TCG: Chapter 1 (Ang Pagpapatuloy)

2607 Words
Si Sabrina Kate Ysabelle Dy o mas kilala sa tawag ng kanyang nakakilala sa kanya na ‘Sky’ ay isang negosyante sa Pilipinas at may-ari ng Dy Group of Companies (DGC). Itinuring siya na pinakamayamang tao sa bansa (maliban sa kanyang ama), na may networth na $ 11.23 B. Hindi pinagpatuloy ni Sky ang kanyang unang kurso na BS HRM at lumipat siya sa kursong Entrepreneurship at nagtapos bilang isang Summa c*m Laude. Malaki ang naging tulong nito sa pagpapatakbo niya ng ganito klaseng mga negosyo. Kasama sa emperyo ng negosyo niya ay ang real-estate, retailing, hospitality, banking, entertainment, communication at transportation. Ang President/CEO naman ay ang kanyang ama na si José Hidalgo-Rodgers o mas kilala sa tawag na ‘Jeff’ ng kanyang mga kaibigan at pamilya. Siya ngayon ang humahawak ng buong emperyo nila maliban kay Sky na kanyang anak. Pero sa kabila ng napagtagumpayan ni Sky sa larangan ng negosyo ay naging busy siya at hindi niya namalayan na maraming nagbago sa kanyang buhay. Lalung-lalo na ang mga tao sa kanyang paligid, na may umalis at meron ding dumating na nagbigay ulit nang ningning sa kanyang buhay at kung paano magmahal ulit. “Huy. Okay ka lang ba?” sambit ni Sky kay Calvin “Parang hindi ka mapakali ah” “Sorry Tart” sagot niya habang lumalakad sila papasok sa mansyon “Kinakabahan lang talaga ako eh. Hindi ko kasi alam kung ano ang sasabihin ko mamaya sa Papa mo” paliwanag niya sa nobya “Alam naman natin ang kanyang estado sa buong Pilipinas diba? Nakaka-intimidate lang kasi” “Oo. Pero huwag kang ma-intimidate, Tart” payo ni Sky sa kanya “Mabait naman si Papa eh” Kaagad sila umupo sa sofa at ipinagpatuloy ang kanilang usapan. “I know. Pero iba pa rin ang Papa mo eh” dugtong ni Calvin “Parang hindi sa pangkaraniwang tao. Hindi sa pagiging bading niya ha, ang taas niya kasi, hirap siya maabot eh” “So ayaw mo na? Ganon?” “Hindi Tart. Hindi sa ganon” akbay niya kay Sky “Basta. Ang hirap ipaliwanag eh. Hayaan mo na yun, basta mahal kita at kakayanin ko ito para lang sa’yo. Kahit ayaw ng Papa mo sa akin, ipaglalaban kita” “Wow. Talaga? Ang sweet naman ng Tart ko” sambit niya kay Calvin. Sakto din na lumapit ang katulong sa kanilang direksyon “Manang. Saan po si Papa?” “Doon po si Sir sa itaas, Ma’am. Nasa opisina niya” sagot ng katulong “Bakit po?” “Pakitawag na lang po siya, Manang” pakiusap ni Sky dito “Sabihin mo na andito na ako at meron akong kasama” “Sige po, Ma’am” kaagad umakyat ng hadgan ang katulong upang tawagin ang amo niya. Samantala ay pinagpatuloy pa rin nila ang kanilang kuwentuhan sa sofa habang hinihintay ang ama ni Sky. Kitang-kita pa rin ang kaba sa mukha ni Calvin dahil makakaharap niya na sa wakas ang ama ng kanyang mahal pagkatapos ng dalawang taon nilang relasyon. Mas kinabahan siya lalo dahil ang ama ni Sky ay ang tao ding minahal ng kanyang ama na si Alvin. “Huy Tart. Relax” sambit ulit ni Sky sa kanya habang nababalisa ito dahil walang humpay ang galaw nito sa sofa. “Sorry..” dugtong naman ni Calvin “Ahmm. Tart?” “Yes?” “Diba pagmamay-ari ninyo ng halos ng mga negosyo sa Pilipinas?” at tumango naman si Sky bilang sagot “E baka kapag malaman ng Papa mo na tayo na. Papaalisin niya ako sa trabaho ko, Tart” “Tart naman. Ang OA mo” sagot niya kay Calvin “Hindi niya naman siguro magagawa yon” “Hindi naman siguro..?” ulit niya “So may chance nga..?” “Hindi siyempre. Tart naman. Relax. Okay?” tingin niya sa mga mata ng nobyo “Kahit ano pa siya, tatay ko pa rin siya. At rerespetuhin niya ang mga desisyon ko” “Sige Tart. Naniniwala ako sa’yo. Pasensiya na talaga” Hindi na sumagot si Sky sa pagpaumanhin ni Calvin sa kanya dahil lumalakad na ang kanyang ama na si Jeff papunta sa kanila mula sa itaas. “Papa” sambit ni Sky sa kanyang ama. Kaagad naman silang tumayo upang magpakita ng respeto kay Jeff. “Good afternoon po, Sir” sambit naman ni Calvin sabay taas niya ang kaliwang kamay para makipag-kamay sa ama ni Sky. Pero tinignan lang ni Jeff ang kamay ng binata. “And you are?” “Ahmm. Sorry Papa. Si Calvin po. Boyfriend ko” Hindi pinansin ni Jeff ang lalaki na kasama ng anak “Andito ka na pala, anak” sambit ni Jeff kay Sky “Mabuti naman ay napagdesisyon ka na na umuwi dito” “Papa naman. Busy lang ako sa mga negosyo natin. Alam mo naman yon diba?” “I know. Binibiro lang naman kita, anak” at sumulyap muli siya sa lalaki “At dumala ka pa ng bisita. Ang sabi mo ay boyfriend mo ito?” “Yes Papa. As I said, he’s Calvin. Calvin Francisco” Biglang napakunot ang noo ni Jeff sa kanyang narinig sa anak “Francisco..?” ulit niya “Are you related to…” “… Yes Sir. Anak niya ako” “Really..?” dugtong niya na tila na nagulat sa sinagot ng binata sa kanya “Hindi ko pala alam na may anak siya. Kung sa bagay, Alvin is a mysterious guy kahit noon pa. Dami niyang sikreto” “Oo nga po Sir eh. Ganyan lang talaga si tatay” ngiti ni Calvin. “So kamusta na siya?” “Okay lang naman po siya, Sir. Deputy Director na po si Tatay ng SAF” “Wow” sambit ni Jeff “Ang taas na rin pala ang narating ni Alvin, nang Tatay mo. Sana magkita kaming muli. Matagal na ang huli naming pagkikita eh” “Talaga po? Don’t worry, sasabihin ko sa kanya na gusto mo siyang makita” dugtong ni Calvin “Proud na proud po ako dahil sa narating ng tatay ko. At gusto ko maging katulad niya” “Talaga? So pulis ka na ngayon?” “Gusto ko rin sana Sir. Pero sa kasamaang palad po, hindi eh” at biglang nalungkot ang mukha ni Calvin. “Ohh. Bakit? What happened?” “May sakit po kasi ako sa puso. Kaya hindi ko makakayanan ang mga physical activities” paliwanag niya sa ama ni Sky “Pero sa sobrang pag-iidolo ko kay Tatay at sa kagustuhan ko na matulungan ang mga tao laban sa mga masasamang tao at sa mga nang-aapi, nag-aaral po ako ngayon ng Law” “Wow. I’m impressed, Calvin” at tumingin siya kay Sky “Sky, hindi mo pala sinabi sa akin na future lawyer pala ito ang boyfriend mo” “Hindi ko po talaga sana sasabihin sa’yo ito. Sir” dugtong naman ni Calvin “And why? Ikinahihiya mo..?” “No. Not like that, Sir. Ayaw ko lang ipinagyayabang ang kinukuha ko ngayon eh. At wala pa naman akong karapatan na magyabang kasi hindi pa ako totoong abugado” “Kung sa bagay. May point ka Calvin” Biglang naputol ang kanilang usapan na sumulpot sa kanila ang isang kasambahay. “Excuse me po, Sir. Ma’am. Handa na po ang hapunan” “Sige Manang. Pupunta na kami” sagot naman ni Sky sa babae at tumingin siya sa ama niya at kay Calvin “Tayo na. Kumain na tayo. Gutom