◄Vaughn's POV► Kasama ko ngayon si Harold at si Chei dito sa isang sikat na American restaurant. Nagpapaka-sweet si Harold kay Chei habang ako naman ay parang walang nakikita. Alam ko na naman kasi kung ano ang tunay na estado ng kanilang relasyon kaya balewala na sa akin ang mga nakikita ko sa harapan ko. "Hey! Mamaya na kayo maglampungan, sweet lover. Kailangan natin itong tapusin dahil may trabaho pa ako mamay. Importante ang susunod kong meeting at walang pwedeng makapag cancel sa akin ng meeting na 'yon kaya umpisahan na natin ito," aniko. Bigla namang napatingin sa akin si Chei at si Harold. Lalong-lalo na si Chei na napataas pa ang isa niyang kilay habang nakatingin sa akin. "May mali ba sa sinabi ko? Mamaya na kayo maglampungan after ng meeting natin para matapos na natin ito,"

