Chapter 8 - Ang Malditang si Daphne.

1715 Words
Dia's POV "Huwag na kaya tayong tumuloy?" pagpipigil ni Venuss sa 'kin. Napairap ako. "Seryoso ka ba? Kung kaylan nandito na tayo, saka mo 'yan sasabihin sa 'kin? Nasa kalahati na tayo ng paglalakbay kaya hindi na puwedeng umatras!" "Eh, kasi naman, pakiramdam ko ay may masamang mangyayari," sabi niya kaya napairap na naman ako. "Hindi 'yan. Kalma ka lang diyan at magtiwala ka sa 'kin." Hindi na niya ako napigilan. Tumahimik na lang siya. Tumuloy pa rin ako sa plano ko. Malakas kasi ang kutob ko na tama 'tong gagawin ko. Na may magandang kalalabasan ang plano kong ito. Hindi ko lubos maisip na magagawa kong maglakbay ng ganitong dis oras na ng gabi. Pasado alas-onse na kasi ng gabi. Tumakas ako kanina sa kubo ng hindi nanggigising ng mga kasamahan ko. Iyon ang unang hakbang kaya nakaraos na roon. Nandito na ako ngayon sa ikalawang hakbang na kung saan ay ang paglalakbay naman sa madilim na daanan ang inaatupag ko. Dala-daka ko ang gasera na hiniram ko kay Liya kaninang hapon. Sa nakikita ko ngayon ay ang magiging problema ko lang ay ang gaas na ginagamit nila. Kakaunti na kasi ang laman nito. Sana naman ay umabot ito hanggang sa pag uwi ko mamaya. May minsan na natatakot ako, pero minsan nilalakasan ko na lang ang loob ko dahil 'pag takot ang nanaig ay papalpak ako. Sa daan ay nakakadinig ako ng mga hayop na humihuni. Medyo creepy, pero minsan masarap din naman sa tenga. Ang weird, pero gano'n talaga ang effect sa 'kin. "Ano ang mga huni na naririnig ko?" tanong ko kay Venuss. "Huwag kang matakot. Mga paniki lang 'yan na kumakanta tuwing gabi." "Kumakanta? Bakit?" tanong ko. Ang weird naman. Sabagay, nasa ibang mundo ako kaya 'di na rin ako magtataka. "Ganyan ang ritwal nila para manatiling tulog ang mga taga Madita," sagot ni Venuss. "Kung gano'n bakit hindi tayo tinatablan? Bakit hindi tayo inaantok?" tanong ko pa. "Dahil 'di naman tayo taga Madita. Taga Elenor tayo kaya hindi tatalab 'yan sa atin na." "Napakahiwaga talaga ng mundong ito." Ilang minuto pa ang tumagal ay nakarating na rin kami sa bungad ng bayan ng Madita. "Tamang-tama pala ang ritwal ng mga paniki. Sumasang-ayon ang tadhana sa plano ko. Siguro naman ay walang magigising sa papasukin nating bahay dahil natutulog sila." "Basta, please, dobleng ingat lang, Miss Dia," paalala ulit ni Venuss. Hindi ko na lang siya pinansin dahil isang malaking bahay ang pumukaw sa mata ko. Kung titignan ang bahay ay para itong mansyon sa sobra nitong laki. "Nakita ko na ang bahay na papasukin natin," saad ko sa kanya. Agad-agad kong ginamit ang kapangyarihan ko. Tumagos ako sa dingding ng malaking bahay na nakita ko. Nakakatuwa dahil hardin agad nila ang bumungad sa 'kin. Tahimik ang buong paligid pagdating ko roon. Pero, kaakit-akit agad ang nadatnan ko dahil sa sari-saring prutas at gulay na nakita ko. Bagay na hindi ko manlang nakikita sa bayan ng Elenor. Talaga ngang iba ang bayan ng Madita. Halos tila masasarap ang pamumuhay ng mga tao rito. Napaka-unfair. Dinig ko pa rin ang mga kanta ng mga paniki rito kaya alam kong safe na safe ang gagawin kong pagnanakaw, na ngayon ko lang gagawin sa buong buhay ko. Alam kong masama ang pagnanakaw, pero kaya ko lang naman gagawin ito ay para sa ikakasaya at ikakabuti ng ibang