Dia's POV Hinanap ko si Erson pagkatapos naming makipag-usap ni Amir kay Miss Locasta. Kinabahan pa ako dahil ang tagal bago ko siya mahanap. Narinig ko na lang ang boses niya na may kausap. Napangiti ako nang makita ko siyang kausap si Daphne. Hindi ko inaasahan na magiging close agad sila nito. Kilala ko kasing mataray si Daphne. "Anong kapangyarihan mo?" dinig kong tanong ni Erson kay Daphne. "Fire magic," sagot ni Daphne. Naka-upo sila sa damuhan. Tumayo si Daphne sa harap ni Erson. Nagpalabas ito ng apoy sa kamay niya kaya manghang-mangha si Erson na halos pumapalakpak pa sa kanya. "Ang galing! Hindi talaga ako makapaniwala na totoo kayo. Lalo na ang kapangyarihan ng bestfriend kong si Dia. Lalo na rin nang makarating ako rito. Ang ganda-ganda ng mundo niyo. Feel ko ay na sa fanta

