Dia's POV Maaga akong pinatawag ni Miss Locasta, kinabukasan. Hindi na niya ako nakuhang sermonan kagabi dahil inaantok at pagod na siya. Pagpasok ko sa room niya ay seryoso siyang nagbabasa ng isang libro. Nang makita niya akong umupo sa harap niya ay binitawan na niya ang libro at saka ako hinarap. Hinanda ko na ang sarili ko dahil mukhang mapapapasok ako sa dark room ngayong araw. "Malaking kasalanan ang ginawa mo kagabi, Miss Dia. Pasalamat ka kay Prinsipe Amir at sinagip ka nito. Kaya bilang parusa ay papasok ka ngayong araw sa loob ng dark room. Patawarin mo ako, ngunit kailangan mong maparusahan para madala ka," aniya. Tinanggap ko ang parusa niya dahil kasalanan ko naman talaga. Hinatid niya ako sa labas ng dark room. May bungo na nakaukit sa pintuan nito kaya doon pa lang ay ta

