Mermaid 02 : Speed Like A Mermaid

3148 Words
MERMAID FOR EACH OTHER 02 : Speed Like A Mermaid Gale P.O.V “AKALA MO BA TALAGA makakatakas ka? Sa ngalan ng karagatan, mga nabubuhay na lamang dagat, at sirena. Isinusumpa kita. Pagbabayaran mo ang iyong kasakiman!” Kitang-kita ko ang galit na galit na mukha ni Rina sa akin dahil sa ginawa ko na pagnanakaw sa makapangyarihan na yaman ng kaharian nila. Parang totoo pero nasa panaginip lang ako. Panaginip? Talaga bang panaginip lamang ito o katotohanan dahil sa mga ginawa ko sa kaniya? Hindi masasabi. Not until magising ako noong magulat nalang ako sa buntot na nakapailalim sa kumot ko. Baka namamalik mata lang ako, iyon ang paniniwala ko. Ilang araw matapos mangyari sa akin ang kakatwang bagay na iyon, bago ako magbalik sa unibersidad namin matapos ang suspension ko ay sinubukan ko gamitin iyong perlas na bigyan ako ng bilis sa tubig kagaya ng isang sirena. Hindi ako binigo nito. Sobrang kagalakan ang nararamdaman ko. Mapapangiti nalang ako, because I'm pretty sure I'll be able to believe them all. And I can’t fail to show that Pablo, that compared to me he is nothing. Compared to the power I got? I am faster swimmer than him now. I can swim faster than anyone else. Kaya nga lang may nangyari. Pangyayari na hindi ko inaasahan na magaganap sa akin. Kung kailan sa tingin ko aayos na ang lahat saka pa nangyari ang isang bagay sa akin. Papunta na ako sa unibersidad noon nang tila ba masulyapan ng mata ko si Rina nakatingin lamang sa akin sa gitna ng mga tao habang nasa kotse ako. I know! I know that impossibe na mapunta siya sa siyudad. Kasi paano? Atsaka paanong nagkaroon siya ng mga paa muli? E, nasa akin ang makapangyarihang perlas niya. Kaya paano? Paano na siya iyan? Pero I really see her. D*mn because of her takot na takot ako, hindi ko pa nararamdaman ito sa tana ng buhay ko na matakot sa isang tao. Nope! She's not a human anyway. Kaya mabilis ako na umalis kung saan lugar ko siya nakita saka na ako tumuloy sa unibersidad. Alam ko na kahit impossible na narito siya sa siyudad ay natatakot ako. Natatakot ako na baka bawiin niya ang perlas na kuwentas ko. Ni-hindi ko pa nga nakakamit ang mga kagustuhan ko para sa goal ko. Saka this is mine now. Ayaw ko na ibalik pa sa kaniya ang perlas. This is mine! Napahinga ako ng maluwag pero napawi ng pagbuntong hininga ko noong makita ko si Pablo. Kita naman sa mukha niya na hindi siya masaya na makita muli ako sa unibersidad namin dahil para sa kaniya ay banta ako. Ngunit nagagawa niya paring mag-act that still he is my friend. “I'm glad that you're back!” Siyempre kung pagpapapel lang naman. Hindi na ako nagpatalo sa kaniya. Kahit nakakasuka. “Yeah! I'm back! Sana naman hindi ka na ma-treaten sa akin niyan.” Hais! Hindi ko talaga mapigilan e. “Looking forward ako na makabalik ka.” “Looking forward naman ako na pabagsakin ka. Uhmm... Sorry! Ahaha! Joke lang. Basta magkikita nalang tayo sa pool.” Sagot ko naman sabay ngiti muli. “Uhm... I am sorry what I said and did to you back then, Gale. Hindi ko naman—” Hindi ko siya pinatapos magsalita. Talaga namang napaka- two face niyang tao. Bait-baitan na naman? D*mn him! As if namang mahuhulog pa ako sa paganiyan niya. Ang nakakatawa pa. He act like that, habang nasa likod niya ang mga swimmers din na masayang-masaya niya pang nakakasama tapos nagtatawanan sila. O diba? Halatang show lang ang kaniyang pinapakita. --- PAGDATING namin sa pool ay naroon na si Coach. Nagtatanong siya kung okay na ba