na gutom ako eh” “Naku anak. Pass muna ako” “Bakit Pa?” “May pupuntahan pa kasi ako ngayon” “Sa ganitong oras?” sabay tingin ni Sky ng orasan “Mag-a-alas-sais na ng gabi. Saan ka ba pupunta, Pa?” “Meron emergency meeting sa office” “Babalik ka naman kaagad diba?” “Baka hindi pa siguro, anak” sagot ni Jeff “May dinner pa kasi kami ng Daddy mo. Nag-promise kasi ako sa kanya na magkita kami mamaya” paliwanag niya sa dalawa habang hinugot nito ang susi ng kotse sa kanyang pantalon “So pano, alis na ako ha” at tumingin kay Calvin “Cal. Nice meeting with you. Sana mag-usap pa tayo” “Sure Sir. Anytime” sagot naman niya. “Papa naman. Minsan lang ako pumunta dito, tapos aalis ka pa” “Sorry anak. Kailangan eh. Magkasama naman kayo ng boyfriend mo dito. Just enjoy the night” “Okay” sabay buntong-hininga ni Sky “Wala naman akong magagawa kundi intindihan kayo” “Thanks anak. Alis na ako ha” paalam nito ulit sa dalawa “Bye..” Nang pagkaalis ni Jeff ng kanilang mansyon ay kaagad dumerecho sina Sky at Calvin sa hapagkainan upang kumain na ng kanilang hapunan. Masarap ang kanilang pagkain nang napansin ni Sky na masaya at parang kalmado na ang mukha ng kanyang nobyo. “Tart” panimula ni Sky “Parang masaya ka ata ah. Okay ka lang?” “Yes Tart. Okay lang ako” sagot ni Calvin “Masaya lang kasi ako dahil okay pala ang Papa mo” “See. Sabi ko sa’yo na mabait ang Papa eh” “Oo nga eh. Akala ko istrikto siya, hindi pala” dugtong ni Calvin “Nararamdaman ko na magiging close kami ng Papa mo, Tart” “Talaga Tart? Mabuti naman kung ganon. Masaya ako dahil okay ka na ngayon” “Salamat Tart” ngiti niya kay Sky. *** Pagkatapos ng emergency meeting ay kaagad dumerecho si Jeff sa isang mamahaling restaurant na kung saan naghihintay ang kanyang asawa. Nagmamadali siyang pumasok at nakita niya nga si Nathan na nakaupo at naghihintay sa kanya. “I am so sorry. Late na kasi natapos ang emergency meeting” panimula ni Jeff at sabay beso sa asawa “Kanina ka pa ba? Sorry talaga ha” “It’s okay. You’re worth the wait naman. Palagi” ngiti ni Nathan sa kanya. “Babe. Huwag dito. You making me blush” “Oh bakit? Alam naman na nila na mag-asawa tayo diba?” “I know. Pero parang ang awkward naman kung dito” “So..? Wala naman silang pakialam kung naglalambingan tayo dito” dugtong ni Nathan sa nakangiting Jeff “By the way, how’s your day..?” “Okay naman” sagot ni Jeff habang inaalala niya ang nangyari sa kanya buong araw “Oo nga pala, nakita ko na ang boyfriend ni Sky” “Talaga? So kamusta naman?” “He’s okay naman. Mabait. Magalang. Gwapo. Matipuno. Pero ito ang mas nakakagulat” pambibitin ni Jeff “…anak pala siya ni Alvin” “Alvin..?” ulit ni Nathan “Si Alvin na barkada mo at naging ex mo?” “Yes. Siya nga” “What? May anak siya? P-paano?” “Yun nga eh. Ngayon ko lang din nalaman na may anak siya” buntong-hininga ni Jeff habang tinitignan ang menu book ng restaurant “Teka, nakapagorder ka na ba?” “Tapos na. Kanina pa” sagot nito at bumalik sa kanilang usapan “Talaga? Hindi ninyo alam ni Jacqui ang tungkol dito?” “Well. Hindi ko alam kung alam ni Jacqui ang tungkol dito. Pero I’ll ask her kapag nagkita kami” “Wow. After all these years?? May anak pala siya..” “Oo nga eh. Nakakagulat. Pero sanay naman kami sa kanya noon