LENARD’S POV “PRESIDENT LENARD AND MISS ZENY, MAY BISITA PO KAYO.” Isang staff mula sa help-desk ang sinadya pa silang puntahan sa opisina. Bakas ang kakaibang saya sa mukha nito. Nasa opisina na sila pareho ng asawa nang tila sabik na sabik itong pumasok upang ipaalam ang pagdating ng di-inaasahang bisita. Pagkasabi nito ay agad ding umalis upang bumalik sa first floor. Nagkatitigan sila ni Zeny. Parang may pinagkakaguluhan sa information area. Hindi matapos-tapos ang pagkuha ng larawan ng mga staff doon. Bagama’t may mga taong nakaharang ay hindi alintana ng mga ito dahil sa tuwang nararamdaman na masilayan ang dalawang pamilyar na bulto. “Jaxon! Celine!” tawag niya sa mga ito. Agad naman na lumingon ang dalawa at sumenyas sa mga bodyguard na luwagan ang daraanan nila. “Hey, akala ko

