CHAIRA "Congratulations, nak! Natutuwa ako para sa inyong dalawa ni Benedict," nangiyak ngiyak na sabi Nanay Ising matapos n'ya akong yakapain ng mahigpit. Hinalikan ko s'ya sa pisngi. "Thank you, Nanay Ising sa pagtanggap sa'kin." "Nak, wala akong nakita pa na higit sayo para kay Benedict kaya natutuwa talaga ako nang magkaroon kayo ng relasyon." Hinaplos ni Nanay Ising ang pisngi ko. "Ingatan mo ang iyong sarili para sa dinadala mo, 'nak." "Opo, nay! Nasaan po si Bernard?" Napalinga linga ako dahil di ko nakita ang makulit kong si little bear. " Ohh wala pa s'ya dito, nak. Sumama s'ya kina Cassie para makipaglaro kay Lily," sagot ni Nanay Ising. " Okay lang po, pahinga muna ako sa kwarto namin. Kapag po dumating s'ya pakisabi na lang na gusto po namin s'ya makausap." Hinalikan ko s

