TBTL 40 [CLOUD'S POV] "What?! Annie is alive?! Gulat na tanong ni Kyoko at Zeke sa'kin. I'm at their place para ibalita sa kanila ang muling pagbabalik ni Annie. Katulad namin, ay gulat na gulat din sila at hindi makapaniwala. Buong akala din nila ay patay na si Annie. Saksi sila kung paano ako magluksa sa pagkamatay nito then suddenly malalaman namin na buhay pala ito at itinago lang. But nevertheless, masaya ako na andito na ngayon ang babaeng pinakamamahal ko. She's back, alive and plus one pa dahil may anak na kami. I'm so thankful. "Hindi nga?" Di makapaniwalang saad sa'kin ni Kyoko. Hinalikan naman ni Zeke ang noo ni Kyoko. Napaikot ang mga mata ko. Lovebirds. Gusto ko na rin tuloy umuwi dahil miss ko na ang mag-ina. Nasa bahay lang sila ngayon dahil ayaw pakawalan ng mga lol