tao na deserved ang ganitong mga pagkain. Hindi na ako nagsayang pa ng oras. Namitas ka agad ako ng sari-saring gulay at prutas na nakita ko roon. Sa kalagitnaan ng aking pamimitas ay biglang bumukas ang pinto ng bahay na 'yon. Nakita ko ang isang dalagang babae na lumabas at gulat na gulat habang nakatingin sa akin. May harang ang tenga nito na para bang sinasadya niyang gawin para hindi niya madinig ang mga kanta ng mga paniki. Nalaglag ko agad ang kalabasa at upo na hawak-hawak ko. Nagulat nalang din ako sa nangyari. "Sino ka?! Bakit ka nagnanakaw sa bahay namin?!" galit nitong sigaw sa akin. "Patay. Ito na nga ba ang sinasabi ko," bulong ni Venuss. Natulala ako sa sobrang gulat ko. Tila may mga naghahabulang mga kabayo sa loob ng dibdib ko. Ano ng mangyayari sa amin nito? Biglang nagkaroong ng bilog na apoy sa paligid ko. Kinulong ako ng apoy, na sa tingin ko ay kapangyarihan ng babaeng iyon. "Please, maawa ka, pagkain lang naman ang hiling ko, nagugutom na kasi ako," pagmamakaawa ko sa kanya. Halos 'di ako gumagalaw. Natatakot ako sa apoy na nakapaligid sa 'kin. Baka kasi, mapaso ako no'n. Umalis saglit ang dalagang babae. Pumasok siya sa loob ng bahay nila. Paglabas niya ay kasama na niya ang isang babae at lalaki. Mga magulang niya ata. "Look, pinasok tayo ng isang magnanakaw na sigurado akong taga bayan ng Elenor," saad nung babaeng dalaga. Sa kilos at pananalita pa lang niya ay mukhang maldita ang isang 'to. "Isang malaking kasalanan ang ginawa mo. Maari ka naming paslangin dahil nasa loob ka ng aming teritoryo. Anong naisip mo at ginawa mo 'to? Tila hindi mo ata alam ang patakaran dito?" saad ng Ama ng dalagang babae. "Nagkakamali kayo. Hindi po ako taga-Elenor. Isa po akong ligaw na tao na galing sa mundo ng mga normal. Dito po kasi ako lumusot sa puno ng mangga. Dito ako niluwa ng portal na pinasukan ko. Hindi ko rin po alam kung bakit nangyari 'to. Kahit ako ay gulong-gulo. Gutom na gutom na kasi ako kaya nakipitas na lang ako ng makakain dito. Hindi ko po kasi alam na may ganito palang pinagbabawal sa mundong 'to. Patawarin niyo sana ako at huwag niyo sana akong patayin," pagmamakaawa ko. Nagsinungaling na lang ako para makaligtas kami kahit pa paano. Pero mukhang walang epekto ang pagpapaawa ko dahil nakita kong tatawa-tawa ang dalagang babae. Sa aking palagay ay mukhang ka-edad ko lang siya. "I'm sorry, Girl. Nararapat lang na patawan ka ng parusa dahil sa ginawa mo. Pero, sige, dahil galing ka sa mundo ng mga normal, bibigyan kita ng pamimilian. Anong gusto mo? Papatayin kita dito o babalik ka na lang sa mundo niyo?" saad niya na biglang kong kinatakot. Napatingin ako kay Venuss. Buhay namin parehas ang nanganganib ngayon. "Huwag po. Maawa kayo. Hindi po ako pwedeng bumalik sa mundo namin. Mamamatay ang alaga kong ghost plant kapag ginawa ko 'yon," sagot ko. Lumuhod ako sa kanila. Nagbabakasaling papatawarin pa nila ako. "Pwes, ikaw na lang ang papatayin ko," sabi ng dalagang babae habang naka-abang na ang kamay niya sa akin at anomang oras ay tila patatamaan ako ng apoy niya. Ang sama niya talaga. Nakakainis ang ugali niya. Kumukulo ang dugo ko sa kanya. "Kinalulungkot namin na parusahan ka, ngunit kailangan mo talagang mamili. Kaligtasan mo o kaligtasan ng halaman mo? Mali ka na lang para sa