung nagkita tayo sa resort? Nagselos siya sa akin” sambit niya sa pinsan “Alam ko dahil nakikita ko sa kanyang mga mata ang galit niya sa akin”
“Ganon ba? Ganyan siya makatingin sa’yo?”
“Oo cous. Nanlilisik ang mga mata niya sa akin” kuwento niya dito “So? Tama ulit ako noh? Natatakot ka sa kanya?”
“Hmmm. Oo cous. Natatakot ako dahil iba siya magalit. Namimisikal na siya”
“Ano..? Binubugbog ka niya?”
“Hindi naman. Pero kapag nagagalit siya ay sobrang higpit siyang makahawak sa akin”
“Hmmm. Parang iba na yan ah. Nagseselos siya sa walang-rason at ginaganyan ka niya? E paano naman kung dumating ang araw na mag-asawa na kayo at may mga lalaking umaaligid sa’yo? Bubogbugin ka lang niya?”
“Hindi naman siguro cous. May kasalanan din naman ako eh”
“Talaga lang ha?”
“Oo cous. Basta. Mahal ko si Calvin”
“Oh sige” buntong-hininga ulit ni Mike “Naniniwala na ako sa’yo. Pero kung ano man ang gawin niya sa’yo, andito lang ako para ipagtanggol kita”
“Okay cous. Don’t worry”
“Good” sagot nito “Sige na. Tapusin na natin ang pagkain natin”
Sinunod naman ni Sky ang utos sa kanya na tapusin na ang kanilang pagkain para makauwi na silang dalawa.
***
Samantala. Sa kwarto nina Jeff at Nathan.
Katatapos lang nila kumain ng hapunan kasama si Stephen at nagdesisyon sila na umakyat kaagad sa kanilang silid para makapagpahinga na ng maaga.
Habang nakaupo si Jeff sa kama at nakasandal sa headboard habang nagbabasa ng paborito niyang nobela ay may bigla siya napaisip.
“Babe…” tawag niya kay Nathan na kakalabas lang ng banyo.
“Bakit babe?”
“Sigurado ka ba na magiging okay ang dalawa kung dito sila tumira sa mansyon?”
“Oo naman. Bakit naman hindi?”
“E kasi baka awkward sa kanilang dalawa. Dahil mag-ex sila”
“Hindi naman siguro babe” sabay tabi niya kay Jeff “Bakit naisip mo yan?”
“Wala naman babe. Para kasing hindi maganda. Baka imbes na maging okay sila ay mas lalong lumala ang awayan nila”
“So anong plano mo? Gusto mo ba na umalis muna dito si Stephen sa mansyon?”
“Hindi babe. Anak mo yan. At ngayon lang kayo nagkita magkalipas ng ilang taon. Ayaw ko naman na sirain ang samahan ninyong mag-ama”
“Yun nga babe. Pero anak mo din si Sky. Ayaw ko din na paalisin siya sa mansyon kasi siya ang may-ari nito”
“Haay naku babe. Ang hirap ng sitwasyon natin”
“Okay lang yan” sabay akbay niya sa asawa “Ipagdasal na lang natin na maging okay sila kapag iisa lang sila ng bahay na tinitirhan”
“Sana nga babe”
“Oh… Nakakunot na naman ang noo mo oh” sambit niya kay Jeff “Huwag ka nang mag-alala sa dalawa dahil malalaki na yan. Ang gawin lang natin ay iwasan natin sila na magkita o mag-usap”
“E paano? May mga trabaho din tayo babe. Hindi naman natin sila mababantayan ng maayos”
“Simple lang naman yan eh. Diba may trabaho si Sky?” paalala niya kay Jeff “Eh maging busy naman siya sa trabaho niya eh. At tapos si Stephen naman ay kakausapin ko na maghanap na lang din ng trabaho. Kahit call-center agent na lang para gabi ang trabaho niya. Para yun. Hindi na sila nagkikita. Minsan na lang”
“Hmmm. Kung sa bagay babe. May point ka”
“Oh diba? Bilib ka na ba sa akin babe?” ngiti ni Nathan.
“Oo na. Bilib na bilib na ako sa’yo”
“Talaga? Kiss nga sa lips” kaagad naman hinalikan ni Jeff ang kanyang asawa “Wow.. Ang sarap naman yun. Isa pa nga”
“Tama na yan babe. Matulog na tayo. Diba maaga ka pa bukas?”
“Oo na. Matutulog na po” buntong-hininga ni Nathan “Goodnight babe. I love you”
“Goodnight din babe. I love you too”
Itutuloy…