"Shia! Kanina pa kita tinatawag, kanina pa nag-aantay si Clarance sa'yo dito!"
Napaigtad ako nang sumigaw si Mommy, bakit naman kasi ang aga nitong lalaki na 'to? Maaga naman akong nagising pero bakit parang male-late pa ako nito?
"Baka madapa ka, Shia." asik niyo Kuya Ace sa akin pero hindi ko siya pinansin.
Nagmadali akong bumaba at sinalubong si Clarance na naka-upo sa sofa namin. Naka-uniform ito at maaliwalas ang mukha niya, s**t ang gwapo ng bestfriend ko.
"Tagal mo talaga kumilos." asik niya sa akin kaya napa-irap ako.
"Sabi ko naman kasi sa'yo, wag mo na akong sunduin. Ikaw din eh." bulyaw ko. Pero syempre hindi 'yon ang gusto ko, mas gusto ko nga sunduin niya ako araw-araw eh para makita ko ang kagwapohan niya araw-araw din.
"Hoy, Clarance, itong bunso ko bantayan mo ha. Baka kung sinong mga lalaki ang lumapit neto do'n sa school niyo." napatingin ako kay Kuya Ace na nasa tabi ko na pala, seryoso siyang nakatingin kay Clarance pero tumawa lang si lalaki.
"Akong bahala sa kanya, Kuya Ace." aniya.
Napailing nalang ako bago tumungo sa kusina kung saan nagluluto si Mommy, siya ang nagluluto tuwing umaga dahil gusto niya daw na luto niya ang una namin makain kaya syempre walang angal ang mga katulong namin.
"Hi, Mommy." bati ko sakanya bago tinignan ang niluluto niya.
"Ikaw talaga, anak. Pinag-intay mo pa si Clarance, alam mo namang mainipin siya."
Clarance is very close to my family. Siya ang kaibigan ko simula bata pa kaya kilala na din siya ng pamilya ko, close din ang mga magulang namin. Minsan nga napapa-isip ako kung ako ba anak nila o si Clarance.
"Ma, hayaan niyo siya diyan. Hindi ko naman sinabi na sunduin niya ako eh." sabi ko.
"Buti nga't sinundo kita eh, diba, Tita?" bigla namang sumulpot si Clarance sa likod ko kaya napatigil ako. Grabe talaga, boses niya palang napapatigil na ako. Kalma, Shia, bestfriend mo lang 'yan dapat sanay ka sa presensya niya, wag mong pansinin ang puso mong kanina pa tumitibok dahil sa lalaki na 'yan.
"Tama ka diyan, Clarance." my mom smiled at him.
"Segi, magsama kayo." I said. Mas lalo pa akong nainis nang marinig silang tumawa, see? Si Clarance talaga anak niya.
Umupo ako sa lamesa at sumunod naman si Clarance, nakaupo siya sa tabi ko at si Kuya Ace naman nasa tapat ko.
"Dito ka ulit maga-almusal?" I asked him.
He smiled. "Family naman tayo, diba?"
Family? Mabuti sana kung mag-asawa tayo, 'yon ang family kaso hindi eh. Bestfriend mo lang ako kaya hindi tayo family.
I tsked. "Edi wow family."
Tumawa siya kaya napairap ako, bakit ko ba siya nagustuhan? 'Yong kagandahan ng ugali napunta lahat sa mukha niya.
"Mga anak, kain na." masayang wika ng ina ko. Kahit kailan talaga mommy.
"Mommy, hindi ko kapatid si Clarance." I said.
"Arte naman nitong bestfriend ko, swerte mo kaya kung ako magiging kapatid mo." aniya.
Swerte ko kung ikaw magiging jowa ko, gano'n dapat.
"Ah so, hindi swerte si Shia kasi ako kapatid niya, gano'n ba, Clarance?" tanong ni Kuya Ace na nakatingin sa aming dalawa. I know he's joking pero kapag hindi niyo alam ang ugali ni Kuya Ace ko, naku! Talagang matatakot kayo.
Buti nalang at alam na ni Clarance na ganyan talaga si Kuya Ace.
