Archeina's POV Kanina pa ako kinukulit ng kaibigan ko na mag-bar. Sa totoo lang ay gusto ko naman talaga kaya lang iniisip ko din ang anak ko dahil baka hanapin ako at umiyak kapag hindi niya ako nakita. "Sige na bff kahit ngayon lang. Sa Italy nga halos gabi-gabi tayo nag ba-bar hindi ba? Sabi nila maganda daw ang G.A.V bar sa Makati. Puro pang sosyalin lang daw ang pumupunta duon at hindi basta-basta nagpapapasok duon ng kung sino-sino lang. Sige na bff kahit ngayon lang tapos hindi na kita kukulitin bukas, next day na lang." ani sa akin ni Donna sabay tawa niya kaya natatawa din ako sa kanya. "Si Vince gising pa, baka umiyak lang 'yan." wika ko sa kaniya. "Nandyan naman ang yaya nya at ang daming bodyguards sa labas ng mansion. Sige na bff pagbigyan mo na ako kahit ngayon lang." p

