1 year later… “Congrats, Mia!” “Congrats din sayo, David!” Kinuha ko yung bouquet ng bulaklak na inabot sa akin ni David at binigyan siya ng isang malawak na ngiti. Hindi ko tuloy maiwasan na hindi mag-reminisce. Parang kailan lang nangangapa pa ako sa buhay dito, tapos nagkaroon pa kami ng hindi pagkakaunawaan ni Marco—maski ni David nung una pero ito na ako, naka-survive sa first year. “Salamat pala dito ah!” ani ko. Nasa university kami ngayon para kunin yung certificate of recognition namin. Lihim akong natawa nung naisip ko na ang dami pa lang nangyari sa akin dito sa loob ng isang taon. “Tara na, let’s celebrate?” tanong sa akin ni David. Tumango agad ako. “Sure! Let’s get wasted!!!” yaya ko sa kaniya. Agad akong pinag buksan ni David ng pintuan ng kaniyang kotse. Pumasok

