Marcoe's "Honey.." "Honey.." naramdaman ko ang mahihinang pagyugyog sa mga braso ko kaya naman unti unti kong iminulat ang mga antok pang talukap ng mga mata ko. "uhmmmm" I groaned. Hindi ko napigilan at naipikit ko ulit ang aking mga mata dahil sa labis na antok. "huy! Gabriel ano ba! gumising ka nga!" galit na siya sa tono niya. Ayan nanaman ang mga mood swings niya at ngayon alam ko ng hindi lang siya basta-bastra naiinis sa akin kundi talagang nagagalit na. Mula noong nagsimula ang paglilihi niya ay nagbago na pati ang pagiging kalmado niya. Palagi na siyang naiinis kahit walang dahilan. Umikli ang pasensiya niya at mabilis na nagbabago bago ang mood niya. Ibinuka ko naman ulit ang mga mata ko at sa halip na salubungin ang galit niya dahil sa pangiistorbo niya sa pagtulog ko ay