Clarance smiled. "Kuya Ace, alam mo kasi kung naging kapatid niyo nga ako, syempre nagmana ako sa'yo no'n."
Ngayon nagdarasal na ako na sana hindi 'yan mangyari, hindi ko pa nga tanggap na wala na akong pag-asa sakanya tapos magiging kapatid ko pa? Aba'y ang malas ko naman.
Pagkatapos naming kumain ay sabay kaming nag-abang ng jeep, may kotse kami at may kotse din siya kaso mas gusto kong mag-commute. Kapag may importante daw siyang lakad o may importante siyang susunduin tsaka niya lang daw gagamitin ang kotse niya, isang beses pa nga lang ako nakasakay sa kotse niya eh outing pa talaga 'yon.
"Shia, okay kalang? Nagsasalita ako dito, hindi ka naman nakikinig. Nagtatampo na ako sa' yo." he said.
I hissed. "Ang OA mo talaga, ano bang sinabi mo?" I asked.
"Wala." aniya.
Napailing nalang ako bago nag-abot ng bayad, syempre ako ang nagbayad sa kanya. Hindi ko nga malaman-laman kung bakit ayaw niyang magbayad sa aming dalawa. Buong buhay ko, ako ang nagbabayad sa pamasahe niya! Pero okay lang, gusto ko naman siya eh.
Nang makababa kami sa harap ng gate ng school ay inayos ko ang uniform ko, napatingin din ako sa mga estudyante na pina-park ang mga kotse nila. Kapag ako talaga pinayagang mag-maneho, huyo kayong lahat.
"Hanep! Lukot na naman uniform ko." napatingin ako sa lalaki na inaayos ang uniform niya, ngumiti ako bago lumapit at tinulungan siyang ayusin iyon. Isa din 'to sa mga dahilan kung bakit hindi ko sinasabi sa kanya na gusto ko siya, pwede akong lumapit na hindi siya nao-awkward.
"Ikaw kasi eh, kung ginamit mo ang kotse mo edi sana hindi 'yan nagkanda-lukot lukot." pangse-sermon ko sa lalaki, napansin ko naman na nakatingin lang siya sa akin kaya. minadali ko ang pag-aayus sa uniform niya, wag mo akong titigan, animal ka!
"Oh bakit?" maarte kong tanong nang matapos kong ayusin ang uniform niya. Wag kang pahalata, Shia!
"Kung nag-kotse ako edi wala kang kasama sumakay sa jeep, diba?"
Ah okay. Akala ko naman susunduin niya ako gamit kotse n'ya, akala ko lang pala. Bakit ba ako umaasa? Sigurado naman ako na si Brielle ang gusto niyang sunduin at ihatid eh.
"Shia! Shia!"
Rinig kong sigaw ni Alice kaya napatingin ako sa babae, napansin din niyang kasama ko si Clarance kaya palihim siyang ngumisi. Siya lang ang may alam na gusto ko si Clarance at kapag nagsalita siya, papatayin ko siya syempre.
She cleared her throat." Tara na, pasok na tayo."
"Ah segi, mauna na ako." paalam ko sa lalaki bago tumakbo kasabay si Alice. Tumingin ako kay Clarance na lumapit din sa mga kaklase niya, gwapo niya talaga kahit nasa malayo.
"Aga-aga, Miss Shia. Dito ang tingin oh, sa daan po, Miss Shia." hinawakan ni Alice ang ulo ko at pinatingin sa harap. "Alam kong gusto mo talaga siya pero baka madapa ka at masira mukha mo, paano kana niya magugustuhan?"
"Ang OA mo din," parehas kayo ni Clarance.
"Din? Ay alam ko na 'yan. Ang OA ko din parehas ni Clarance. Ikaw talaga babae ka," kinurot ni Alice ang gilid ko kaya napalayo ako sa kanya habang tumatawa.
Si Alice lang talaga ang nakakabasa sa akin, sabi niya sa akin sobrang obvious ko daw sa feelings ko pero bakit hindi 'yon napapansin ni Clarance?
"Shia, si Brielle oh." tumingin ako sa tinuro ni Alice, nakita ko naman si Brielle kasama ang mga kaibigan niya. Maganda siya, maputi, matalino at syempre mabait kaya siguro nahulog si Clarance sa kanya.
Maganda din naman ako ah, maputi din at matalino? Ahm pwede na din, pwede ng ilaban sa quiz bee pang-elementary nga lang.
"Ganda niya talaga, wala akong laban diyan." I said.
"Matuto ka kasing magpaganda." aniya.
I arched my brows. "Ibig mong sabihen, hindi ako maganda?"
She sighed. "Naghahanap ka talaga palagi ng away sa akin, ibig kong sabihen ay matuto kang maglagay ng make-up. Tignan mo si Brielle,"
Tumingin ako kay Brielle, mapula ang pisngi pero sakto lang din sa mukha niya. May suot din itong lipstick at nakaayos ang buhok. Kailangan ba talagang ganyan? Hindi din kasi sinabi ni Clarance sa akin ang mga tipo niya kaya hindi ko alam kung ano ang gagawin.
"Ayoko namang mag-mukhang clown, Alice."
She tsked. "Anong clown? Sa ganda mong 'yan clown?"
I flipped my hair. "Ligo lang 'to, bhie."
"Oo, ligo lang talaga tapos may kunting friend zone."
"Bahala ka diyan!"
Nauna akong pumasok sa room at agad naman siyang nakasunod sa akin, napatigil pa ako nang tumingin sa akin ang mga kaklase ko pero agad din naman silang umiwas. Ano meron?
Umupo ako sa upuan ko at napansin ko na may papel doon, kanino 'to galeng? Tumingin ako sa kaklase ko at napansin na nakatingin sila sa akin, umiwas naman agad sila ng tingin. Nabaliw ba kayo? Tumingin ako sa papel na nasa upuan ko, kanino naman galeng 'to?
"Oi, love letter ba 'yan?" umupo si Alice sa tabi ko. Kinuha niya ang papel at binuksan ito, ako naman na walang pake ay inayos na lang ang gamit ko, siguro hindi akin 'yan. Tsaka love letter? Sino namang magkakagusto sa akin? Mabuti sana kung si—
"Gusto ka daw ni Russel." binigay ni Alice ang letter kaya napatingin ako doon, sinong Russel? Tinignan ko ang letter at binasa ito, ang badoy naman nito. Bakit may pa-love letter pa siya? Pwede namang sabihen nalang sa akin nang deretsyo.
"Sino 'yang Russel?" tanong ni Alice.
I shrugged my shoulders. "Hindi ko alam."
"Crush ka daw eh, oh diba? May laban ang ganda mo, Shia." aniya. Napatawa naman ako dahil sa sinabi niya, may laban nga ba?
Russel? Mahanap nga mamaya. Ilang minuto ang lumipas ay dumating na si Sir, ayokong magsulat pero kailangan daw para may notes kami. Tamad talaga ako pagdating sa pagsusulat pero nakakahiya naman kasi ako lang hindi nagsusulat.
"Anong section ba 'yong Russel?" tanong ko kay Alice nang makalabas kami ng room, maagang natapos ang klase namin dahil may meeting daw ang mga teachers.
"Mukha ba akong manghuhula, Shia?" maarte niyang tanong sa akin, nagtatanong lang naman ako eh.
"Sa'n kaya room nila?" tanong ko ulit sa babae.
"Mukha ba akong si Dora para malaman 'yan?"
"Diyan kana nga!"
Iniwan ko ulit siya at naunang pumunta sa cafeteria, nakasalubong ko pa si Clarance pero hindi ko siya tinignan lalo pa't kausap niya si Brielle. Kailan niya kaya ako matitignan nang ganyna? 'Yong parang ikaw ang mundo niya na parang hindi niya kayang mawala ka, gano'n siya kung makatingin kay Brielle.
"Ang hilig mo talaga akong iwan—
Napatigil si Alice nang mapansin si Clarance at Brielle, hindi lang naman sila ng magkasama. Kasama din nila ang iba nilang mga kaklae pero ang atensyon ni Clarance ay nakay Brielle lang.
"Halika na nga." tinulak niya ako sa malapit na lamesa at siya na din ang nag-order para sa akin, umayos ka nga Shia! Bestfriend mo iyang nagugustuhan mo! Mabuti pa hanapin mo nalang 'yong Russel malay mo gwapo 'yon.
Huminga ako muna ako ng malalim bago ngumiti, hindi ka dapat nalulungkot dahil lang sa ganyan.
"Hi."
"Bilis mo naman bu—
Naputol ang sasabihen ko nang makita ang isang lalaking nakatayo sa harapan ko, gwapo siya, may kasingkitan din ang mata niya, matangos ang ilong, at matangkad. Sino 'to?
I cleared my throat." May kailangan ka?" tanong ko. Kailangan mo ba ako? Charot.
"Hi, I'm Russel. Ako 'yong nagbigay ng letter sayo." he smiled.
"I-ikaw?" turo ko sa lalaki. Gwapo niya sana kaso badoy pero okay na din.
"Shia, sabay na tayong kumain." napaigtad ako nang biglang umupo sa tabi ko si Clarance, teka wait lang naman! Ang daming gwapo, hindi ako makapili!
"A-ahh, oh segi." ngumiti ako kay Clarance bago tumingin ulit do'n kay Russel. "So, ikaw nga 'yon?" I asked again.
Tumango siya bago ngumiti. "Oo, ako 'yon. Pwede ba kitang makausap?" tanong niya sa akin, kanina ko pa iniisip ang letter na 'yon kaya mabilis akong pumayag. Tumango naman ako bago tumayo nang may biglang humawak ng pulsuhan ko.
"Sa'n ka pupunta?" Clarance asked.
"May kakausapin lang ako." sabay turo kay Russel na nasa gilid ko, sinilip niya si Russel bago tumingin sa akin.
"Bakit? 'Di ba pwedeng dito nalang kayo mag-usap?" aniya.
I rolled my eyes. "Hoy po, wag kang batas diyan. Dito ka lang, kakausapin ko lang siya, okay ba?"
Tinignan ko siya nang maayos hanggang sa umirap siya sa akin. Yes! Panalo ako! Tumingin ako kay Russel bago siya inaya sa labas ng cafeteria, maingay din kasi sa loob kaya lumabas nalang kami.
Pumunta kami sa field kung saan kunti lang ang tao doon, lahat ata nasa cafeteria. May malaking puno dito at sa ilalim ng puno ay may mahabang upuan kaya doon kami umupo.
"So? Totoo 'yong sinabi mo sa letter?" deretsyo kong tanong sa kanya.
"s**t! Hindi man lang ako pinag-isip." bulong niya, napangiti naman ako dahil nakita kong namumula ang mga pisngi niya. Cute
"So?"
"Ahm..... oo totoo 'yong sinabi ko do'n. Pero wag kang mag-alala, hindi naman kita liligawan."
Aba'y gago pala 'to ah! Bakit niya ako gusto kung hindi niya naman pala ako liligawan?
"Bakit naman?" I asked.
"Sabi kasi ni Alice may nagugustuhan kana daw kaya syempre rerespetohin ko pero pwede bang friends?"
"Si Alice? Alice Amarez?" tanong ko sa lalaki, nagtaka naman siya bago tumango.
"Bakit? May ma—
"Naku wala, Russel." peke akong ngumiti, si Alice pala ha. "Oh and by the way, we're friends now."
"Talaga? Okay lang sayo?" he asked. Kitang kita ko ang saya sa mga mata niya, mas lalo kong nakita ang kagwapohan niya.
"Oo naman tsaka ano kaba? Parang friends lang eh pero ito ah," seninyasan ko siyang lumapit sa akin pero umatras siya.
"Sabi mo friends lang, bakit ganyan?"
I laughed. "Ang OA naman nito, may ibubulong lang naman ako."
"Ay, bulong ba? Ikaw kasi may senyas pa eh." sabi niya bago lumapit sa akin, agad kong naamoy ang panlalaki nitong pabango halos magkasing - bango lang sila ni Clarance ah.
"Wag mong ipagkakalat na may nagugustuhan na ako dahil patay ka sakin." I whispered. Si Alice lang dapat ang nakakaalam na may nagugustuhan ako pero hayop na 'yon, humanda talaga siya.
He nodded. "Easy lang 'yan, Shia. Can I call you Shia?" he asked.
"Sure."
Pagkatapos naming mag-usap ay agad akong bumalik sa cafeteria, si Russel namin ay bumalik sa room nila dahil malapit na daw next period nila.
Umupo ako sa tapat ni Alice na nakatutok sa cellphone niya, mahina akong umubo para makuha ang atensyon niya at nagawa ko naman.
"Asan si Clarance?" unang tanong ko sa babae. Wala na kasi si Clarance sa lamesa namin, sa'n naman kaya 'yon?
"Ewan ko, baka bumalik na sa room nila." she answered.
"30 minutes pa bago klase nila no." asik ko. "Ay teka nga teka nga, baba mo muna cellphone mo at may sasabihen ako." I said.
Tumaas ang kilay nito pero agad din namang binaba ang cellphone, tinignan ko naman siya ng seryoso.
"B-bakit ganyan ka makatingin? Oi, kilala kita kapag ganyan ka tumingin.... wala naman akong ginawa—
Napatigil siya na parang may naalala, lumaki ang mga mata niya at agad tumabi sa akin.
"Hala, Shia, sorry. Nadulas 'yong dila ko kaya ko nasabi, hindi kasi siya umaalis sa dinadaanan ko kaya ko nasabi bigla." napailing ako nang bigla niya akong yakapin, ang OA naman nito. Hindi ko naman siya papatayin, sasakalin lang.
"Ano meron?"
Nagulat kaming dalawa ni Alice nang biglang umupo si Clarance kasama si Gavin, isa sa mga kaklase niya. Umayos kami ng upo ni Alice bago tumingin sa kanila.
Clarance brows arched. "Ano meron?" ulit niya sa tanong niya. "Bakit kayo nagyayakapan dito sa cafeteria? Don't tell me, babae gusto mo Shia?!" umakto pa siya na parang nagugulat kaya napairap ako.
"Pinagsasabi mo, Mr. Nolan?" maarte kong sabi sa lalaki. "Bumalik kana nga lang sa classroom mo."
"Galit naman agad, Ms. Madrigal." he smiled.
"Clarance, nakita mo na si Russel?" tanong ni Alice sakanya, ako naman ay nakamasid lang sa kanila.
"Fussel? Tao ba 'yan?" he asked. Ay bingi.
"RUSSEL. R-U-S-S-E-L." sabi ko.
"Ah, 'yong lalaki kanina dito sa lamesa natin? Oo nakita ko siya, bakit anong meron kay Fussel?" he asked.
Hindi nalang ako nagsalita, kahit sabihen mong Russel eh Fussel pa rin sasabihen niyan. Tumingin ako kay Alice na akmang magsasalita, ano na naman sasabihen nito?
"Gu—
Agad kong tinakpan ang bibig niya nang malaman ko kung anong sasabihen niya. Gago ka, Alice! Kapag sinabi mo baka takutin nila Kuya Ace si Russel.
"Huh? Ano, Alice? Shia, alisin mo kamay mo sa bibig niya." utos niya pero hindi ko sinunod.
I smiled at him. "Alis na muna kami." mahina pa akong tumawa nang makita ang mukha niyang naiinis sa akin, palagi nalang ako iniinis mo ako naman ngayon.
Hinila ko si Alice palabas ng cafeteria, napatigil naman ako nang mapansin si Brielle na papasok ng cafeteria. Hindi ko napigilan ang sarili kong tignan si Clarance, hindi na ako nagulat ng agad itong lumapit sa babae at malaki ang mga ngiti parang kanina lang inis na inis pa ang mukha niya. Talo na talaga ako.
I little smile formed on my lips.
"Wala na talagang pag-asa, hulog na hulog na siya eh."
Swerte ko kasi bestfriend ko siya pero malas ko din kasi naging bestfriend ko siya.
-kiri:)