JACKLYN Hindi ko sinabi kay Nanay ang tungkol sa pagtawag sa'kin ni Joe Martins, oo tama ang nababasa niyo. Hindi ko siya gagalangin tutal hindi din naman siya kagalang-galang. Aanhin ko pa siya kung nakaya na namin ni Nanay na kaming dalawa lang kasama sina Lola pati na si Lena. Si Nanay lang ay sapat na sa akin, lumaki man akong walang ama ay nagpaka-ama naman sa akin si Lolo Arth. Kasali na din sina Mang Julio at Tito DJ na nagparamdam sa akin na walang kulang sa buhay ko. Nagpalit ako ng number dahil na din sa paulit-ulit niyang pagtawag. Gusto ko sanang humingi ng tulong kina Ate Serena para hindi kami mahanap ng Joe Martins na iyon pero hindi pa ako makahanap ng tiyempo, nahihiya rin kasi akong humingi ng pabor lalo na at siya ang nagpapa-aral sa akin. If he is planning to be a

