Chapter Four•

1023 Words
Celestina's POV Namangha ako sa aking nakita, pagpasok pa lang ng aming sasakyan ay agad ko nang natanaw ang napakalawak na solar. Ang hardin ay talaga namang kaakit-akit na napapalibutan ng makukulay na mga bulaklak at iba't-ibang halamang tanim. Mukhang alagang-alaga ang mga iyon. Sa pinaka sentro ay natatanaw ang hugis pusong swimming pool na mangasul-ngasul ang kulay. "I'm sorry, Sweety, this is not as big as our mansion in Chicago," sabi ni Migs habang maingat akong inaalalayan pababa ng kotse nito. Okay lang ba siya? Hindi pa ba malaki ang bahay na ito para sa kanya? Hello! Para na kaya siyang palasyo sa laki! "What I like in this place the most, that's why I bought this, is the garden. It's very relaxing and it gives me a positive energy. Everything about this house is so beautiful. What can you say, Sweety?" Masayang binalingan niya ako nang tingin. "But, if you don't like this we can buy another one just tell me." Tsk! Ano ito laruan? Ganun ba karami ang pera niya at kaya niyang bumili ng kahit ilang bahay ng ganun lang kadali? Tiningnan ko ang lalaki sa aking tabi. Lord... napaka gwapo po niyang talaga. Patawarin niyo po ako, lalo lang nadadagdagan ang kasalanan ko kapag nakikita ko siya. Pakiramdam ko po isang malaking kasalanan ang mapatingin sa kanya. "Are you okay, Sweety?" Napakislot ako sa tanong niyang iyon. "Huh! Bakit?" balik tanong ko naman dito. "You're spacing out!" "Ah... wa-wala, lang may naisip lang ako." "Care to tell me what it is?" interesadong tanong niya. Huh… patay! Ano ba ang sasabihin ko? Ting! "Nasaan ang a-anak natin?" alanganin na tanong ko. Tsk! May naisip din akong palusot. Pero, bakit ba parang napakahirap para sa akin ang bigkasin ang salitang anak? Ang weird naman kasi, ang poging lalaking ito at ako ay may anak! Naku naman, ni sa panaginip hindi pumasok sa isip ko ang mga bagay na ito. "Mom and Dad took care of Kyle. I got so busy searching for you and I lost time to look after him, but tomorrow he'll be here. Now that you're back, our family is complete, we can start over again." "Come on, let's get inside. I'll show you the whole part of the house when you're okay. But for now, we'll proceed to our room first, you need to take a rest. " Wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod na lang ng alalayan ako nito. Magkahawak kami ng kamay hanggang sa makapasok sa loob. Hindi ako komportable, iba ang aking pakiramdam habang tinitingnan ko ang magkasalikop naming mga kamay, ngunit sinikap kong maging kaswal lang ang reaksyon ng aking mukha. Hindi niya kailangang malaman na naaasiwa ako. Pagdating namin sa loob ay nagimbal ako sa bumungad sa amin. Sa may malawak na sala na napakamoderno ng mga kagamitan ay tumambad sa akin ang napakalaking wedding picture ni Migs at ng asawa nitong si Georgina. Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita, kamukhang-kamukha ko nga ang asawa niya. Para lang akong nananalamin habang matamang nakatitig sa larawan. Sobrang laki niyon. Kasing laki at taas ng dingding kung saan ito maingat na nakasabit. Maikukumpara ko na siya sa mga billboard sa EDSA sa sobrang laki. "Nakauwi na pala kayo!" Nawalang bigla ang atensyon ko sa larawan, awtomatikong napalingon ako sa pinanggalingan ng nagsalita. "Nay Delia!" Tuwang yumakap si Migs dito. " I miss you... it's been a long time." Walang reaksyong nakatingin lang ako sa dalawa na alam kong na miss talaga ang isa't isa dahil sa mga kilos nila. Masayang yumakap din ang Nay Delia na ito kay Migs. "Nay Delia is here, she will take care of us from now on." Baling nito sa akin. "Hello po kumusta kayo? " Lumapit ako sa matandang babae para magmano. Sa tingin ko ay nasa sixty plus na ang edad nito. Pagkatapos kong magmano ay yumakap pa ako rito. Anupa't parang naging komportable ako sa presensiya niya. Ngunit nang magkasalubong ang aming tingin bakit ba parang may pagdududa na bumabalot sa reaksyon ng mukha niya? "Ano ba ang nakain ng babaeng ito, Miguel at nagkakaganito siya? Hindi naman siya dating ganito sa akin." May iritasyon sa tono nang pananalita ng matanda. "Nay Delia!" saway ni Migs dito, tiningnan pa ito nang makahulugan ngunit inismiran lang siya ng matandang babae at pagkatapos ay bumitiw sa pagkakayakap ko. Huh! Wala naman akong sinabing masama, ah! "Malakas siguro ang pagkakabangga niya kaya naapektuhan ng husto ang utak," walang pakundangan na sabi pa. "We have to understand her, Nay Delia. She's suffering from a trauma and because of the accident she can't remember anything," pagpapaliwanag ni Migs. "Huh! Wala siyang maalala?" gulat na tanong ng matanda. "Yes, Nay... she hardly can't remember anything so the best thing that we can do to help her is to feed her the precise knowledge about her past for her to regain her lost memory." "Mas mabuti na sigurong 'wag nang bumalik ang alaala niyang asawa mo, baka sakaling ngayong wala siyang maalala ay bumait na siya." Grabe! Ganun ba kasama ang Georgina na iyon para ganito na lang nila kung pag usapan? "We need to go to our room, Georgina is not yet okay. " I-iling iling na hinawakan ako ni Migs at dumiretso kami ng lakad papunta sa mataas na hagdan. "Miguel, anak!" Sabay kaming napalingon ni Migs sa tawag na iyon ni Nay Delia. "Pasensya ka na, sa'yo din Georgina, hindi maganda ang inasal ko patawarin ninyo ako," pagpapakumbabang sabi nito. Ngumiti si Migs dito sabay tango, maya'y marahang pinisil ang palad ko na hawak niya. Wari bang ipinaparating sa akin sa pamamagitan niyon ay rumesponde ako sa sinabi ng matandang katiwala. "Ay, naku! Wala ho sa akin 'yon. Kung may nagawa man akong masama sa inyo noon ay patawarin niyo rin po ako," ganting sagot ko. Ano't-anoman kailangan kong pangatawanan na ako si Georgina at malaking pabor na sa akin na napagkamalan nila akong may amnesia dahil pwede akong magkunwari na nakalimutan ang mga bagay-bagay kahit ang totoo naman ay wala talaga akong kaalam-alam tungkol sa Georgina na iyon. Ang tanging alam ko lang ay magkamukhang-magkamukha kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD