EBYT.9: Branded By The World Four Years Later . . . Tumunog ang phone ni Briella, napangiti siya nang makita ang pangalan ni Tita Nova. “Hello, Tita?” nakangiting bati niya. “Hello, dear. Where are you? Your not with your assistant again, are you?” bungad nito sa kanya. “Dumaan lang po ako sa Mall pero paalis na din ako. May ipabibili ka po ba?” tanong niya rito at naglakad papuntang elevator. Isang simpleng jogger pants ant loose shirt ang suot niya para hindi maka-attract ng mga tao. “Ikaw talaga. Kahit mga bodyguard mo ay hindi ka nagsama. Paano na lang kung dumugin ka diyan?” nag-aalalang tanong nito sa kanya. Pagak siyang natawa. “Mas dudumugin ako ng tao kapag nakita nilang may kasama akong bodyguard. Mas okay na mag-isa lang ako para iwas sa mga mata ng tao.” “You never li

