CHAPTER 2

853 Words
CHAPTER 2 JAKE P.O.V. Nasa likuran ako nila Samuel at Dave at binabaybay namin ang daan patungo sa bahay nila Mang Lando na Ama ni Kate. Habang abala sa pag kukwentuhan ang dalawa, ako naman ay iniisip kung saan ko unang nakita si Samantha. Mag iisang linggo na ako sa Isla at halos naman kakilala ko na ang mga tao doon, kahit pa bihira lang akong lumabas. Dahil nga hindi man bakasyon ang pinunta ko sa Isla ng San Simon. Nakilala ko sila Samuel at Dave ng minsang masiraan ang single na motor na inarkilahan ko para magtungo sa pamilihan, na nasa dulong bahagi ng Pantalan. Nakasunod pa rin ako sa dalawa ng biglang mag salita si Dave. "Pre.' Anung dala mo kay tatay Lando?" tanung ni Dave kay samuel. Inangat naman nito ang dalang lambanog at isang bulig nang saging na nakuha nila kanina. "Kay kate anung dala mo? "tanung naman ni Jake kay samuel. Kung may dala ito sa mga magulang ng babae hindi ba at dapat din may bitbit ito para sa dalaga. Nag palipat lipat nang tingin si Samuel saming dalawa ni Dave. Nang hindi sumagot si Samuel. "Ito nalang ang ibigay mo." inabot ni Dave ang dala nitong tatlong piraso ng rosas na hindi niya napansin na bitbit nito. Tinanggap ni Samuel ang mga bulaklak ng may pag tataka. "Saan mo naman nakuha ang mga ito?"tanung ni Samuel kay Dave na nakakunot noo na para bang alam na din nito kung saan nito nakuha ang mga bulalak. "Wag mong sabihin na…. "hindi na nito tinuloy ang sinasabi dahil mukhang pati siya ay alam na kung saan nito nakuha ang mga bulaklak, at wala namang ibang lugar na pinang galingan nila maliban sa bahay nila Samantha. Napangiti siya nang ma imagine ang ginagawa nito habang kinukuha ang bulaklak. "Wag kang mag alala, kasi hindi ko kinuha yan," binigay ni Samantha yan." napakamot ito ng ulo saka nauna ng maglakad sa kanila. Nakakailang hakbang na sila ng muling mag salita Dave. "Dahil paborito daw ni Kate yan" sabi nito habang nakaturo sa mga bulaklak na hawak ni Samuel. Natawa naman ako sa reaction ni Samuel na parang Hindi na niniwala sa pinag sasabi ni Dave. Napaisip tuloy ako kung binigay ba talaga ni Samantha ang mga bulaklak o kinuha lang ni Dave. Muli kung tiningnan ang dalawa na ng uusap ng tamang diskarte para mapasagot no Samuel si Kate. Napangiti ako habang nakamansid sa kanilang dalawa. Sa itsura ng babaeng tinatawag nilang Samantha at sa reaction nilang dalawa tungkol sa BULAKLAK masasabi kung ayaw nito na pinapakialaman ang mga tanim nito. Ngumiti naman si Samuel kay Dave saka tinapik ito sa balikat. "Salamat sa supporta tropa" sabi n Samuel kay Dave. Isa ito sa nagustuhan niya sa Isla ng San Simon.Bawat tao ay ng tutulungan. Walang naiiwan. Nag patuloy na silang mag lakad. Nakalimutan niya na din ang gusto niyang itanung kay Dave kanina. Saka niya nalang ito tatanungin kapag may pagkakataon. "Magandang gabi po!" magalang na sabi ni Samuel sa dalawang matanda na nakaupo sa may sala. Payak lamang ang pamumuhay ng bawat tao doon. Ang sabi sa kanya ng tatay ni Samuel na si Mang Jess ang lugar ng San Simon ay kailan lamang naging bukas sa publiko.kaya wala pang masyadong kalakaran na ng yayari sa lugar. Andito sila ngayon sa bahay ni Kate kung saan ang katabing bahay ay bahay naman ni Dave Agad na pinapasok sila ni aling Tess at pinaupo sa may sofa na kasya lang para sa dalawang na tao. Nakikinig ng drama sa radyo si aling Tess, habang naka upo naman si Mang Landon sa may bandang kusina. Matapos mag mano si Dave sa dalawang matanda. saka ng sabi kay Mang Lando na manliligaw si Samuel kay Kate. "Kate, Anak bumaba ka muna dito at may mga bisita ka." sigaw ni mang Lando para marinig nang nasa itaas na si Kate. Ganito ang tipikal na ng yayari sa probinsiya. Malayo sa lungsod ng Maynila na magulo at maingay, dahil na din sa modernang kultura ngayon kaya hindi na uso sa lungsod ang ligawan at iba pang kaugalian. Bagama't ginagamit pa din ang "Po At Opo" bibihira nalang sa mga kabataan ang nakakasunod nito. Ang umakyat ng ligaw o makipag Date sa nililigawan ay hindi ko pa nararanasan sa edad na binte sais. Matapos makapag aral ng Business administration ang gusto ko ay pamahalaan ang negosyong hinahawalan ng aking ama. Ang maging CEO ng DMC. Ngunit hindi mangyayari ang mga iyon hanggat hindi ko na hahanap ang babaeng nakatakda kong pakasalan. Ang babaeng pinagkasundo sa sakin ng aking ama na si DON MANUEL VILLANUEVA. Bagama't hindi na iba sa sakin 'yun dahil may dugo kaming instik, hindi pa din ako makapaniwala na ganun kaaga mag didisisyon ang pap na ipakasal ako sa babaeng ni anino ay di ko pa nakikita, tanging pangalan lamang nito ang aking natatandaan. Tradition sa mga Chinese ang arrange marriage kung saan ang mga magulang ang pipili nang magiging asawa nila. Kung hindi lang niya na tuklasana ang planong set ng mga magulang wala sana siya ngayon sa San Simon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD