WARNING SPG AHEAD CHAIRA "Hoy pangit, tigilan mo ako! Wag mong biruin mga magulang ko ng ganyan," namumulang sabi ni Leah. Napahilig ako sa dibdib ni Benedict samantala nakayakap naman s'ya mula sa likuran ko, habang nanunuod kami sa live love story ng dalawang kaibigan namin. Humarap si Leonel kay Leah at matiim na tinitigan. "Sino ba nagsasabi na nagbibiro ako. Matagal ko nang sinasabi sayo na gusto kita di ba, kaya ngayon papatunayan ko." "Ayyyyeeeee!" Umingay ang paligid sa kantyaw kay Leah. Kulay kamatis na pula na talaga ang mukha nito. Mula nang makilala ni Leonel si Leah sa dinner naming magkaibigan, pinatunayan n'ya ang kanyang nararamdaman para sa dalaga. Naging suki na rin ng bulaklak kada umaga si Leah at naging tampulan ng tukso kapag sinusundo sya ni Leonel sa school.