pa. He is so mysterious kasi. Maraming sikreto na tinatago” “E okay lang sa’yo na boyfriend ng anak mo ang anak ng ex mo..?” “Okay lang naman sa akin eh. E ikaw babe? Tatanungin kita. Pero huwag ka sanang magalit” “Sige, ano yun?” “Okay lang ba sa’yo bilang ama na magkasama ang mga anak namin ni Alvin?” “Okay lang din naman sa akin, babe. Wala naman ako sa lugar para pakialaman ang buhay pag-ibig ng anak ko diba?” “Sure ka?” “Oo naman babe. At isa pa, desisyon nilang dalawa ang paghihiwalay noon. Sigurado ako na masaya na silang dalawa sa kanilang mga buhay” “Kung sa bagay” Hindi na nakasagot si Nathan dahil dumating na ang pagkain na inorder niya kanina sa waiter. Habang kumakain sila ay may biglang sumagi sa isipan ni Nathan. “Oo nga pala, babe. Pupunta pa ba tayo sa puntod ni Nanay ngayon?” “Oo naman babe. Birthday niya ngayon diba?” sagot ni Jeff “At matagal na panahon din tayo hindi nakapagbisita sa kanya kaya pupunta talaga tayo ngayon” “I know. Sige babe. Tapusin na natin ang pagkain natin” *** Samantala. Sa bahay nina Mike at Anthony. Kakarating lang ni Mike galing trabaho at nadatnan niya na namamalantsa ng mga damit si Anthony sa sala. “Hey babe” bati ni Mike sa kanya sabay halik nito sa kanyang labi “Hello babe. How’s work?” doon niya napansin na parang mabigat ang mukha ni Mike “Babe? Okay ka lang?” “Okay naman. Masakit lang sa ulo dahil sa mga problema sa opisina” sabay higa niya sa sofa at huminga ng malalim “I need some rest..” Naaawa si Anthony sa kanyang karelasyon dahil sobrang pagod nito. Pinatay niya ang plantsa at binunot ito sa saksakan. Kaagad siyang pumunta kay Mike, lumuhod sa sahig at niyakap niya ito ng mahigpit. “Gusto mo bang i-massage kita..?” “Naku Babe. Huwag na. Pagod ka rin eh” tanggi ni Mike sa alok ni Anthony “Mawawala din naman ito kapag makapagpahinga ako ng maayos” “Pero parang hindi eh” sagot nito “Alam mo, kailangan mo ng day-off or maybe mag-leave ka ng ilang araw. Para sumigla ka muli. Ang haggard na ngayon ng mukha mo eh” mungkahi ni Anthony kay Mike “Why don’t we take a vacation.?” “What? No. Hindi pwede, babe. Maraming trabaho ang maiiwan ko” “Pero babe. Kailangan mo ‘to eh” “I know. Pero hindi ko pwedeng pabayaan ang Teng Prime Holdings” “Ilang araw lang naman eh. Please?” pagmamakaawa nito kay Mike “Para lang sa akin babe. Sundin mo ako. Please?” Biglang natigilan si Mike sa pagmamakaawa sa kanya ni Anthony. Napagtanto naman nito na tama si Anthony at kailangan niyang magpahinga kahit ilaw araw lang dahil hindi na kaya ng katawan niya ang trabaho. “Oh sige” buntong-hininga ni Mike “Aalis tayo this weekend” “Weekend?” ulit ni Anthony “No. Bukas na tayo aalis dahil nakapag-book na ako kanina sa resort” “Ha? Agad-agad?” “Of course. Nakikita ko kasi na pagod ka palagi eh. So naisipan ko na mag-book na lang ng room sa isang resort para makapag-relaks ka ng maayos” “Wow. Thanks babe. I really appreciate it” sagot ni Mike “Salamat sa concern mo” “Anytime babe. Mahal kita eh” “I love you too, babe. So anong resort ang kinuha mo para sa atin bukas?” “Basta. I’ll just surprise you tomorrow” “Wow. May pa-sorpresa ka pa ha. Sige. I’ll expect it tomorrow, babe” Itutuloy…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD