Marcoe's Hindi niya ako nakikita. Hindi niya rin ako pinapansin. Makaraan ang ilang oras niyang pagpapahinga ay nagising narin siya. Napagod kasi siya sa panganganak isama pa ang stress na naidulot ng mga pangyayari sa loob ng condo ko. Mabuti na nga lang daw at naisugod siya agad sa hospital dahil kung hindi ay may posibilidad na magkaroon ng excessive bleeding at fetal distress bago pa man siya makapanganak.Kung nagkataon ay baka hindi ko na mapatawad ang sarili ko. Hindi ko makakayang may mangyaring masama sa mag ina ko. Mag ina ko. Ang sarap pakinggan. Ang sarap din nila pagmasdan.. Pero bakit ang unfair naman ng tadhana? Dapat ay nasa tabi nila ako ngayon.. Dapat ay nakikingiti ako kasama nila. Dapat ay nakikiyakap ako sa malambot na katawan ng anak ko. Pero hindi ko sila mala

