Chapter 24

1021 Words

LENARD’S POV MAAGA SILANG GUMISING KINABUKASAN. Muling pinagmasdan ang ganda ng kapaligiran na tiyak na hahanap-hanapin nila agad sa oras na makababa na sila ng bundok. Magkahawak sila ng kamay na sinalubong ang pagsikat ng araw. Maya-maya pa ay napalingon siya rito ng mahinang kumanta ito. Sa paningin pag ikaw ay wala Sa isip laging nag-aalala Labis ang tuwa,pag narito ka Ikaw na nga, ikaw na nga Sinapo nito ang mukha niya saka ipinagpatuloy ang pag-awit. Nagmistula siyang isang singer sa kanyang ginawa. Mataman lang na nakatitig sa kanya si Zeny. Waring aliw na aliw ito sa kanyang pagkanta. Sa’yong tabi ang puso’y di mapakali Ngunit di mapaliwanag, di mapaliwanag Pag-ibig sa iyo’y tumitindi Ngunit di mapaliwanag, di mapaliwanag “Alam mo na agad ang kantang iyon?” tanong niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD