Dia's POV Tuwang-tuwa si Erson nang ipakita ko sa kanya ang iba ko pang kapangyarihan. Para raw siyang nasa isang fantasy movie habang pinapanuod kami ni Amir na isa-isang pinapakita ang mga kapangyarihan namin sa kanya. Pinagbabawalan na lang namin siyang sumigaw dahil baka may makakita sa aming ibang crew ng resort. Napapalakas kasi ang sigaw niya minsan tuwing manghang-mangha siya sa amin. Mahirap na, baka mag-viral pa kami. "Wait, alam niyo ba na may CCTV dito? Baka makuhanan nila ang mga ginawa niyo," sabi ni Erson na tila siya pa ang kinabahan. Kaibigan ko nga siya. Ayaw rin niyang mapahamak kami. Nginitian ko siya. "Alam ko na rin iyan. Siyempre, ayoko naman din na guluhin ang isipan ng mga tao rito. Saka, ayokong mag-viral. Bago kami magpakita ng kapangyarihan sa iyo ay ginamit

