Vaughn's POV "Hello bro ano balita?" tanong ko agad sa kabilang linya dahil kanina pa ako naghihintay dito sa aking opisina pero walang Gavin ang dumating. "Bro kung hindi ka busy ngayon pumunta ka sa opisina ko sa G.A.V mamayang after lunch. May ibibigay ako sayo. Pasensya ka na at naiipit ako ngayon sa isang mahalagang meeting," wika nya sa kabilang linya. "I will see you there after lunch. Siguraduhin mo lang na magugustuhan ko ang ibabalita mo sa akin bro kung hindi wala kang matatanggap kahit na ano sa akin." ani ko sa kanya. "Luluwa ang mata mo kapag nabasa mo na ang lahat ng impormasyong nakalap namin." masaya nyang litanya sa kabilang linya. Pagkasabi niya ay may kung anong pananabik ang naramdaman ko at nagsimula na namang tumibok ang aking puso na animo ba ay aatakihin na ak