ako? Napangiti naman ako noong mapatingin ako sa mga kasamahan ko. “I'm okay! I'm ready!” tugon ko tapos nagsimula na kami magbihis at dali-dali ding nagtungo sa pool para makapag warm up mo muna. Pagkatapos ay napapikit ako noong hawakan ko ang kuwentas saka ay pumito na si coach para simulan ang competition namin. Nang tila noong una naging maganda ang daloy ng paglangoy ko. Nakita ko ang bilib sa mukha ni Coach at maging sa mga kasamahan namin na tumigil sa paglangoy para lang makita ako at ang performance ko. Seems like I'm speed like a real mermaid. Kaya nga lang nagkaproblema noong bigla nalang ako makaramdam ng kakaiba sa katawan ko. At noong masilayan ko ang nakatingin na sirenang iyon sa akin mula sa bleachers sa side. Hindi nga ako namamalik mata o iniisip lang siya dahil sa nagawa ko dahil totoong nasundan at sinundan niya ako. At ang nakakagulantang pa ay may mga paa na ulit siya without the necklace. Naabala tuloy ako dahil doon sapat na siguro ang naipakita ko kaya mabilis ako na umahon at umalis sa pool dahil sa takot ko kay Rina. Nakita ko siyang nakatingin ng masama sa akin. Napaparanoid na ako noong habulin naman ako ni Coach. “Sandali lang, Gale!” papunta ako sa men's room noong tanungin ako ni Coach kung anong nangyari sa akin? Pagkatapos ay sinabihan ako niya ako na kakaibang bilis daw ang ipinakita ko sa kanila. Ano daw ang ginawa ko? Parang magic daw ang bilis ko. Kung ganoong bilis daw ang ipapamalas ko hanggang sa darating na competition ay muli kaming mag-uuwi ng trophy. Napangisi ako kay Coach. “Kayo din kaso e, ayaw niyong pagkatiwalaan ako. Sino ngayon ang mas may ibubuga? Si Pablo o ako? Ako tama?!” sabi ko saka na ako nagbihis noong umalis na si Coach na nakaduko. “Sorry Gale, for what happened.” Dinig ko na sambit niya. Napa-smirk lang ako noong pagkatapos ko makapagbihis ay umalis na ako at dumiretso papuntang kotse ko para umuwi, nang bigla ay magulat na lamang ako noong salbungin ako ni Rina. “Rina?!” sigaw ko pa nga sabay natawa siya. “Tinatawag mo parin akong Rina. Oo nga pala masayang-masaya ka ba diyan sa mahiwagang kuwentas? Magnanakaw!” sigaw niya saka ko siya iniwasan at mabilis akong pumasok sa loob ng kotse ko. “Hindi ko ibabalik sa iyo ang kuwentas mo, sa akin na ito at magagamit ko ito!” turan ko. “Huwag ka mag-aalala ikaw na ngayon ang may-ari niyan, huwag mo lang kakalimutan na lahat ng mga bagay na ginagamit sa pangsariling kapakanan ay humihingi ng kabayaran!” hindi ko pinasin kung ano ang pinagsasabi niya pero masaya ako na akin na talaga ito. Nang nasa kalagitnaan na ako ng daan noon para umuwi sa bahay nang bigla akong makaramdam ng mga pangangati sa balat ko. Para bang bigla akong init na init sa katawan ko habang tumitindi ang pangangati. Nag-aallergy ba ako? May kinain ba ako na hindi tama para magkasintomas ng allergy? Nakakaramdam ng ako ng pagkahilo at matinding pagkauhaw na hindi pinawi ng baon ko na tubig noong magmadali na ako pauwi. ‘Kailangan ko pa ng tubig’ iyan ang paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko hanggang sa pagkauwi ko ay dumiretso na ako sa refrigerator para uminom nang uminom ng maraming tubig pero mistulang kulang parin at hindi sumasapat sa uhaw at hagod na gusto ko maramdaman. Hanggang sa hinubad ko ang long sleeve, t-shirt, at pantalon ko noong dumiretso na ako sa banyo para pumunta sa bathub. Mahiga dito at doon tuluyang pakiramdam ko ay guminhawa na ako noong parang nagbu-blured ang mata ko at tuluyan na akong nawalan ng malay. Ngunit noong