Dia's POV Kinakausap ko si Venuss nang may kumatok sa pinto ng sleeping area ko. Naliligo si Liya kaya ako na ang nagbukas nito. Nagulat pa ako nang makita kong si Prinsipe Amir ang taong iyon. Kasama niya ang alalay niyang si Exequiel na nginitian pa ako. Agad akong yumuko sa prinsipe para magbigay galang sa kanya. Nakakahiya dahil gulo-gulo pa naman ang buhok ko dahil nakahiga ako kanina bago ako kinausap si Venuss. "Maganda hapon po, mahal na Prinsipe Amir," bati ko agad sa kanya. "Maganda hapon din sa iyo, Miss Dia," sagot niya sa akin. "Maari ba kaming pumasok?" tanong pa niya kaya binigyan ko agad sila ng daan para makapasok sa loob. Pinaupo ko sila sa salas. Aligaga ako dahil nahihiya talaga ako. Hindi ko alam kung bakit siya naparito. Pero isa lang ang nasisiguro ko kaya nandi

