CHAPTER TWENTY-NINE

2767 Words

Mula sa pwesto ko, amoy na amoy ko ang mint mula sa chewing gum na nginunguya niya. Medyo madilim sa departamento. Nakapatay na halos lahat ng ilaw at ang computer lang na nasa harap namin ang kaisa-isang bagay na nagbibigay liwanag sa mesa namin. Dahil nga sa paminsan-minsan akong nawawala sa katinuan nang dahil sa presensya niya, minsan ay siya na halos ang gumagawa sa trabaho ko. Alas kwatro na ng madaling araw ngunit sa halip na umuwi, nandito siya sa gilid ko. Minsan nga ay nahihiya na ako dahil mukhang nahihirapan na siya sa pwesto niya. Sa halip kasi na ako ang magtrabaho, siya ang naririto. Siya ang nagpapatuloy sa trabahong ako dapat ang tumatapos. "Kumportable ka ba sa posisyong iyan?" tanong ko sa kanya nang hindi na ako nakapagpigil pa. "I mean, hindi ka ba... nangangawit."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD