TRES' POV: NATAHIMIK ako sa tinuran ni Inches ngunit agad ko rin siyang nginitian. "Pwede mo namang ituring ako bilang kapatid mo pati sina Kuya Uno hindi ba? Pwede mo silang protektahan sa abot ng makakaya mo at kami rin ang poprotekta sa'yo kapag ikaw na ang naagrabyado." Namula ang pisngi ni Inches at umabot pa sa kaniyang tenga bago umiwas ng tingin sa akin. Nahihiya na naman siya. "P-Pwede ko bang gawin 'yon?" "Oo naman. Pero kapag kailangan lang. Hindi mo naman kami responsibilidad kaya kung kailangan namin ng tulong ay sasabihin namin sa'yo." Muling bumaling ang tingin ni Inches sa akin at sumilay ang magandang ngiti sa kaniyang labi. "Sige, gagawin ko yan kahit na minsan ay inis sa akin si Kuya Uno." Tuluyan na akong napahalakhak dahil kahit wala si Kuya Uno ay alam ni Inc