ikatatahimik nating lahat," mahinahong wika ng babaeng magulang ni maldita. "Bumalik ka na lang sa mundo mo. Huwag mo na akong isipin. Nangyari na ang nangyari. Sige na, piliin mo na ang kaligtasan mo," sagot ni Venuss na kinalungkot ko. Kusang tumulo ang mga luha ko. "Kung alam ko lang na mangyayari 'to ay dapat nakinig na lang sana ako sa 'yo." Wala akong nagawa kundi ang pumitas na lang ng dahon kay Venuss. Mangiyak-ngiyak ako habang unti-unti kong nakikitang umiilaw ang mga puno sa paligid ko. "Umuwi ka na sainyo. Pagpasensyahan mo na kami. Sumusunod lang kami sa patakaran ng mundong 'to. Ngayon pa lang ay kinalulungkot ko ang mangyayari sa alaga mong halaman." Mabuti pa ang babaeng 'yon, mukhang mabait. Sigurado ako na sa asawa niyang lalaki nagmana ang anak niyang maldita. Parehas kasi itong masungit. Sana lang 'di sila mapadpad sa mundo namin. Kasi, 'pag nangyayari iyon ay gagantihan ko sila. "Muli, humihingi po ako ng tawad," saad ko sa kanila bago ako umalis. Sa oras na 'to ay seryoso na ako. Tinignan ko si Venuss. Tinitigan ko na siyang mabuti. "Patawarin mo sana ako, Venuss. Hinding hindi kita makakalimutan. Tumatak ka na sa puso at isip ko. Maraming salamat sa kakaibang memories na binigay mo sa 'kin. Mahal na mahal kita. Pagpasok ko natin sa isa sa mga puno rito ay unti-unti ka nang mabubulok. Ngayon pa lang ay lungkot na lungkot na ako. Sorry talaga." "Ang drama. Alis na!" bulyaw ni maldita kaya napairap ako. "Enough, Daphne!" saway sa kanya ng Mama niya. 'Yon pala ang pangalan niya. Tatandaan ko 'yan. Malakas ang pakiramdam ko na makakabalik ako rito. Babalikan ko siya. Dahan-dahan na akong pumasok sa puno ng mangga habang patuloy na umiiyak. Dinig ko rin ang iyak ni Venuss na pilit na tinatago na sa 'kin. Nilamon na kami ng liwanag. Iyak ako nang iyak habang nalalaglag na kami sa loob ng portal. Alam kong sa paglabas namin dito ay mawawala na sa 'kin si Venuss. Nakakalungkot talagang isipin na napatay ko lang siya sa bandang huli. Lumabas kami sa puno ng atis sa garden ng bahay namin. Tinignan ko agad si Venuss. Hinintay ko ang kanyang pagkabulok ngunit tila iba ang nangyari. Nagulat ako dahil unti-unting lumabas ulit ang mga batik-batik na puti sa mga dahon niya. "T-teka, bakit parang walang nangyari. Buhay pa rin ako, Dia!" masaya niyang wika kaya nanlaki ang mata ko. "At nagbalik ka na rin sa pagiging variegated mo!" saad ko kaya tuwang-tuwa ako. Hindi ako makapaniwalang buhay siya at hindi namatay. Ang healthy-healthy pa rin niya. "Ang saya-saya ko. Akala ko mamatay na ako," saad ni Venuss. "Sobrang saya ko rin." Lalo tuloy akong naluha. "Teka, ibig sabihin ba nito ay may pag-asa pa rin tayong sagipin si Mama?" "Gano'n na nga. Saka, natuklasan ko rin na kapag nandito ako sa mundo ng mga normal na tao ay nagiging variegated ako. Pero 'pag narooon naman tayo ay nagiging normal na ghost plant lang ako. Ang gara lang." Dahil sa nangyari ay tuloy ang aking planong pagtulong sa mga taga-Elenor. Ito na ang umpisa ng pag-ahon nila sa hirap. Bigla ko tuloy naalala si Daphne. Tatandaan ko ang pagiging maldita niya. Humanda siya. Balang araw ay magkakaharap ko rin siya ulit. At sa oras na mangyari 'yon ay sisiguraduhin kong ako naman ang mag-mamaldita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD