Dia's POV Kinausap namin ni Amir si Miss Locasta tungkol sa kinuwento sa akin ni Erson kagabi. Malaking pagtataka lang nila dahil imposibleng mangyari iyon na bigla na lang siyang nagustuhan ng isang succulent plant dito sa Madita Academy. Alam namin na normal na tao lang siya kaya malaking palaisipan sa amin kung bakit bigla siyang nagkaroon ng kapangyarihan at bigla siyang nagustuhan ng golden barrel na nakita niya sa hardin ng Madita Academy. Kaya para makasiguro kami ay pumunta kami ni Amir sa mundo ng mga tao. Inutusan kami ni Miss Locasta na alamin ang background ni Erson. Malakas daw kasi ang kutob niya na may kadugo si Erson na nakakarating din dito sa Madita. Paglabas namin ni Amir sa portal ay nadatnan naming nagdidilig sa hardin ng bahay namin si Aling Bebe. Napasigaw ito at s

