FLASHBACK LENARD’S POV ISANG NAPAKA-MEMORABLENG ARAW SA KANYA IYON. Sa dinami-dami na ng nakilala niya, tila isang bagyong nagdaan sa kanya ang bilis ng mga hakbang ng babaeng walang pakialam na pumasok ng malaking bahay ng matalik niyang kaibigan. Iyon ang unang beses na nakita niya ito kahit pa matagal na siyang bumibisita at paminsan-minsan ay nananatili roon tuwing bakasyon sa eskwela. Sa isang kilalang university school siya pumapasok sa Maynila at doon din nakilala si Jaxon Anderson. Ang napaka-seryosong lalaki sa pag-aaral bukod pa sa pinaka-gwapo rin sa kanilang klase. Kahit ganoon ay mas nilalapitan siya ng mga kababaihan sa university dahil sa laki ng takot ng mga ito sa lalaki.Ni ayaw nito mamansin kahit na kanino at tanging sa mga professors lamang nakikipag-usap. Na-curiou