magising ako ay napasigaw at napabalikwas na lamang saka napatingin sa harapan ko nang biglaang ang mga paa ko ay napalitan ng mga buntot ng isda. “Anong nangyayari?!” sigaw na tanong ko na lamang sa sarili ko. Hindi puwede ito! Ayaw ko maging mermaid. No! No! No! Tinapik ko ang pisngi ko saka ko sinuntok ang sarili ko sa pag-aakalang nananaginip lamang ako but then nasaktan ako so I'm not dreaming. Alam ko na! Kinuha ko ang kuwentas sa leeg ko saka ko hiniling na bumalik ang mga paa ko pero akala ko tutuparin niyon ang hiling ko pero hindi. Nanatiling may buntot ako ng sirena na kumikintab-kintab pa, maganda ang tubo ng mga hasang, at higit sa lahat ay kulay PINK!!! Hindi talaga puwede ito. Muli kong sinubukan na tapik-tapikin ang sarili ko dahil baka nananaginip lamang talaga ako pero mayamaya lamang. “Tigilan mo na ang pagtapik sa sarili mo dahil tunay na isa ka ng sirena ngayon!” nanlaki nalang ang mata ko noong mabilis akong napauntag nang biglaang bumangon si Rina sa gilid ng bathub ko para sabihin iyon. “Anong ginagawa mo dito?! Paano ka nakapasok?! Paano mo ako nasundan?!” sigaw at sunod-sunod na tanong ko sa kaniya saka lamang siya napakibit- balikat at ngumiti. “Simple lang sinundan kita sapagkat alam ko na ang amoy mo. Paano ako nakapasok? Kaya ko hindi magpakita sa tao. At ano ang ginagawa ko dito? Nandito ako para mag-stay sa tabi at sabihin sa iyo na may sumpang nakaakibat sa pagnanakaw mo sa akin niyang kuwentas. At maaaring habang buhay ka na magiging sirena.” Nagulat ako. “Anong sumpa ang sinasabi mo?” “Hindi ka ba nagtataka kung bakit may mga paa ako, gayong nasa iyo naman ang kuwentas? Iyan ang gusto ko sabihin. Magiging isa kang ganap na sirena at ako naman ay tao. Makukuha ko ang buhay na para sa iyo. Atsaka hindi magiging mapalad ang buhay mo dahil tutugisin ka lamang sa mundo namin. Pero dahil sa minsan kitang minahal at mabait ako ay handa kitang tulungan para mabali ang sumpa. Ako lang ang sagot sa mga problema mo.” Napaisip ako at napatingin ng masama sa kaniya. “Hindi! Hindi puwede! Lumayas ka sa harapan kong isda ka! Alis! Layas!” Muli siyang natawa. “Uhmmm, Gale. Ikaw na yata ang isda ngayon? Hahaha!” patuloy niya sa pagtawa noong tumayo na siya mula sa gilid ko para masimula siyang umalis. Muli akong napaisip tungkol naman sa competition ko at sa pagpasok ko. Hindi puwede ang ganito. Alangan namang dito na lamang ako sa bathub habang buhay. “Sandali!” pagpapatigil ko sa kaniya. “Nagbago na ang isip mo?” tanong niya. “Ibabalik ko na ang kuwentas mo!” turan ko naman noong hubarin ko iyon. Biglaan naman siyang natawa muli. “Ini-expect ko pa naman na papayag kana sa kasunduan natin na mananatili ako.” “No way! Atsaka adik ka ba? Tawa ka nang tawa diyan a!? Sirena ka ba talaga o mangkukulam?” “Hindi ganoon kadali iyon, Gale. Dahil sa ikaw na ang gumagamit niyan ikaw na ngayon ang kinikilala niyang kuwentas. Kahit tanggalin mo iyan sirena ka parin.” “Ano?! So ibig mong sabihin wala talagang paraan para maging tao kaagad ako?” Napabuntong hininga ako. Ayaw ko man pagdesisyunan ito nang ganoon ganoon na lamang pero wala akong ibang choice. Okay sige. Napahawak ako sa noo ko saka ko ito pinisil nang mapatango-tango ako. “Paano mo naman malulutas ito? Alam mo kung paano ako muli magiging tao? May kailangan ba ako gawin? Tell me!” salita ko sa kaniya saka siya naglakad pabalik sa tabihan ko sabay ngiti sa akin. Tsk! Parang ibang-iba na ngayon si Rina. Mas nakakatakot na siya and she act like a human. Could it be? DAMN. Oh. No! No! No! I can't be forever mermaid with this f*cking ugly pink tail. “Tell me!” pag-uulit ko sa kaniya. “Madali lang naman lutasin. Dalawang bagay lang. First? Kailangan manatili ako sa tabi mo hanggang sa susunod na kabilugan ng buwan. Atsaka bilang isang sirena na tinulungan ka. Tutupadin mo ang mga wishes ko. Susunod ka sa lahat ng gusto ko.” Saad niya noong manlaki nalang ang mata ko sa gulat. “Aba! Ang kapal mo naman? Hindi ba ikaw ang original mermaid diyan? Hindi ba dapat ako ang humihiling ng wishes sa iyo? Atsaka anong susunod ako sa lahat ng gusto mo??? Ano ka gold?” Tinalikuran niya ako. “Sige! Ikaw ang bahala sa buhay mo!” saad niya noong sisimulan niya sanang umalis pero hinila ko ang kamay niya saka ako nagmakaawa sa kaniya na huwag niya akong iiwan sa ganitong state. “Okay! Okay! Tutupadin ko na ang mga gusto mo basta gusto ko lang malaman kung paano ako ngayon magkaka-paa muli? Kasi may pasok pa ako.” Pagmamakaawa ko sa kaniya. “Ialis mo sa tubig ang mga paa mo saka mo hilingin sa kuwentas na ibalik ito.” Saad niya na agad ko namang sinunod noong laking tuwa ko matapos ko makita muli ang mga paa ko. Agad-agad akong tumayo para makapagbihis at kuhanin ang backpack ko para dumiretso sa kotse. Atsaka ko binalikan si Rina para palayasin dahil nagsinungaling ako sa kaniya. Alam ko namang pinagloloko niya lang ako kaya ipinain ko ang galing ko sa mga babae at alam ko namang gusto niya parin ako kaya hindi naging mahirap para sa akin. Alam ko na ngayon at may paa na ako. Hindi ko na siya kailangan pa. Kinuha ko ang magkabilaang balikat niya saka ko siya isinama palabas nang tawagin ko ang mga guard sa bahay para palayasin si Rina saka na ako bumalik sa kotse para magpakasaya. Ang dami talagang uto-uto sa mundo. Sabagay once an utak isda always an utak isda. Kaya nga lang pagpunta ko sa university nagkakagulo sa pool noong marinig ko sa mga kasamahan ko na biglaang nagkaroon ng mga hasang o fish scale ang pool at nangangamoy malansa. Wala namang lamang dagat o malaking isda sa pool. Ikinagulat ko iyon lalo na noong ako mismo makakita na ang mga hasang na iyon. Ito ay katulad ng kulay sa mga hasang ng buntot ko bilang sirena. Labis-labis ko talagang ikinagimbal iyon. Atsaka ako napaatras noong may humila sa kamay ko. “Rina?!” “Sinabi ko naman sa iyo parati kitang mahahanap. Oo tama ang mga nakita mo. Kahapon nag-umpisa ang pagbabago mo at ginamit mo pa ang kapangyarihan ng kuwentas kaya hindi mo napapansin may nahuhulog ng hasang sa mga buntot mo. Hindi mo din matatakasan ang sumpa dahil hindi permanente iyang mga paa mo.” “HUH! ANO?!” Kinuha niya muli ang kamay ko saka niya ito hinigpitan noong magsimula kaming tumakbo. Nang tila magtataka na lamang ako noong parang dinadala niya ako sa mens room namin. Kinuha ko ang kamay ko. “Teka! Teka! Anong gagawin mo? Wala ka naman sigurong balak na masama sa akin?” sabi ko sa kaniya pero hinila niya parin ang kamay ko saka ako itinulak paloob noong i-lock niya ang pinto sabay dahan-dahang lumapit sa akin. “A-ano anong gagawin mo sa akin? Stay! Stay! Stop approaching me!” parang sinasadya niyang papuntahin ako sa shower nang talikuran ko siya saka ko sinabi na huwag miya akong pagsasamantalahan. Napapikit pa nga ako nang biglaang magbukas ang shower pagkatapos ay saka ako nakaramdam ng kakaiba sa katawan ko noong bigla akong madapa at mapaupo. Para bang biglaang nawalan ng lakas ang mga paa ko noong kitang-kita ko ang sarili ko kung paano ako nag-transform bilang