Kanina pa si Samantha pasilip silip sa siwang nang bintana nila. Paikot-ikot na din siya sa loob ng bahay nila.
"Aba! batang ito', kung may plano kang umalis, bakit di kapa lumarga?" nakakunot noong sabi sakin ni lola ni lola Fe.Nakupo ito sa upuan na yari sa Narra.
Ang bahay nila ay maliit, Namana pa nila ito sa kanilang mga ninuno. Bagamat sementado na ang baba nito nilagyan ng kanyang tatay Romaldo ng second floor ang bahay kahit yari sa kahoy para daw may privacy din siya.
Ang sala at ang kusina ay nahahati sa pagitan ng lumang aparador na may radio na katamtaman ang laki, sira na din ito pero ayaw pang ipatapon ng lola Fe niya dahil pamana pa daw ito ng kanyang lola sa tuhod. Hindi na nga na uuso ang ganoong radio dahil nauuso n ngayon ang radio na isasaksak sa kuryente.
Ang bakuran naman nila ay puno ng halaman, ito ang kanyang libangan sa tuwing madami siyang iniisip. Nang mawala ang tatay Romaldo niya ito ang kanyang naging katuwang para makalimutan ang pagkawala nito.
Sabi din ng kanyang lola Fe namana niya daw ang pagiging mahilig sa halaman sa kanyang ina.
Lumaki ako kasama ang sila Lola Fe at Tatay Romaldo. Hindi ko na nakita at nakasama ang aking tunay na ina.
Ang sabi sa kanya nang kanyang Tatay Romaldo namatay daw ito sa panganganak sa kanya. Minsan kapag nakikita niyang nakatulala ang kanyang tatay Romaldo, alam kung iniisip nito ang kanyang ina. Kung nabubuhay pa lamang ito sigurong masaya ang kanilang pamilya. Maalaga at mapag mahal kasi ang kanyang tatay Romaldo, masipag din ito at kasundo ng mga tao sa kanilang lugar.
Pero malabo na ang lahat dahil wala na din ang kanyang Tatay Romaldo. Paluwas ito sa Maynila para sa graduation niya sana, ngunit na disgrasya ang sinasakyan nitong Bus.
"Hindi ka ba lalabas?" tinapik ni Lola Fe ang aking balikat na siya namang nag pabalik sakin sa kasalukuyan. kahit na matagal na ito sariwa pa din sakin ang lahat. may mga pag kakataon na sinisisi niya ang kanyang sarili kung bakit nag pumilit pa siyang paluwasin ang ama kahit na may paparating na bagyo ng panahong iyon.
JAKE P.O.V
Kanina pa si Jake nakatayo sa may tarangkahan ng bahay nila samantha. kinakawayan niya na nga ang dalaga pero para itong namaligno na di man lang siya makita.
Bubuksan ko na sana ang tarangkahan ng biglang paglabas ng isang matanda .Nasa anim na pong taon na siguron ang edad nito basi na din sa kulay ng buhok nito at balat. Siguro ito ang Lola Fe ni Samantha na sinasabi ni Samuel, Ngumiti ako sa matandan saka hinanap si samantha.
"Magandang araw po!" sabi ko sa matanda na maaring Lola Fe n Samantha.
"Nandito pa po ba si Samantha?"magalang na sabi ko sa matanda. Tumango ito saka tumalikod sa kanya , siningyansan siya nito na tumuloy sa loob ng bahay. hindi niya mashadong nakita ang loob ng bahay kagabi dahil bukod sa labas lang sila ng Gate ay ng mamadali rin sila.
Maayos naman ang buong kabahayan, tulad ng karamihang bahay na nakikita niya. ang dibider na nilalagyan ng mga decorasyon ang ng sisilbing panghati para sa sala at kusina. May maliit din itong lamisa sa gilid at dalawang upuan ang isa ay para siguro kay lola Fe dahil malaki ito ng kinti sa regular na upuan.
Lumapit siya sa mga nakasabit na litrato malapit sa may lamesa.kasama ng matandang lalaki ang batang nasa anim o pitong taong gulang na sigurado siyang ang bata na yun ay si Samantha. Tinitigan niya ulit ang lalaking nasa litrato parang nakita niya na ito di niya lang maintindihan.
Wala sana siyang balak mag pakita kay Samantha, ang balak niya sana ngayong araw ay mag tanong tanong kung saan matatagpuan si Romaldo Dela Cruz, dahil yun naman talaga ang unang dahilan kung bakit siya naririto sa mindoro. Ang makita at mahanap ito para mapakiusapan na 'wag ng ituloy ang kasunduan.
"Umopo ka muna iho," turo ng matanda sa maliit an sofa doon. tiningnan niya ang bintana na kinatatayuan ni Samantha kanina pero wala na doon ang dalaga.
"Salamat po--" Ako nga po pala si Ja-- na hindi na niya naituloy ang sasabihin nang makitang pababa ng hagdanan si Samantha. Naka itim ito na damit na tinirnuhan ng jumper. naka lugay din ang buhok nito na makapal at itim na itim.
may bitbit itong malaking flash light sa kamay.
Samantha P.O.V
Nang makita ko na pinapasok ni lola Fe si Jake mabilis akong umakyat ng kwarto. Muntik niya ng makalimutan ang oras ng pagsundo ni Jake. Kung bakit ba naman kasi nasabi sabi niya pa sa binata kagabi na maghihintay siya, samantalang hindi namn niya ugaling mag pasundo. Sanay siya, na siya ang pumupunta sa kausap para sigurado na matutuloy ito.
Jumsuit ang sinuot ko dahil mas kumportable ako sa ganitong damit. Nilugay ko lang ang buhok na lagpas balikat ang haba. nang makita ko ang ayus ko sa salamin. Bumaba na ako, ayukong maghintay si Jake dahil baka umalis at mainip.
"Pasinsyan kana nga pala sa bahay namin" nakakamot na ulong sabi niya kay Jake. buti nalang at nahimasmasan siya sa pag babaliktanaw dahil kung hindi nakakahiya kung makikita nitong umiiyak siya.
"Ayus lang, saan ba tayo pupunta?" tanong sa kanya ni Jake.
"Sa ISLA PARAISO" nakangiti kung sabi sa kanya.
Kinuha ko ang basket na hinanda ko kagabi saka Inabot Kay Jake. Nakatingin pa din ito sakin pero hindi na ng tanung pa.
Matapos makapag paalam Kay Lola Fe, pinasabay ko si Jake sa motor. Ng tataka pa din ito pero hindi nalang ng tanong. Mas pinili nitong manahimik kisa mag tanung. Mabuti na din iyon para wala ng paliwanagan na mangyayari.
"May license kaba para mag maneho" tanong ni Jake nag makasakay na ito sa aking likuran.
"Wala"nakangiti kung sagot sa binata.
"What" pasigaw nitong sagot, " Ako na mag da-drive" sabi nito. hindi ko pinansin ang reklamo nito dahil kahit naman ito ang mag maneho hindi rin nito alam kung saan sila pupunta.