Kanina pa hinahanap ni Samantha si Jake. mukhang napasarap ata ang pag kuha nito ng larawan. binaybay ko ang daanan patungo sa Isla Paraiso. Isa ito sa mga lugar na pinaka iingatan ko dahil pamana pa ito sakin ng aking Ina na minana naman nito sa aming mga ninono.
Matapos malagpasa ang puno ng mga niyogan. nilakad ko pa ang isang malaking puno ng mangga na siyang palatandaan kung saan ang hanggan ng Isla Paraiso Mula sa Isla ng San Simon.
Ang dalawang islang ito ay halos magkadugtong. napapa gitnaan lamang ito ng isang bundok na siyang ng sisilbing pundasyon para indi maabuso ang likas na yaman ng Isla.
sabi ng kanyang Lola Fe, ang islang ito ay nakapatong sa TukTok ng bundok. kung paanong may dagat na matatanaw ay hindi din nila alam.
Hahakbang na sana ako ng makarinig ako ng papayabag na mga paa. mabilis akong ng tago sa may puno ng mangga saka hinintay ang taong tumatakbo na alam kung si Jake. nag maramdamang papalapit na ito mas lalo kung isiniksik ang katawan ko sa puno ng mangga para di nito makita.
"bulag" pangugulat ko kay Jake sabay labas sa pinag tataguan ko. tawa ako sa reaction nito. Dahil sa subrang kabiglaan napa upo ito sa lupa. Malakas akong humalakhak na lalong ikina inis ng binata.
JAKE P. O. V
Nang maisip na baka makasuhan ng trespassing. mabilis akong umalis sa lugar. kahit pa gaano ito ka ganda kung indi naman saatin maaari padin tayong mapahamak. sa subrang excited ko kanina hindi ko na alam kung paano ang pabalik. binaybay ko ang daan na alam kung pinasukan ko kanina pero hindi ko pa din makita ang karatulang may nakapaskil na "ISLA PARAISO".
Dahil sa pag mamadali at pag aakalang ang mga puno ng niyog ang siyang lagusa . diniritso ko ang puno nang mangga na siyang natanaw ko kanina.
tumangbad sakin ang halaman ng mga dami na sagana sa kulay berdin na tilang malayang nakikipag sayaw sa hangin.
Dala ng kamanghaan sa nakitang Ganda ng kapaligiran, Diniritso ko ang isang puno na nakatumba sa dulong bahagi.
mas lalapitan ko pa sana ito, nag biglang may kung ano akong naapakan. mabilis kung tiningnan iyon ng magulat.
isang hakbang nalang at papunta na ako sa banging. Hindi mo makikita n bangin ang nasa dulo nito dahil natatabunan ito ng mga ligaw na halaman.
Napaatras ako sa subrang takot at kaba. mabilis akong kumaripas ng takbo hanggang sa matanaw ko muli ang puno ng mangga. nakita kung may nakatayong tao doon at sa pag aakalang si Samantha iyon. mas lalo ko pang binilisan ang takbo.
Malapit nako sa puno mangga ng bigla naman mawala ang taong nakita ko. mukhang may sa maligno ata ang lugar na ito. Nag Mula sa kung saan bigla nalang.
"Bulaga" muntik nakong mahimatay sa subrang kaba ng kung saan ay lumitaw si Samantha. para itong batang tawa ng tawa sa pag kakagulat ko. Paano kasi napaupo ako sa subrang gulat. Matalim ko itong tinitigan saka Tumayo at pinagpag ang short ko.
Nilagpasan ko si Samantha, nauna akong malakad kahit na hindi ko naman alam kung saan talaga ang iskaktong lagusa. Basta ang gusto ko ay makaalis agad sa lugar na iyon.
SAMANTHA P.OV.
Kanina pa ako nakasunod kay Jake na ngayon ay binabagtas ang kabilang dulo ng lagusan kung saan naka pwesto ang maliit na kubo na tinayo ng tatay Romaldo ko, para pahinga. At maging silbing tahanan na din noon,tuwing pupunta sila dito nila Lola Fe.
Noong limang taong gulang palamang ako ay madalas kaming andito sa Isla Paraiso. tuwing sabado at baba naman tuwing linggo ng hanapon. Mag isa lang siya at walang kalaro pero hindi ko naramdaman na mag isa lang ako dahil nariyan ang tatay Romaldo. Noon-- pero iba na ngayon, wala na ang taong kakampi ko at kasama sa lahat ng gawing disisyon ko sa buhay.
Bang'-- sa kakaisip tumama ang ulo ko sa matitipunong dibdib nito. Ini-angat ko ang ulo ko. Nag salubong ang mga mata namin. Ako ng unang bumawi ng tingin dahil hindi naman ako sanay sa ganung pakiramdam.
"Dito ang tamang daan." Turo ko sa kanya sa puno nang niyugan saka ng patiuna ng maglakad.
"Kalma, kalma" bulong ko saking sarili.
"Kaninong bahay 'to.? tanong ni Jake sakin ng makarating kami sa maliit na kubo. Mabilis kong binuksan ng maliit na tarangkahan saka binigay sa kanya ang pares na damit. nakalimutan ko din kasing sabihan ito na baka dito sila magpapalipas ng gabi.
"Suotin mo muna yan, habang pinapatuyo ang mga damit mo." Sabi ko kay Jake saka Inabot ang terno na damit na pag mamay-ari ng kanyang tatay Romaldo. Tumingin ito sa hawak ko saka ng pasalamat.
Dumiritso naman ako ng kusina para doon ihain ang mga dala naming pagkain.
Kanina kasi ng hinahanap ko si Jake napag disisyunan ko nalang na dito tumuloy. Total naman hindi na sila makaka baba pa ngayon dahil tiyak na aabutan sila ng dilim sa daan. Isa pa wala naman sigurong masama kung magkasama sila ngayon dahil magkaibigan naman sila.
"Tama, magkaibigan naman sila."Sabi ko saking sarili saka tumayo para puntahan si Jake sa batis.
Sa unahan kasi ng kubo kung saan nakatayo ang kubo ay may batis na matatagpuan. Ang waterfalls na makikita sa ibaba ng kapatagan ay ng mumula pa sa batis rito. Maliit lang ito pero ni minsan hindi pa bumababa ang level ng tubig. Nakaka pagtaka din na kahit may bagyo o malakas na ulam ni hindi lumalabo ang tubig dito. Kaya siguro ito tinawag na "Isla Paraiso."
"Bang'--" sa pangalawang pag kakataon na bangga nanaman ako sa matitipunonh katawan ng kung sino man. Napahimas ako ng ulo saka tiningala ang taong nakabangga ko. Napa nganga ako ng wala sa oras. "Aba' sino ba naman ang di binigay sa mga tinapay na ng uumpukam sa katawan nito. Napapikit ako saka pumikit ulit kasabay ng pag lunok ng laway ko.
"Sorry, Hindi kasi kasya sakin ung damit, kaya hindi ko sinuot." Sabi ni Jake na mas lalong ng pa lakas ng t***k ng puso ko.
"Samantha, kalma" bulong ko sa sarili ko saka kinuha ang mga damit sabay takbo pabalik ng kwarto.