Chapter 14 - Final Exam

2005 Words

Dia's POV Kinabukasan ay tumuloy agad kami ni Liya sa winter room ni Miss Willow. Pagpasok namin doon ay sinalubong kami ng malamig na temperatura. Ang pinagtataka ko lang ay pinalabas agad kami ni Miss Wilow. Sinabi niya na sumunod kami sa kanya dahil tatalon na raw ang exam ko sa pinakadulo. Sa una ay nalito pa ako pero nang pumunta kami sa training field ay nagulat na talaga ako. Nando'n na kasi sina Miss Locasta, Miss Helia, Miss Oxalis, Miss Sanaya at ang iba pang tagapagturo sa Madita Academy. Nando'n din ang tatlong bruha na sina Daphne, Nolina at Selloa. Sa training field ay may apat na upuan. Pero ang isang upuan do'n ay kakaiba. Kulay gold kasi ito na mukhang mataas na uri ng tao rito ang uupo. Tahimik kaming naglalakad papalapit sa training field. Pinaiwanan na ni Miss Willow

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD