PROLOGUE

1149 Words
"Strip." Ani ng baritonong boses ng lalaking matamang nakatingin sa akin ngayon. His gray orbs is filled with a different kind of anger, there's danger. He's the same person but he feels... different. Gusto kong panginigan ng katawan sa paraan niya ng pagtingin ngunit tinatapangan ko ang sarili ko. He paid millions para sa serbisyo ko ngayong gabi, eto na yata ang pinakamalaking talent fee na natanggap ko mula nang masali ako sa Wedding Bellas. Pakiramdam ko sa ginawa niya ay isa akong bayaran. Never in my wildest dream that this man will do this to me... 'He's not like this. This is not him...' Ano ang nangyari sa kanya sa ilang taon niyang pagkawala? Bakit pakiramdam ko ay nagbago na siya? Hindi na siya ang lalaking minahal ko, kaiba na siya sa lalaking ilang gabi kong iniyakan mula nang mawala na parang bula. Hindi na siya ang lalaking hinihintay ko magpahanggang ngayon, kahit na hindi na ako yung laman ng puso niya. Bumuntong hininga ako at pinantayan ang titig niya, kung akala niyang masisindak niya ako, puwes! Hindi ako si Jacklyn Amberlee Reyes kung magpapa-api lang ako. "Wala sa usapan 'to Mr. Lopez," I said with stoic face and cold eyes. "Says who? You are mine, so you'll do as I say," parang wala lang na sagot niya, his eyes colder. "I'm not yours Mr. Lopez nobody owns me, I own myself. And also, I heard you're already engaged to Sharlene Castañeda," nang banggitin ko ang pangalan ng babae ay nakita kong dumaan ang gulat sa mga mata niya pero magaling siyang magpalit ng emosyon dahil dagli ring bumalik ang lamig sa mga mata niya. "I don't want complications Mr. Lopez so I suggest that we end everything now. So, if there's no event for me here, then I'm leaving. I'll talk to Roda so she can send back your payment. Goodnight Mr. Lopez," magalang kong paalam kahit gustong-gusto ko na siyang kalbuhin at pagsasampalin. Dinampot ko ang sling bag ko at nagmamartsa na palabas ng hotel suite nang hatakin ako ng lalaki, sa lakas ng paghatak ay napasandal ako sa mala-batong katawan niya. I looked up at him and I was instantly met with his stormy gray eyes. The same eyes that used to comfort me, make me feel safe and feel loved. But now, all I can see is emptiness and indifference. Gone is the playful and rude boy I used to admire. Why? I thought by now he's happy? Their family has reunited and that is thanks to me, he's also engaged with the most famous actress in Asia. Now why is he like this? 'God! Why does he still affect me? His eyes... his muscled arms na gustong pumutok at magpapansin mula sa baby blue long-sleeve polo na suot niya. Mas lumapad ang likod niya, mas tumangkad din siya, at mas gumwapo. He now wears thin beard, and more rugged than before. He's so manly, mas bumagay naman sa kanya dahil parang ang sarap- 'Hoy teka Jacklyn kailan pa naging masarap ang kaaway aber?' Sa pagsaway ng isip ko ay pinatigas ko ang ekspresyon ko. "Take your hands off me Mr. Lopez. I told you, I don't strip infront of anyone-" "Anyone but Leblanc? How about Sanders? And that Scott guy you used to sleep with?" he said with a grim expression. Napamaang ako at napaatras, bakit niya binabanggit dito ang mga kaibigan ko? At paano niya sila nakilala? Si Connor siguro oo, but Aidan, and Clay? How? Thru Ate Yna ba? Pero anong koneksyon noon sa pinag-uusapan namin? At anong pinagsasabi niya? I never slept with anyone! Gusto kong isigaw 'yon pero nahahatak ako ng mga mapanghalina niyang mga mata. He chuckles, "Cat got your tongue baby bear? Why? Did I hit a nerve? You served them and now you don't want to serve me? I am more capable and young than them Jacklyn, do you like older men that much? I paid a million Jackie, and I will not take back my payment. I want your service." Nakakaramdam na ako ng takot sa kanya. Ang trabahong akala ko madali lang eh parang papatay pa sa akin, lalo na sa puso kong matagal nang six feet under. "Hindi ako bayaran Mr. Lopez, and why mention my friends? Wala silang kinalaman dito," I said firmly. Wala nang mababakas na ekspresyon sa mukha ko ngayon, napupuno na ako sa lalaking ito. "Friends? Friends bang matatawag yung natutulog ka sa condo ng Aidan Scott na 'yon? Friend bang matatawag na halikan ka ng bangus na si Connor Leblanc sa harap ng maraming tao? At mayroon bang kaibigan na ipinagkakalat na fiancee ka niya at handang itago sa mundo tulad ni Clay Sanders? Tell me Jackie, are you that naive? I doubt that, baka naman ilang beses mo nang naibigay ang katawa-" Hindi ko na siya pinatapos, tama na, sobra na. Lumagapak ang palad ko sa mukha niyang parang metal. "FYI Mr. Lopez, I don't owe you any explanation. You don't just barge in my life and bark at me like I'm the most disgusting woman in the world dahil mas masahol ka sa'kin! You don't know me, you don't know what happened to me so back-off!" pumiksi ako para iwaksi ang kamay niya. Iniwan ko siyang natitigilan, bago pa ako makalabas ng pinto ay lumingon akong muli at binigyan siya ng nang-uuyam na ngiti. "By the way, they all taste great Mr. Lopez, I dont think you can compare," pangungutya ko sa kanya sabay talikod. Lakad takbo ako papunta sa elevator. Narinig ko pa ang dagundong ng pagtawag niya sa pangalan ko pero hindi ako lumingon. Mas binilisan ko pa ang pagtakbo para hindi niya ako abutan. Pagdating sa elevator ay pinindot ko agad ang close button. Kalahating dangkal na lang nang lumitaw bigla ang mukha niya, nagrambulan nanaman ang lintek na puso ko. Bago tuluyang sumara ng elevator ay nakita ko pa ang lumuluha niyang mata. I had a glimpse of the old him, that boy I used to adore, that boy who promised to love me and marry me when the right time comes. Pero mukhang hindi na mangyayari dahil nagbago na siya, hindi na siya ang dating Sevazte na palagi akong pinapasaya at pinapakilig. Ang natira na lang ay lalaking walang emosyon, walang puso. Patakbo akong lumabas ng hotel at nagmamadaling pumara ng taxi. Alam kong maaabutan niya ako. At tama nga ako dahil narinig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko. Pero pinanatili ko ang mukhang hindi kababakasan ng reaksyon. "Manong sa Sunny Heights po, pakibilis." Napatingin ako sa side mirror ng sasakyan at nakitang nakatayo lamang siya. His hand clenched, his stormy gray eyes is back into being impassive. Nag-umpisang pumatak ang mga luha ko, kipkip ko sa kamay ko ang kwintas na kahit kailan ay hindi ko hinuhubad. This old locket reminds me of my young, sweet love... "Goodbye Inno..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD