JAXON’S POV “MR. ANDERSON, MAY BALITA PO TUNGKOL SA BABAENG DATING KASINTAHAN NI MR. LENARD.”nabaling ang pansin ni Jaxon ng biglang magsalita ang isa sa mga tauhan niya. Kasalukuyan silang nasa gitna ng talahiban matapos makita ang kotse ni Zeny. “May nangyari ba?” tanong niya habang patuloy pa rin sa paglakad. Madilim na ang paligid at tiyak na dahil sa layo ng kalsada ay mahihirapan silang hanapin ang pinsan. Inutusan niya ang iba na mauna na upang alamin kung may ibang daanan palabas doon. “Patay na po siya.” Sa narinig ay napahinto siya sa paghakbang. “Paano nangyari iyon?” nakakunot-noo niyang tanong. Tila hindi siya makapaniwala. “Ayon po sa source natin, sa gusali kung saan ito dinala ng lalaking dumukot sa kanya ay doon din nangyari ang insidente.” Tumingin ang kanyang kausa