sirena. “Anong nangyayari?” tanong ko sabay hinawakan ko ang kuwentas at humiling para ibalik ang mga paa ko pero ayaw tumalab sabay napatingin ako kay Rina. “Bakit hindi bumabalik ang paa ko?” tanong ko sa kaniya. “Ito ang gusto ko sabihin sa iyo. Hindi ka magiging tao hanggang may tubig na tumatama sa balat mo. Kapag nabuhusan o natamaan ka ng tubig nagiging sirena ka pero kapag naman hindi ka na naka-interact sa tubig o hindi ka na basa. Puwede mo ng hilingin sa kuwentas na ibalik ang paa mo. Ngayon pagkakaisahan mo pa ba ako? Dahil kapag sumapit ang susunod na buwan sirena ka na nang panghabang-buhay!” Tuluyan na akong nawalan ng pagpipilian to be honest. Kaya naman simula noong mangyari ang araw na iyon ay natupad na ang mga gusto ni Rina. Labag man sa loob ko ay pinilit ko na pakisamahan siya matulungan lamang ako na maibalik sa maayos ang buhay ko. Maging tao na ako at hindi nagiging sirena kapag nababasa hanggang sa isang araw nalang may natuklasan ako kay Rina. May minsang nakita ako ni Pablo noong pilitin ko na mag-swimming dahil sa pangalan ko nakataya ang pangalan ng university kahit pa na sinasaway na ako ni Rina na hindi puwede mangyari ang gusto ko dahil kapag nakita ng iba namay sirena na nabubuhay ay mapapahamak ako at ang mga lahi daw ni Rina. But Pablo did. Gulat na gulat siya noon nang makita niyang humahampas sa tubig ang buntot ko, nang magsimula siyang tumakbo pero biglaan din siyang napatigil na parang mannequin noong ikampas lamang ni Rina ang mga kamay niya saka sa ikalawang kampas ay nawalan ng malay si Pablo. Tinanong ko siya kung ano ang ginawa niya? Nang sagutin naman niya ako na tinanggal niya ang alaala ni Pablo noong makita niya ako bilang sirena. So paanong malalaman na sirena kung puwede naman pala alisin ang alaala nila? Tinanong ko talaga iyon noong ma-gets ko nang hindi daw niya kaya alisan ng alaala ang mga tao ng sabay-sabay ikakamatay daw niya iyon lalo na magkakonekta kami. Hindi daw sapat ang kaniyang kapangyarihan. “I'm sorry!” saad ko na lamang saka niya ako nginitian noon nang lumapit siya sa akin para ihayag ang palad niya. “Tara na? Uwi na tayo. Ipagluluto mo pa ako ng masarap na lutuin mo. Ayos lamang ba?” salita niya nang mapangiti din ako sa kaniya saka ko inilagay ang kamay ko sa palad niya para tulungan akong makaalis sa pool sabay tango-tango bilang pagpayag na ipagluluto ko siya. Ewan ko ba? Pero noong araw na iyon ay para bang tinablan ako sa mga ngiti sa akin ni Rina at unti-unti ay parang nakakaramdam ako ng pagka-bilib sa kaniya. Dumating kasi ang mga pagkakataon na itinuturo niya sa akin ang buhay nila bilang isang sirena. Kapag sirena pala ay kaya nilang abutin ang high note? Tawang-tawa talaga ako sa sarili ko noon nang nasa pool kami ng bahay sabay naabot at nagawa ko ang high note. “Puwede na pala ako sa mga singing competition nito?” saad ko pa nga sa kaniya nang pigilan niya naman ako kasi baka mahuli ako that of course hindi ko magagawa. Day by day at habang tumatagal na magkasama kami doing a good and funny stuff ay hindi ko na lang namamalayan nagiging panatag na ang loob ko at napapalapit na ang puso ko kay Rina. Nang may isang beses na hindi ko alam na nagawa ko na palang idampi ang labi ko sa labi ni Rina noong sandaling magpunta ako sa kuwarto niya at makitang tulog na tulog siya. Nais ko lamang siyang makumotan noon pero I accidentally did that. I think nagsisimula na akong magkagusto talaga sa kaniya genuinely.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD