EBYT.7: Ten-Year Contract Hindi mapigilan ni Briella na mapahanga ng dalhin siya ni Tita Nova sa tinitirhan nitong apartment. “Kayo lang po nakatira dito?” tanong niya rito habang inililibot ang tingin sa buong paligid. Napakalawak ng sala at agaw pansin ang napakalaking chandelier na nakasabit sa pinakasentro ng kabahayan nito. “Tayong dalawa na ang titira dito simula ngayon,” nakangiting wika nito. “Inihanda ko na ang isang kuwarto para sa’yo, actually, nang mabanggit dati ng mommy mo na nagbabalak na kayong umalis sa bahay niyo ay inihanda ko na talaga ang dalawang kuwarto para sa inyo.” Iginiya siya nito sa isang pinto habang bitbit nila ang mga pinamili nilang mga damit niya. Pagbukas nito ng pinto, ang unang tumambad sa kanya ay ang kulay rosas at puting magkabilang dingding, ma

