Paris, France Pagkatapos ng birthday ko at ni Nanay ay lumipad na kami patungong France kung saan kami maninirahan kasama ang kaibigan ni Ate Serena na si Ate Ava, Avalyn Ford ang pangalan niya at isa siyang ramp model ng VS Internationale dito sa France. Sobra akong na-starstruck nang makita ko siya sa airport, noon ay sa Vrogue Magazine ko lang siya nakikita pero ngayon ay nasa harap ko na siya at niyakap pa ako. Hindi siya nakapunta sa binyag ng kambal dahil may show siya noon sa Italy at siya ang main model kaya naman naintindihan siya ni Ate Yna. Sabay kaming nag-enroll ni Ate Serena sa prestihiyosong Le Cordon Bleu Paris na sikat sa buong mundo sa pagtuturo ng Culinary na pareho naming kurso ni Ate Yna, siya ay nagfocus sa Patiserrie at Boulangerie samantalang ako ay Cuisines of t

